Isa

92 48 81
                                    


Nagising ako kinaumagahan sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto, pinakiramdaman ko ang sarili ko bago tuluyang bumangon, umupo ako sandali sa kama at tinitigan ang bintanang may kurtinang sinasayaw ng hanging umiihip, sandali kong tinitigan ang liwanag.

Ang sikat ng araw na nagpapahiwatig ng bagong simula, bagong pag-asa at pagbangon.

Tumayo ako at uminom ng isang basong tubig na nakapatong sa table sa side ng kama ko, napalingon naman ako sa salamin at sandaling tinitigan ang kabuoan ko. Tinatansya kung meron bang nag bago o sa kung meron bang nag iba.

Pero wala, ganoon parin at walang nagbago, walang kakaiba sa sistema ko, gaya parin ito ng dati. Gaya parin ng dati na hindi ka maalala.

Bumuntong hininga ako t'saka napag desisyonang maligo, ngayong araw kasi ay tutulungan ko si mama asikasuhin lahat ng mga papeles at requirements naming magkapatid. Sa susunod kasi na buwan ay pupunta kaming Italy at doon na maninirahan, nandoon din si papa kaya sigurado akong hindi ako mahihirapang makahanap ng trabaho doon.

♪♬♩

~You were laughing when I
met you, and you still do~

~Remember when I was
The apple of your eye~

~The center of your attention,
Is still the best place, I've
ever been in~

~But nothing ever stays the same~

♬♪

Napangiwi ako sa lakas ng sounds na pinapatugtog ng kapatid ko, tsk. Ang lakas maka tama ng lyrics kala mo naman may girlfriend sya.

Teka. Meron nga ba?

~And this heart will not erase you
And this heart will not erase you~

~I know someday you'll buy a
little diamond ring, but it
Won't be for my finger~

~And I know someday, your
Child were hear you sing,
But I won't be there~

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa lyrics ng kanta, sobrang lakas ng impact saakin, sobrang bigat sa dibdib na hindi ko maipaliwanag ang dahilan kung bakit masakit.

Sometimes it's not the song that makes you emotional, it's the person and things that comes into your mind when you hear it.

'But how am I suppose to know it when I couldn't remember anything? Even my self!'

Sa isang iglap ay nagbago na naman ang nararamdaman ko, ang kaninang maganda at malumanay na sistema ay biglang nag iba at nakaramdam ng sakit. Hindi man physical pero masakit iyon at napakabigat sa dibdib, nasasaktan ako kahit hindi ko alam kung bakit.

Gayon paman ay tinapos ko parin ang nasimulan ko, gaya ng pag ligo, pilit na winawaglit ang kakaibang pakiramdam.

Kahit wala na ako sa mood at naiinis ako sa kapatid ko ay wala naman akong magagawa, bumuntong hininga ako at lumabas na sa kwarto matapos kong asikasuhin ang sarili ko.

Naabutan ko si mama na binubukasan ang isang file case, habang ang kapatid ko naman ay may inaayos na papel o kung ano man, habang nakikinig parin ng music.

"Morning kuya." bati ng kapatid ko habang nag e-enjoy parin sa music na pinakikinggan nya.

Pinatay ko ang speaker at inis s'yang nilingon, sinamaan ko s'ya ng tingin dahil akmang aangal pa s'ya ngunit pinigilan ko na.

"Anak kumain ka muna, at pagkatapos mo tulungan mo kami dito. Okay?"

"Yes ma." Sagot ko at dumeretso sa kitchen para kumain ng agahan.

Painful Goodbye'sWhere stories live. Discover now