Chapter 2

6 2 0
                                    

ARYA'S POV

---

ALAS-OTSO pa lang ng umaga ay naglalakad na ako papuntang school kahit na ang usapan ay alas-diyes pa. Hindi pa rin ako panatag doon sa nabasa kong posts kahapon.

About sa post, kaninang umaga, I saw another post na galing sa same Facebook page. Sobrang weird noong post na nakita ko. Parang pinaparating nila na need na maging ready ng villagers na sasakupin nila.

If they are bluffing, ang pangit ng joke nila. Pero kung mga terrorists pala sila and may masama silang balak, sana hindi dito. Ayaw ko sa problema.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang lingunin ang mga nakakasalubong ko. May mga nagtitinda sa gilid ng daan, meron namang mga nakatambay lang, at meron din namang mga nag-aabang ng masasakyan. Alas-otso pa lang pero meron nang mga bata nagtatakbuhan sa labas habang nakayapak.

Sobrang saya nila ngayon pero panandalian lang iyon. Iyan ang bagay na lagi kong naiisip. Ni hindi ko nga maalala yung childhood memories ko eh. Ang alam ko lang, minsan akong naligo sa ilalim ng ulan at wala nang iba.

Nang makarating ako sa school, wala akong nakasalibong kahit anino bukod sa gwardya sa school gate na prenteng nakaupo at natutulog.

Nakarating ako sa room namin bandang 8:15 ng umaga. Wala pang tao at sarado pa ang pinto. Yung susi naman ay nasa pangangalaga ni Ron.

Since maaga pa naman, I decided to go to the gym muna. Sa aobrang lawak ng gymnasium dito sa school namin, merong sariling mat ang taekwondo club na hindi nila tinatanggal pwera na lang kung lilinisin na. Sa kabilang banda naman ay ang space for badminton club, and sa gitna ay space for basketball and volleyball club nagsheshare na lang sila and minsan may schedule ng paggamit lalo na kung malapit na ang game season.

Nagulat ako nang makarating ako sa gym. "Oh! Ang aga mo naman Brix? Si Sally?" Gulat kong tanong sa kaniya na ikinalingon niya sa akin.

"Sabi ni Sally kasi, paniguradong maaga kang papasok kaya pumasok din kami ng maaga. And dahil sarado pa ang room, dito na muna ako dumiretso since di nila to sinasarado. Nagpunta si Sally sa convenience store para bumili ng umagahan niya." Brix answered while walking to my direction. Pawisa  na siya sa suot-suot niyang vest kaya siguro kani-kanina pa siya dito.

"Hindi mo sinamahan si Sally? Baka mapaano yun." I said with a hint of worry on my voice. Napakamot naman siya sa batok niya. "Eh ayaw niya akong pasamahin eh. Baka daw kasi bigla kang dumating at wala kang madatnan. Parating na rin naman siguro yun." Pagdadahilan ni Brix. Napailing na lang ako sa kaniya.

Nagpaalam ako saglit sa kaniya upang magtungo sa locker room. I wore my vest and then went back to the gym. "Tara sparring tayo." Aya ko sa kaniya. Nginisian naman niya ako bilang sagot.

He even stretched his limbs and flexed his muscles. Inilingan ko na lang siya sa kalokohan niya.

We positioned ourselves sa gitna ng mat. We were rounding each other looking so sharp with hawk like eye. Una siyang sumugod and tried to kick me on my right side that I blocked using my both hands. After that, I gripped on his left leg then swing my right leg that landed on his left side.

I smirked. "Bwisit ka talaga kahit kailan. Pasipa nama kahit isa, pwede?" Paungot niyang sabi na tinawanan ko lang. "Asa ka." Then stuck my tongue out.

DēceptusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora