Pera

2.6K 106 6
                                    

Kakauwi lang ni Tanch at Sarah sa Pilipinas. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon sa buhay ay lagi na lang masaya.

Nakatanggap si Sarah ng masamang balita galing sa kapatid niya. Inatake sa puso ang kanyang Daddy. Isinugod nila sa hospital at hanggang ngayon ay unconscious pa rin eto.

Hindi pa man nakapagpahinga si Sarah ay agad na nagbihis ng pang-alis at nag-empake ng iilang gamit. Luluwas siya ng Pampanga.

Hindi hinayaan ni Tanch na magdrive si Sarah kaya sumama na lang siya para ipang drive eto.


Tanch: Love? Ok ka lang? *hawak2x neto ang kamay ni Sarah habang nagdadrive.

Tahimik lamang si Sarah. Tila ang daming bumabagabag sa isipan niya.

Sarah: Natatakot ako Love. *tumulo na ang luha na kanina pa niya pilit na pinipigilan.

Itinabi ni Tanch ang sasakyan para i-comfort si Sarah. Patuloy lang kasi eto sa paghagulgol sa pag-iyak.

Tanch: Walang masamang mangyayari sa Daddy, okay? Malakas yun! At gagawin natin ang lahat para gumaling siya. Kailangan mong magpakatatag Love. Andito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo. Kakayanin natin 'to.

Hinayaan lang ni Tanch na umiyak si Sarah. Alam naman niya na eto ang kailangan niya ngayon, ang mailabas lahat ng takot at pangamba niya. Sigurado naman siya na malakas at matatag ang kasintahan sa pagharap ng problemang ito.

Sarah: I'm okay now Love. Let's keep going.

Tanch: I love you. Everything will going to be fine Love. *hinalikan niya eto sa noo.

Sarah: Thank you Love. Kaya mo pa magdrive? Palit tayo, ako na diyan.

Tanch: Kaya ko pa Love. Pahinga ka muna. Pwede ka pa matulog, malayo pa tayo. Gisingin na lang kita kapag malapit na tayo.

Sarah: I'm fine Love. Samahan kita.

Tanch: Love, kailangan mo matulog at magpahinga. Pagod ka sa trabaho, eh ako natulog naman ako sa flight eh. Sige na Lablab.

Sarah: Kaya ko Love.

Hindi nagtagal ay nakatulog naman si Sarah. Kahit anong pilit niya na samahan si Tanch sa buong biyahe. Dala na rin siguro ng pagod at grabeng iyak.











Sa haba ng byahe, papasok na sila ng Pampanga.

Tanch: Love..... *paggising niya kay Sarah. Pampanga na tayo Love. Wake-up.

Sarah: Sorry Love at nakatulog ako. Gusto mo ako na magdrive? Hindi kana pamilyar sa lugar eh. Palit tayo Love.

Tanch: Are you sure?

Sarah: Huo naman Love. Para makakapagpahinga ka naman kahit konti.








Nakarating na sila kung saan admitted ang Daddy ni Sarah.

Lomy: Anak, ang Daddy.... *iyak agad ng nanay ang sumalubong kay Sarah.

Sarah: Kamusta siya Mommy?

Lomy: Mukhang hindi maganda anak. Lab tests and diagnostic tests were done. Naghihintay na lamang kami ng results. Close monitoring si Daddy kasi may tendency daw na maulit ang attack.

Sarah: So, ano ang pwede nating gawin ngayon?

Lomy: Wala, maghihintay pa rin tayo. Tanging panalangin na lamang ang magagawa natin sa ngayon. Ginagawa naman na lahat ng mga doctor niya para pagalinggin siya.

Team TarahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon