Gaya ng Dati

45 4 0
                                    

"Ako ang partner mo ah?" Gulat akong napatingin sa biglang bumulong sa'kin. Si Matthew pala ngumiti naman ako rito.





"Always naman kitang partner e, so why would I need to find for another partner?" Natatawa kong sabi rito.




"E, syempre... Malay ko ba kung nagsasawa ka ng partner ako" sabi pa nito habang nakamot sa ulo.




"Me? Magsasawa na piliin ang isang Matthew? Hello? Hahahaha"




Kita ko naman na napangiti s'ya dahil sa sinabi ko, totoo naman na hindi na ako maghahanap ng ibang partner depende na lang kung s'ya na mismo ang umayaw sa tandem namin at maghanap s'ya ng iba.





"So, okay ka na? Hindi ka na ba nagwo-worry kung maghahanap ako ng ibang partner?"




"Okay na ako" sabay ngiti nito. "Alam ko naman kase na ako at ako lang ang pipiliin mo" dagdag pa nito.




"Naman as always nga e" wika ko pa.




"What do you want to eat nga pala?" Tanong nito.




"Ahm? Burger and Fries tapos yung drinks Magnolia" sagot ko.




"Sige, punta lang ako ng canteen, antayin mo 'ko dito ah" tugon naman nito.





"Teka, paano ako makakabili kung nandito ako?"




"Alam mo ang daming tao sa canteen at ayaw kong nakikipagsiksikan ka, kaya dito ka lang, okay?" Napangiti naman ako sa sinabi n'ya.




Napaka-swerte ko dahil nakilala ko s'ya, ang gentleman n'ya tapos sweet pa and caring na rin kinikilig ako pero bawal pala ako mag-aasume baka friend lang ang turing n'ya sa'kin.




Makalipas ang ilang minuto ay dumating na muli si Matthew kasama n'ya ang isa pa namin kaibigan si Kuya Timothy. Loko talaga 'to iba pa ang sinama.




"Heto na ang pagkain mo mahal na prinsesa, iningatan ko 'yan baka kase sapakin ako nitong kasama ko e" pabirong wika ni Kuya.




"Anong prinsesa ka d'yan kuya? Thank you sa pagbili Matthew"




"Sa'kin? Walang thank you?" Nagtatampong sabi ni Kuya.





"Thank you sa pagdala ng pagkain ko" at nginitian ko sila parehas.




***



"Okay, Class hawak ko na ang Top 2 Best Partners natin para sa activity na ginawa natin noong nakaraang linggo"




Excited na kaming lahat sa kung sino ang mga napili, pero nakasisiguro akong isa na kami do'n ni Matthew siguro kami yung second place.




"Ang una kong tatawagin ay ang nakakuha ng 89 na grades at ito ay sina... Crystal Guevarra and Jasmin Ordoñez" agad naman kaming nagpalakpakan at tumayo naman ang dalawang tinawag upang kuhanin ang kanilang mga sertipiko. Akala ko ay kami na yung makakakuha ng second place hay. Hindi pala.




"Ngayon naman ay ang nakakuha ng pinaka-mataas na grade na 95 ay sina... Matthew Gonzalez and Amethyst Santos" nagulat ako sa narinig ko, hala 'di ko akalain na kami ang makakakuha ng pinaka-mataas na grade.




"Amethyst, tara na bakit ka pa nakatunganga d'yan?" Agad naman akong tumayo at sabay kaming pumunta sa harapan ni Matthew.




"Best buddies talaga tayo" bulong n'ya pa sa'kin. Mas lalo tuloy akong napangiti dahil sa sinabi n'ya.





Tama s'ya best buddies nga kami, best partner.






***





"Sinong gaganap na ikakasal?" Tanong ng leader namin.





"Mas cute kung sina Matthew at Amethyst kase parang magboyfriend-girlfriend sila hahaha peace!" Sabat ni Cassandra.





"Hmm? Oo nga, parang may chemistry"





"Lah, ayoko, ako nalang yung singer sa kasal" pagtanggi ko. E, kase nahihiya ako, gusto ko kay Matthew manggaling hehe.





"Sige na pumayag ka na, ako naman yung papakasalan mo e" biglang sabat ni Matthew naramdaman ko naman na nag-init ang pisngi ko. "Ayaw mo ba akong pakasalan?"





"Roleplay lang 'to Matthew 'wag mong seryosohin" sabat ni Joana.





"Ay hindi naman sa gano'n" sagot ko sa tanong ni Matthew.





"So payag ka na?" Tanong nito. Tumango naman ako. As long as na ikaw Matthew ang makakapartner ko papayag ako lagi.





***





"Mabuhay ang bagong kasal" sigaw ng kaklase ko na kunwaring pari sa aming roleplay. Panay naman ang mga hiyawan ng mga kaklase kong nanonood ng roleplay namin.





"Kiss!" Sigaw nilang lahat.





"Kiss daw sabi nila" bulong sa'kin ni Matthew agad ko naman s'yang siniko sa tagiliran n'ya. "Ayaw mo ba?" Sabi n'ya pa habang nakangiti. Loko din 'to e, pa-fall.





"Hindi p'wede, naka-reserve ang first kiss ko sa first boyfriend ko" sagot ko rito.





"Sorry guys, I respect my wife ayaw n'yang pahalik e" sigaw nito sa buong klase kaya naman imbis na halikan ako niyakap n'ya na lang ako. "Sayang 'kala ko mahahalikan na kita kaso hindi mo pa pala ako boyfriend" ano ba yan? Nakakakilig.





Sana laging ganito 'no? Nakakakilig lang.





***





"Palakpakan natin ang best group for this activity Matthew Gonzalez and Elaine Pineda" nagpalakpakan naman kaming buong klase.





Akala ko tayo palagi ang partner, akala ko ako lang ang pipiliin mo pero mali ako, ikaw ang naghanap ng bago. Ikaw pala ang sisira sa tandem natin.





Hanggang alaala nalang ang lahat. Hindi mo na ako kinakausap, iba na din ang palagi mong kasama at iba na rin ang lagi mong kapartner pero para sa'kin ikaw pa din ang nag-iisang partner ko Matthew Gonzalez.







Kahit hindi na tayo gaya ng dati.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now