Chapter 4

4 2 0
                                    

ARYA'S POV

---

"ANO NA ang gagawin natin?" Kinakabahang tanong ni Brienne matapos mapakalma ang sarili mula sa pag-iyak. Tiningnan niya kami isa-isa as if waiting for a response.


I avoided her gaze. "I guess we should wait for their next move? We don't know them and if susunod tayo sa utos nila, para na rin nating ni-justify kung ano mang kalokohan ito." Sagot ni Ron. What he said earned different response.


"What if totoong may patayin siya sa atin? Kailangan nating kumilos!" Naghihisterikal na sabi ni Brienne.


"Pwede bang manahimik ka?!" Utos ni Drake na mukhang nagsisimula nang mainis. "Kung puro reklamo mo lang naman ang maririnig ko, manahimik ka na lang! Hindi lang ikaw ang natatakot dito!" Dagdag pa nito.


Tumayo si Brienne sa kinauupuan niya at nilapitan si Drake. "Sino ka para utusan akong manahimik?" Nanlilisik ang mata ni Brienne nang tingnan niya si Drake. Kilala si Drake sa pagiging tahimik pero kapag napikon ay grabe kung magalit.


Nakita namin ang side niyang iyon isang beses nang mag-away sila ni Theo. Nagkapikunan.


Tumayo rin naman si Drake sa kaniyang inuupuan. He pushed Brienne by her shoulder. She stumbled back. Ynes saw what happened kaya lumapit siya. Hinarap niya si Drake upang harangan si Brienne. "Hey! Tama na! Nagkakasakitan na kayo!" She said looking at the two.


"Huminahon kayo pwede ba? Walang mangyayari kung mag-aaway lang kayo." Sermon niya sa dalawa. Inirapan ni Brienne si Ynes at Drake bago bumalik sa kaniyang upuan.


It was so silent. No one was talking. Seems like they were all tired of thinking.


I roamed my eyes. Some were still sitting on the floor, back hunched. And some were asleep sa upuan nila. "Ron?" I called.


He gave me a tired look. "Why?" He asked. "Do you have the key for the padlock? Can you try opening it?" I asked. Napalingon sa amin ang iba. Tumango si Ron bago tumayo at nagtungo sa pinto


Inilabas niya ang kamay niya sa bintana upang kapain ang padlock. "Masyadong malayo. Nakakapa ko pero di ko maipasok ang susi." May inis sa boses ni Ron. He was busy trying to open the padlock when another deafening sound echoed in the four corners of the room.


"Don't you every try to escape. The place is heavily guarded. Kung magawa nyo mang makalabass sa room na iyan, hindi naman kayo makakalabas ng buhay sa paaralang ito." Babala ng kung sinumang nasanlikod ng speaker na iyon.


"Tick tock. Tick tock. It's 45 minutes before six. Why don't you all sit back and relax?" The man said followed by his satanic laugh.


Ron stopped opening the door and gave it a hard kick. "Bwisit! Bwisit!"

DēceptusWhere stories live. Discover now