Inlove?

42 6 0
                                    

Habang naglalakad pinagtitinginan ng mga estudyante si Shanelle.





Si Shanelle ay kilala bilang madaldal, top student at maganda ngunit simpleng babae.





"May dumi ba yung mukha ko?" Tanong nito sa sarili habang kinakapa ang mukha kung may dumi ba ngunit sa palagay nito ay wala naman. Kaya naman laki ang pagtataka nito habang patuloy na naglalakad sa hallway, nang mapadaan s'ya sa tatlong magkakaibigan na kilala naman bilang mga Campus Bitches ay mas lalo s'yang nagtaka may kakaiba talaga sakanya ngayon.






"Oh my g! She's so stupid talaga! HAHAHAHAHA" sabi ni Zoe.






"Yeah, you're right!" Sagot naman ni Seah.






"I think it's true. Hahahahaha" si Ella naman.






Takang tinitigan ni Shanelle ang tatlo. Hanggang sa makita nito ang repleksyon n'ya sa salamin, mayroong papel na nakadikit sa kanyang bag. Agad n'yang tinanggal sa pagkakasuot ang bag at kinuha ang papel nakadikit at binasa.






"STAY AWAY FROM ME, I'M STUPID"






Inis n'yang nilukot ang papel at sinamaan ng tingin ang tatlo na panay ang tawa.






"Alam ko na kung sino ang naglagay nito" inis n'yang bulong sa sarili at dali-dali itong naglakad papuntang field.






Pagdating sa field isang pamilyar na lalaki agad ang nakita n'ya.






"Hoy! Epal!" Sigaw nito habang papalapit sa lalaking nakaupo sa ilalim ng puno. Nagulat naman ito sa pagdating ni Shanelle.






"Ano?" Takang tanong nito at napatayo na. "Meron ba akong atraso sayo?" Dagdag pa nito.






"Yan! Basahin mo yan! Basahin mo kung anong nakalagay jan!" Sabay bato nito ng papel sa lalaki. Kinuha naman nito ang papel na nahulog sa sahig dahil sa pagbato ni Shanelle. Pagkakuha n'ya ay binasa n'ya ito.







"Bintanggera ka rin e no? Paano ko naman gagawin yan? nandito ako, atsaka bakit ko naman gagawin sayo yan?" Balik na tanong muli ng lalaki.







"Sa dami ng galamay mo rito sa loob ng Campus hindi ko na maikakaila kung paanong gano'n nalang sayo kadali na gawin sa'kin ang bagay na iyan, at isa pa kaya mo ginawa yan para ipahiya ako! Hindi ba? Daniel." Sigaw nito.






Napangisi nalang ang binata dahil sa tinuran ni Shanelle.






"Hindi ko ginawa 'yan para ipahiya ka, sorry na, ginawa ko 'yan para sa'kin lang" tugon nito.






Naguluhan naman si Shanelle sa mga sinabi ni Daniel.






"Ano? Anong sinasabi mo? 'Wag mo nga akong pagtripan!" Inis na sagot ng dalaga.






"Totoo ang mga sinasabi ko Shanelle, gusto kita, at ginawa ko 'yan para layuan ka ng ibang lalaki"






Ang isang Gangster na tulad ni Daniel ay gusto ako? - tinig mula sa isip ni Shanelle. Imposible






Aalis na sana si Shanelle dahil wala naman s'yang mapapala sa lalaking 'to.






"I love you, Shanelle" wika ng binata habang hawak n'ya ang kamay ng dalaga upang pigilan ito sa pag-alis.







Alam ni Shanelle sa sarili n'yang gusto rin naman n'ya ang lalaking pumipigil sa kanyang umalis, kaya naisip n'yang bakit hindi na rin n'ya kunin ang oras na 'yon para umamin na rin ng nararamdaman para sa binata. Humarap ito sa binata.







"Sige, aamin na rin ako, gusto kita" kita sa mukha ni Daniel ang ngiti dahil sa sinabi ni Shanelle.







"Guys! I won!" Sigaw ni Daniel atsaka lumabas ang iba nitong mga tropa na kanina pa pala na nasa itaas ng puno. Nagtataka ang itsura ni Shanelle.






Anong I won?






"Lakas talaga ng charm mo, bro!" Sabat ng isang lalaki na kasing tangkad lang ni Daniel at tinapik-tapik pa nito ang balikat ng binata.






"Thanks for the cooperation, Shanelle because of you nanalo ako sa pustahan"







Pustahan lang pala? Akala ko gusto n'ya talaga ako. Sabagay imposible naman talagang magustuhan ako ng lalaking 'to.






"Congrats! Nanalo ka, may hati ba ako jan?" Nagulat naman sila sa pag-imik ni Shanelle napatingin ang magto-tropa sa kanya.






"Hindi ka galit?" Takang tanong nito.






Galit ako pero gaganti lang din ako, akala ko pa naman love na naging bato pa! Kaya kailangan kong makaganti, lintik lang ang walang ganti.





"Hindi, hindi ako galit" at unti-unti itong lumapit kay Daniel. "Kase... Galit na galit ako!"






~PAK!!!~






Isang malakas na sapak ang iginawad nito sa binata. Napahawak naman ang binata sa mukha nyang sinapak.






"Yan ang bagay sa'yo! Epal!" Sabay walk-out ni Shanelle.






Akala mo magpapatalo ako porke't lalaki ka? Tsk! Mali ka ng kinalaban! Small but terrible ata to!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now