Chapter 10 - He Is Totally Jerk

66 26 0
                                    

Zyra's POV

"Sa wakas at makakauwi na rin ako." nakangiting bulong ko sa aking sarili.

Naghihintay ako ng PUV sa tapat ng ISPCS. Twenty minutes na ako rito pero wala pang PUV na masasakyan ang dumadaan.

Kinuha ko mula sa bulsa ang aking panyo at pinunasan ang pawis ko na tumulo sa aking noo.

Alas singko y medya na pero pinagpapawisan pa rin ako. Siguro, dahil sa marami ring pasahero na naghihintay kaya ramdam na ramdam ko ang init.

Hay, lagi na lang ganito naghihintay.

After five minutes, a familiar car suddenly stopped in front of me. Bumaba ang salamin ng kotse, only to see that annoying face.

"No luck?" He smirked.

I hate that smirk. It's annoying.

"Pake mo?" mataray kong tanong.

"Want a ride?" Nakangisi nitong tanong.

Napansin kong napatingin naman sa amin ang ilang pasahero na nakapalibot sa akin. Natural na talaga sa mga Pinoy ang makiusyoso sa usapan nang may usapan ano?

Binalingan ko naman aking ang atensyon sa lalaking nakangisi sa akin na tila inaantay na ang sagot ko.

Nag-isip ako saglit. Kung mag-iinarte pa ako, baka hindi ako makauwi. Kanina pa kasi ako rito. Ang init-init at ang dami na ring pasahero na nakaabang. Malamang, parang basktetball ito mamaya, baldahan at unahan ang makasakay sa PUV.

Tiningnan ko si yabang. Mukha namang seryoso siyang pasakayin ako sa kotse niya.

"Ang gwapo naman niya!"

"True. Kaso girlfriend niya ba si girl?"

"Ang chaka!"

"Hindi sila bagay."

Napatingin naman ako sa dalawang nagbubulungang baba- bakla? Grabe ha! Marami akong kaibigan na bakla. Pero hindi nila ako sinabihan ng panget! Sabunutan ko ang kilay ng mga ito, e! Ang kakapal.

Tiningnan ko ulit si Efren at ngumiti naman ako. Sige na nga. Sasakay na ako rito sa kotse ni yabang. No choice, e.

Taas-noo akong lumapit sa sasakyan niya. Nang hahawakan ko na ang pinto ng kotse niya ay bigla na lang nito pinaharurot palayo ang sasakyan niya.

Leaving me dumbfounded.

Will someone please tell me?

What the heck did just happen?

Nakarinig naman ako ng tawa sa dalawang panget na bakla.

Tiningnan ko sila ng masama kaya napatigil naman agad sila sa pagtawa.

Namumula naman ang aking mukha sa inis at sa pagpapahiya niya sa akin dahil sa ginawa niya.

Aish! Bwisit ka talaga Efren Vergara!

I HATE LOVE (ONGOING)Where stories live. Discover now