Chapter 6

5 2 0
                                    

ARYA'S POV

---


HANGGANG ngayon, nakatali at nakakulong pa rin ako sa silid na ito.  


What happened a while ago was just the beginning. That's what they told me after nila akong saktan.


I received punches after punches, kicks ,and slaps that will surely mark me physically and mentally. I didn't know that school will become a hell for me. 


Nang makaalis kanina ang parang pinakaboss nila, sinimulan nila akong pagsalitain pero hindi ako sumunod kaya nag resort sila sa pagbubugbog sa akin para lang masabi ko kung ano ang role na nakuha ko.


It's funny how that fucking peace of paper was so important for them. 


I grew up experiencing pain since I am a taekwondo player but not that kind of pain. Isang oras nila akong pinilit na pagsalitain pero wala silang narinig sa akin kung hindi mga daing at pagmamakaawang tumigil na sila.


"Kung hindi ka makikicooperate, wala kaming magagawa kung hindi ang saktan ka." Sabi ng lalaki. nang hindi ako sumagot, sinenyasan niya ang isa pang lalaki.


Naglakad ito papunta sa likuran ko at hinawakan ako sa aking balikat upang pigilan ako nang magsimula akong magpumiglas. "Magsalita ka na habang nakakapagtimpi pa kami." wika ng lalaking nakahawak sa amin,


"Wala akong sasabihin sa iyo." sagot ko sa kaniya. Ngumisi naman ang lalaking nasa harapan ko. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng malakas na suntok sa aking tiyan na nagpadaing sa akin. 


HIndi ko napigilang umiyak nang suntukin niya na naman ako sa aking tiyan. Sinubukan kong umalis sa aking pagkakaupo pero hindi ko magawa lalo na at nakatali ako at hawak-hawak naman ako noong isang lalaki.


"Tama na, please." pagmamakaawa ko. "Tama na!" sigaw ko. Napahagulhol na lang ako nang hindi sila tumigil. patuloy akong nakatatamo ng suntok.


"Magsalita ka, anong role mo? Kung sasabihin mo ang role mo, mas mapapabilis ang laro natin." wika ng lalaking humahawak sa akin.


Pinanlisikan ko siya ng mata. "Hinding hindi kayo makikinabang sa akin. Patayin nyo ako, sige. Pero hindi ako susunod sa mga utos nyo. HIndi ako papatay ng tao dahil hindi ako kagaya nyo!" asik ko sa kaniya. 


Mukhang nainis siya sa akin kung kaya't kinuha niya ang aking buhok at itiningala ang aking mukha. "Puwes magsawa ka." Wika niya sabay sampal sa aking kaliwang pisngi ng malakas. Sa sobrang lakas noon, hindi ko napigilang matumba kasama ng aking kinauupuan. 

DēceptusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon