Chapter 5

7 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV
(ARYA'S SIDE)

---

LIMANG oras matapos patulugin si Arya, nagising siya sa isang pamilyar na lugar, ang history room. Nakatali habang nakaupo sa bakal na upuang nakapwesto sa gitna ng silid. Inilibot niya ang kaniyang paningin ngunit dahil sa alas-onse na ng gabi at tanging liwanag na lang ng buwan at bituin na nakasingaw sa bintana ng silid, hindi niya masyadong maaninag kung sino o kung may kasama man siya sa loob ng silid na iyon.

Kung isa kang taong may mahinang loob at madaling matakot, hindi ka tatagal na gaya ng sitwasyon ni Arya. Napapaligiran siya ng mga hinulmang estatwa, mga kalasay ng hayop na nakasilid sa transparent na glass box, at maging ang katotohanang napapaligiran siya o sila ng mga armadong lalaki.

"Sinong nandiyan?!" Pasigaw niyang tanong nang makarinig ng kalansing ng susi na siyang ginagamit pang bukas sa pintuan na kaniyang kinalalagyan.

"Sinong nandiyan?!" Sigaw niyang muli. Sinubukan niyang gumalaw sa kaniyang kinauupuan ngunit masyadong mahigpit ang kaniyang pagkakatali.

Nang mabuksan ang pintuan, naaninag niya ang madilim na pigura ng dalawang tao. Lumapit ito sa kaniya upang siya ay sipatin. Hanggang ngayon, nakasuot pa rin ito ng maskarang may anyong asong lobo na mukhang siyang sumisimbolo sa mga taong may utak ng lahat.

"Pakawalan nyo na po kami, please." Pagmamakaawa ni Arya nang makalapit ang mga ito sa kaniya.

"Anong role ang nakuha mo?" Tanong ng isang lalaking mas maliit. Nangunot naman ang noo ni Arya pagtataka.

"Hindi ko po kayo maintindihan. Please po, pauwiin nyo na po kami." Sagot ni Arya.

"Hindi kayo makakauwi hanggat hindi tapos ang larong ito." Madiing wika ng isa pang lalaki na siyang kakapasok lang sa silid ni Arya.

"Sino ba kayo? Parang awa nyo na po. I just want to go home! Don't worry, kung papauwiin nyo kami, hindi namin kayo isusumbong sa mga awtoridad. Please po." Saan ni Arya na siya ring buhos ng kaniyang mga luha.

"Kung susunod kayo sa amin, makakauwi kayo. Ngayon, sabihin mo kung ano ang nakasulat sa papel na nakuha mo." Utos nitong muli.

"Wala! Hindi ko alam ang sinasabi nyo!" Sigaw ni Arya. She tried yanking her hands pero hindi iyong natatanggal sa pagkakatali.

"Kung ayaw magsalita, kapkapan nyo siya para makita nyo ang papel. Pero kung wala kayong makita, humanap kayo ng paraan para mapagsalita yan." Utos ng pangatlong lalaking hiling pumasok kanina. Tinapunan nya ng tingin si Arya bago muling lumabas. Pagkalabas niya, sinumulang gawin ng dalawang natira ang utos dito.

Hinawakan ng lalaking mas matangkad ang kaniyang balikat upang patigilin siya sa kaniyang pagwawala. Samantalang ang isa naman ay sinimulan siyang kapkapan. Sigaw ng sigaw si Arya ng tulong. Gayun din ang sigaw ng pagmamakaawang pauwiin na sila.

---

(RON'S SIDE)

---

"TAMA NA!" Pagmamakaawa ni Arya na abot sa kabilang silid. Dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Arya, nagising si Ron sa kaniyang pagkakahimbing.

Nakaupo siya sa gitna ng silid at napapalibutan ng mga art canvas na natatakluban ng mga puting tela. Sa unahan ng silid ay may ulo ng estatuwa na pawang isang greek statue dahil sa itsura nito. Sa kanang gilid naman, nakaupo ang dalawang lalaking nakamaskara. Marahil ito ang mga humila sa kaniya kanina.

DēceptusWhere stories live. Discover now