Crush

81 10 0
                                    

Busy akong nagrereview para sa Midterm Exam namin bukas ng biglang tumunog ang cellphone ko.





Harold Bermudez reacted on your post.





Harold Bermudez commented on your post.






Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o hindi? Nararamdaman ko na din na napapangiti ako dahil sa nabasa ko. Ang crush ko nag-react sya at nag-comment? Pero naisip ko na baka binash n'ya lang ako sa isa sa mga shared post ko? O baka naman naiinis na s'ya sa naka-shades posts ko tapos nag-comment na s'ya na itigil ko na?






Ang dami pang scenario ang tumatakbo sa isip ko bago ko binuksan para tingnan ang comment n'ya. Kinakabahan ako e. Agad kong tinype ang password ko sa cellphone ko at dumiretso sa Facebook.






*Best scene sa room
Yung nag-aaway yung pabida sa room at yung tropa mo.

Harold Bermudez
HAHAHAHAHA naalala ko tuloy yung pabida nating classmate tapos inaway namin magto-tropa






Komento nito sa post ko. Akala ko naman sa kung saan s'ya nag-comment kaya naman ini-HAHA react ko ito at nireplyan.






Yenna Tenorio
Luh, kayo ba yung umaaway do'n? Alam ko kami e.






Sagot ko HAHAHAHAHA tamang away lang kay cruxx. Sa pagkakatanda ko kase nantitrip lang sila bully gano'n! Akala ko hindi na n'ya rereplyan ang comment ko pero laking gulat ko ng mag-react sya muli at nag-reply.






Owemjiiiiii! Mukhang mape-perfect ko pa ata ang exam bukas dahil kay cruxx kase ginanahan ako magreview HAHAHAHAHA hindi talaga s'ya hadlang sa'kin.







Mahaba-haba pa ang naging sagutan namin sa comment section. Hanggang sa sabihin n'ya ang...






Harold Bermudez
O s'ya sige na goodnight.






Aaaaaaccccccckkkkkkkk!!!! Nag-goodnight s'ya sa'kin. OMG! Pwede ba akong tumili ngayong gabi lang? Ramdam na ramdam ko ang kilig sa buong katawan ko shemaaaaaayyyyy! Pero nalungkot din ako dahil nag-goodnight na s'ya pero ayos lang atleast nakausap ko s'ya kahit sa comment section lang.






Kaya naman ipinagpatuloy ko nalang ang pagrereview ko at hinayaan ko lang na open ang data ng cellphone ko. Online oa din kase ang mga tropa ko at ang ingay nila gc pero naka-mute iyon tamang seen lang din ako kase nga busy ako. At dahil nga naka-mute ang lahat ng gc sa messenger nagulat na naman ako ng ito naman ang tumunog. Kaya no'ng una'y 'di ko ito pinansin dahil pokus muna ako sa review.




Nang makaramdam ng pagod at ang hirap mag-isip chineck ko ang messenger.



What theeeeee???? Harold???





Sheeeeeeettttt!!! Halaaaaaaaa, minessage naman n'ya ako.




Kinakabahan ako ibang level na 'to may nag-message na, ito na ba ang sign?




Harold: Busy ka ba?





Ang pa-fall ah!





Medyo lang, nagrereview ako para bukas sa Midterm




Harold: Ganoon ba? Goodluck






One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon