Panaginip

57 8 0
                                    

Nasa loob kami ng classroom at ang mga kaklase ko ay nag-iingay  wala kaseng pumasok na guro ngayon kaya para kaming nakatakas hawla. Napatingin ang gawi ko kay Jasper na busy sa pagsusulat nang biglang mapatingin ito sa'kin. Agad ko rin na iniiwas ang tingin ko. Nahiya ako e, crush ko kase sya since third year kami until now na fourth year na kami hindi nawala ang feelings ko sakanya. Ewan ko ba. Umamin din naman ako na gusto ko s'ya pero tinawanan n'ya lang ako pero atleast hindi s'ya tulad ng iba kong crush, s'ya hindi n'ya ako iniwasan.




"Lira" rinig kong tawag ni Jasper sa'kin kaya naman tumingin ako rito. Binigyan ko s'ya ng tingin na BAKIT? At alam kong na-gets n'ya ako kase itinuro n'ya ang katabi nyang upuan na walang nakaupo, kaya naman lumapit ako rito.




Nakangiti lang ito sa'kin habang pinagmamasdan ako. Naiilang ako sa ginagawa n'ya. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na sira na pala ang envelope mo?" Nagulat ako ng ipakita n'ya sa'kin ang envelope ko na punit na ang gilid, lagayan ko iyon ng mga activities na ginagawa namin sa Mapeh, paanong napunta sakanya 'yon? E nasa tabi ko lang 'yon kanina?





"Akin na nga 'yan, bakit ba nasa iyo yan?" Sabi ko habang pilit na inaabot ang envelope ko pero inalalayo naman nya. Haist!




Kaya naman wala na akong nagawa, ngayon ay tinititigan ko s'ya habang inaayos n'ya ang envelope ko. Ang cute n'ya pero naguguluhan ako sa ginagawa n'ya bakit naman n'ya pagkakaabalahan na ayusin ang gamit ko na yan?



***

Makalipas ang ilang minutong pagsasaayos ng envelope ko, ipinakita n'ya ito sa'kin habang nakangiti na parang bata ang cute n'ya talaga!




Ibinalik n'ya roon ang mga activities na nakalagay sa envelope. Pagkatapos ay inilapit n'ya ang upuan sa upuan ko. Hinawakan n'ya ang mga kamay ko at tumitig sa mga mata ko. Jasper ano ba itong ginagawa mo?



"Lira, gusto kita" nagulat ako sa sinabi n'ya. Totoo ba? Gusto n'ya rin ako? Talaga? Kung napupunit lang ang mukha dahil sa labis na pag-ngiti malamang napunit na ang aking mukha. Labis labis ang tuwa na nadarama ko. Kaya naman napayakap ako sakanya.




"Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako? O totoo ang mga ito" sabi ko pa. Kumalas s'ya sa pagkakayakap.





"Hindi ka nananaginip, totoo ito" tugon n'ya habang nakangiti kaya napangiti na rin ako. Ang sarap naman sa feeling nito. Haist.




Niyaya akong lumabas ni Jasper para kumain ng street foods sakto naman na nakasalubong namin ang mga kaklase namin at inasar pa kami.




"Umamin ka na ba Jasper? hahahahaha, ligawan mo na" buyo pa ni Clarisse. Napatawa na lamang si Jasper.




"Bukas, liligawan ko na 'to" sagot n'ya. Nagblush tuloy ako yiieeeeeeeee.



***




Matapos ang scenario na 'yon ay bumalik na ulit sa kami sa room at niyakap nya akong muli. Ang yakap n'yang iyon ang sarap sa pakiramdam hindi ko alam pero parang bumigat ang nararamdaman ko.




I see you beside me
It's only a dream
A vision of what used to be
The laughter, the sorrow
Pictures in time
Fading to memories...




Muli ko na naman narinig ang tugtog na iyon. Nararamdaman ko na din ang mga luha sa mata ko, umiiyak na naman ako ng tulog. Nananaginip na naman ako, naalala ko na naman sya.




How could I ever let you go
Is it too late to let you know...





Halos isang taon na rin pala ang nagdaan nang iwan na ako agad ni Jasper nang dahil sa car accident. And still hindi ko pa din makalimutan 'yon kaya siguro naalala ko na naman s'ya at dumaan pa s'ya sa panaginip ko. I know you're in at peace my love, 'wag kang mag-alala I never forget you, you'll always be in my heart and I'll always love you. Maaaring saglit lang ang ating naging panahon para mahalin ang isa't-isa hindi ko kakalimutan ang isang taong nagsukli sa pagmamahal na ibinigay ko.




I tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you...





Ang pangyayaring iyon ang pinaka-masamang panaginip sa lahat at sana magising na ako mula sa panaginip na 'yon.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now