Chapter 12 - Tuyong Laway

35 24 0
                                    

Zyra's POV

30 minutes din bago natapos ang dinner at busy sila ngayon sa kwentuhan. Pero siyempre, pabida na naman si yabang. Siya ang topic, e. Kesyo matalino raw, gwapo, mabait at magalang.

Seriously? Mabait at magalang? Aabutin na tayo ng zombie apocalypse pero hinding-hindi siya magiging mabait at magalang. Excuse me lang, ah. Tss.

Hindi na ako nakikinig sa usapan nila.

Bahala sila.

Pero sandali lang ah, kanina ko pa napapansin na pinagtatawanan ako ng yabang na ito habang kausap nito si Hanna.

O, bakit? E, 'di kayo na masaya. Magsama kayong dalawa!

"O, anak saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makahakbang ako sa unang baitang paakyat.

"Sa kwarto po, Mama. Medyo masakit po kasi ulo ko, e." palusot ko.

"Ah, okay. You should rest na nga. Good night anak." tumango naman ako bilang sagot at dumiretso na rin sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at napangiti ako ng tumambad sa akin ang kama ko.

Nakangiti akong napa-preno sa gilid ng kama ko dahil may napansin akong hindi kaaya-aya nang mapadaan ako sa malaking salamin ang paningin ko.

I took three steps backward at dahan-dahang humarap sa malaking salamin sa kwarto ko.

I gasped loudly.

Oh my god. Kill me now!

Nakataas ang buhok ko at gulo-gulo ito. Kaya lumapit pa ako lalo sa salamin dahil may napansin rin akong puti na malapit sa gilid ng labi ko.

Gusto kong himatayin. Pwede ba aakong kainin ng lupa ngayon? Pwede ba akong mawala ng parang bula?

Totoo ba ang nakikita ko o nananaginip lang ako?

Laway?

As in tuyong laway?

Kaya ba ganoon na lamang ang mga reaksyon nila kanina?

At ang yabang na iyon? Kaya ba siya natatawa? Kaya ba namumula siya? Hindi dahil sa nagpipigil siyang jumebs kung hindi nagpipigil siya ng tawa?

I closed my eyes and hopes that this was only a drean and that I would wake up from this nightmare.

I opened my eyes at tumingin ulit ako sa salamin.

I suddenly screamed.

I screamed so loud that I swear I heard Efren's laugh from downstairs.

I HATE LOVE (ONGOING)Where stories live. Discover now