Envelope

3K 86 15
                                    

Tuluyan na ngang nakabalik si Sarah sa bahay nila. Mabilis lumipas ang mga araw para sa Team Tarah.

Si Sarah, balik lipad na ulit. Lahat international flights ang kinuha niya na mga schedules. Mas matagal nga siya na wala sa Pilipinas pero mas mahaba naman ang mga offs niya, kaya mas pabor na rin eto sa kanya.

Si Tanch, tinawagan na okay na siya na magproceed sa kanyang flying school. Nacomplete niya na lahat ng requirements at magsisimula na siya bukas. Excited man ngunit kinakabahan pa rin siya.

Busy siya ngayon sa pag-aaral at pagrerefresh ng lahat ng bagay na natutunan niya sa dati niyang course.

Sarah: Pahinga kana Love. Maaga pa pasok mo bukas. Hindi pa nga nagsisimula ang klase, pagod ka na. Hinay-hinay lang, Mahal.

Tanch: Love, ayaw ko naman na tatanga-tanga ako bukas. Mahirap na, bad impression agad ako sa first day pa lang.

Sarah: Ikaw pa ba Love, eh ang talino mo. Bilib na bilib nga ako sa'yo eh. Halika na, matulog na tayo.

Tanch: Tatapusin ko lang 'to Love, susunod ako.

Sarah: Okay. Dito lang ako, hihintayin kita.

Tanch: Ehhh. Love naman eh, pahinga kana. Wala kapa namang tulog.

Sarah: Ayos lang ako dito Love. Advantage rin naman minsan ang jetlag. Aral ka lang diyan. Hindi mo ako mararamdaman dito. Promise!

Tanch: Sure ka ha? Sige.

Wala pang 5mins. nakita niya na si Sarah na nakatulog na sa sofa.

"Hihintayin pala ha. Hai Lab2x." Isip ni Tanch. Ginising na lang niya si Sarah at pinalipat sa kwarto nila. Hindi na rin niya pinagpatuloy  ang pag-aaral.























Kinabukasan.









Sarah: Goodluck on your first day Love. Basta laging mong tatandaan, andito lang kami ni Davi laging naka suporta sa paglipad mo.

Tanch: Thank you Love. Salamat sa paghatid. Paano ba yan? Pasok na ako at mahaba-habang meet and greet na naman ito.

Sarah: Hanggang meet and greet lang ha. Nothing more, nothing less. Akin ka lang.

Tanch: Sus, hindi pa nga ako nagsisimula at nakakakilala ng bagong "friends" eh nagseselos kana. Wag ganun Love. *Panunukso niya kay Sarah.

Sarah: *Tumawa lang ng malakas. Gusto ko lang kasing sabihin na mamimiss kita. I love you Love.

Tanch: Clingy masyado Love. I love you too. Kiss na lang ako.

Mabilis naman na pinagbigyan ni Sarah si Tanch.

Sarah: Message mo na lang ako if magpapasundo kana.

Tanch: Okay Love. Love si Davi ha.

Sarah: Ako na ang bahala sa anak natin. I love you. Bye!

Tanch: I love you too. Ingat Love.











Nagpatuloy ang bawat araw nila. School, Flying School, International Flights. Busy sila sa kani-kanilang mga trabaho. Ngunit si Sarah, may hindi pa rin nakakalimutan sa priorities nila. KASAL. Nasa priorities pa kaya ito ni Tanch?

Na sa living room si Sarah, naka on ang tv ngunit nakatulala naman siya sa kawalan. Nakita siya ni Tanch na malalim ang iniisip. Agad niyang tinabihan ang kasintahan.

Tanch: Ehem. Penny for your thoughts My Love?

Sarah: I need a hug Love.

Mabilis naman na niyakap ni Tanch si Sarah. Alam niya sa sarili niya na minsan ay nawawalan na sila ng oras sa isa't isa. Guilty siya kahit na hindi man ito sabihin ni Sarah. Ninamnam na lang niya ang moment na kayakap ito. Miss na miss niya na si Sarah.

Team TarahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon