Childhood

33 3 0
                                    

Nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng bahay. Katulad pa rin ito ng dati, yun nga lang ay lumungkot na s'ya dahil sa kaunti na lang ang nakatira rito.




"Oh, nandito ka na pala," nakangiting bungad sa'kin ni Tita Risa, s'ya ang may-ari ng bahay na ito, s'ya at ang bunsong anak n'ya na lang ang nakatira sa malaking bahay na ito.




Naalala ko tuloy bigla ang mga masasayang araw noong nakatira pa kami rito, mga asaran, tawanan, kwentuhan at kung anu-ano pa.




"Maupo ka muna, at heto ang tubig mainom ka muna," sabay lapag ng isang pitchel na may lamang tubig at isang baso. Ngumiti naman ako rito at kinuha 'yon.




Naalala ko dati, inaasar pa ako nila kuya Jojo sa bunsong anak ni Tita Risa, kumusta na kaya 'yon? Hayss. Dati kaming boarder ng bahay na ito halos limang taon rin kaming nakatira rito hanggang sa makalipat na kami sa sarili namin bahay.




At ngayon ay bumalik ako rito dahil nagpatulong sa'kin si Tita Risa na magpa-design dahil nalalapit na raw ang 60th birthday n'ya. Kaya naman pagkatapos kong uminom ay sinimulan ko ng ayusin ang sala. Tinutulungan ako tita Risa para daw hindi ako mahirapan.




"Dito ka na matulog, para hindi ka na ba-byahe, tutal ay may bakanteng kwarto naman rito," tumango naman ako.




"Si Vinz po, nasaan po s'ya?" Tanong ko rito.




"Naku! Alam mo naman ang batang iyon, ang sabi n'ya sa'kin bukas na raw s'ya uuwi at doon na lang s'ya sa kaibigan n'ya matutulog," kwento nito sa'kin.




Kaya pala ang tahimik ng bahay. Mabilis namin natapos ang pagdidisenyo, halos hapon na rin kami natapos, nagsaing na si Tita Risa at ako naman ay dinala ko ang gamit ko sa kwarto na itinuro n'ya sa'kin. Nandoon pa rin ang iilang lumang litrato, nakita ko din ang itsura ko noon na gusgusin pa. Natawa tuloy ako.




Humiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame, kahit ang mga glow in the dark na bituin ay naroon pa rin, yun nga lang luma na ang mga ito. Maya-maya'y tinawag na ako ni Tita para kumain kaya lumabas na ako ng kwarto.




Habang kumakain ay kung anu-ano ang pinag-uusapan namin ni Tita hanggang sa dumating ang isa sa mga kaibigan n'ya, kaya naman ay tumahimik na lang ako dahil usapang matatanda na 'yon though kahit twenty na ako. Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay tita na magpapahinga na ako sa kwarto, naiwan silang magkaibigan doon sa may dining area.





Alas otso na ng gabi, kaya kita sa bintana ang maliwanag at napakagandang mga bituin, nakatitig lang ako doon hanggang sa makatulog na ako.



***



Isang malakas na tilaok ang gumising sa'kin, nakahiga pa rin ako sa kama at nakayakap sa isang unan pero... Parang may kakaiba sa unan na niyayakap ko humihinga s'ya? Agad akong tumayo sa pagkakahiga at hinila ang kumot sa kama.




"Aaaaaaaaahhhhhhhhh!" Tili ko nang makita ang isang lalaki na nakahiga sa kama, nataranta ako kung kaya't hinampas ko ito gamit ang kumot.





"Vinz?" Yan nalang ang naiusal ko nang mapagtanto kung sino ang katabi ko sa kama.




Topless at tanging boxer shorts lang ang suot n'ya, napatakip tuloy ako sa mata ko gamit ang kumot na pinanghampas ko. "Anong ginagawa mo sa rito kwarto ko?" Sigaw ko rito habang nakatakip pa rin ang kumot ko sa mata ko. Pero infairness ganda ng katawan hehe.




"Kwarto ko, hindi mo 'to kwarto kaya ako dapat ang nagtatanong n'yan" giit nito.




"Tungek ka ba? Dito ako pinatulog ng mama mo!" Sigaw ko muli. Agad na may pumasok sa kwarto at si Tita Risa 'yon.




One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon