Engagement Ring

2.5K 86 11
                                    

Nagising si Sarah sa sikat ng araw. Nagulat siya at tanghali na pala. Ang tagal nyang nakatulog. Agad na kinuha ang cellphone. Ang dami nyang missed calls and text messages. Isa2x niya etong binasa. Ngunit tanging kay Ate April niya lang siya nagreply.

To: Ate April

Ate, nasa labas ako ng bahay ninyo.

SENT!


Nabasa agad ni April ang message ni Sarah. Dali2x syang lumabas ng bahay. Nakita niya agad ang sasakyan ni Sarah na naka park.

Kinatok niya ang windshield at saka pumasok sa loob ng sasakyan.

April: Kanina kapa namin hinahanap. Saan ka nagpupupunta? Ok ka lang?

*nakita nyang kakagising lang ni Sarah. Mugto ang mga mata, dahil siguro sa iyak. Matamlay, pagod siguro.

Sarah: Kanina pa ako naka park dito Ate. Nakatulog ako.

April: Naku! Eh ba't hindi ka kumatok or tumawag man lang? Kanina pa kami nag-aalala sayo! Teka tawagan ko lang si Tanch, hindi na magkakaugaga sa kakahanap yun sa'yo.

Sarah: Ate, wag! Gusto ko munang mapag-isa.

April: Sars, gusto man kitang sundin pero kawawa naman si Tanch. Hinahanap kana niya.
Sabihin ko lang nasa akin ka at safe ka, para mabawasan lang ang pag-alala niya. Please?

Sarah: Ok Ate.

*nagtext si April kay Tanch. Wala man lang isang minuto....

Tanch Calling.....

April: Kakausapin mo?

Head signaling NO lang ang pinakita ni Sarah.

Lumabas ng kotse si April at sinagot ang tawag ni Tanch.

Tanch: Hello Ate, kamusta si Sarah? Ok lang ba siya? Pwedeng pakausap?

April: Uhmmm.. Hi Tanch, ok lang si Sarah. Kakagising lang, nakatulog sa kotse. Kanina pa pala sya nakapark sa labas ng bahay namin, hindi ko alam.

Tanch: Ahh ganun bah? Mabuti naman at ligtas siya.

April: Tanch, ayaw niya pang makipag-usap sayo eh. Gusto raw muna nyang mapag-isa.  Kinumbisi ko lang na i-text ka at ipa alam na nasa akin siya, para hindi ka mag-alala. Hindi ko pa nakakausap eh, hayaan mo at ako muna ang bahala sa kanya.

Nalungkot si Tanch sa sinabi ni April. Hindi niya naman masisisi si Sarah.

April: Hayaan mo na lang muna na magpalipas ng oras tong pinakamamahal mo. Pasasaan ba't hindi ka rin neto matitiis.

Tanch: Ok Ate. Sana nga makauwi na siya.

April: Wag ka ng malungot, importante nahanap na natin siya. Maglalabas lang eto ng sama ng loob, magiging ok din eto. Ako na ang bahala sa kanya.

Tanch: Thank you Ate. Pwedeng pakisabi sa kanya na I'm sorry at Mahal na mahal ko siya. Umuwi na siya please.

April: Makakarating Tanch. Ohh sige na at papakainin ko pa to, tanghali na. Bye Tanch.

Pumasok ulit si April sa sasakyan.

April: Pinapasabi ni Tanch na sorry at mahal ka niya. Umuwi ka na raw please.

Tahimik lamang si Sarah.

April: Tara sa loob, kain tayo ng lunch. I'm sure gutom kana.

Pumasok sila sa bahay ni April at nagtanghalian.  Pagkatapos kumain, nag offer si April ng kape. Nakaupo sila sa sala...



Team TarahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon