Chapter 23: HULI KA!

631 39 1
                                    

Gabb's P.O.V

Nagising ako sa silaw ng araw na nanggagaling sa bintana. nakita ko si Ella na nagmamadaling pumasok sa banyo. tiningnan ko sa phone ko kung anong oras na, 8 am ng umaga, kaya dahan dahan na din akong bumangon. Napansin kong may nakahandang mga damit sa couch, ang aga naman atang umalis ni Ella. bumangon ako at lumapit sa pinto ng Banyo nang may narinig ako. 

" Oo, naghahanda na ako, dun ka nalang maghinatay ha?." 

" Sige na maliligo na ako, see you." 

May kakatagpuin si Akin? Eh sino naman? 

Pag pasok ko sa kwarto ay kakatapos lang mag-ayos ni Ella. 

" San punta ng mahal ko?." Sambit ko at nagbackhug sa kanya

" May bibilhin lang po akin." Sambit niya habang naglalagay ng lip tint.

" Samahan kita, Ipagdrive kita." Sambit ko at sumiksik sa leeg nya.

" Naku wag na akin, ako nalang. dito ka nalang magpahinga ka, engagement party pa naman natin bukas." Sambit niya at hinarap ako at nag smack sa labi ko

Tumango nalang ako, at nang makalabas na siya, ay lumabas din ako, iba kasi ang kutob ko eh kaya susundan ko nalang si Ella. Sana mali ang kutob ko. nakita ko syang sumakay ng taxi, kaya sinundan ko sya gamit ang motor ko.

Halos 30 mins. ang lumipas ay bumaba na si Ella, ang sabi may bibilhin pero bakit dito? eh parang wala naman akong nakikitang mall o tindahan dito. parang park lang ito eh na inabandona na. Agad kong pinark ang motor ko at dahan dahang naglakad para sundan si Ella.

" Baba, I miss you!."

What the F**k??!! GIA???!!! hinigit pa nya si Ella at hinalikan sa noo. ANO TOH??? nagtago ako sa mas malapit para mamanmanan ko sila.

" Namiss mo ba ako Ba?." Sambit ni Gia habang nakabackhug kay Ella. So may relasyon sila?

" Oo naman namiss kita Ba." Sambit ni Ella bago humarap kay Gia at yumakap sa leeg nito. How could you do this to me Ella? Ang Sakit!

" Engagement Party nyo na pala bukas Ba. After ng kasal mo lalayo na ako sayo, sa inyo." Sambit ni Gia.

" Hindi ko yata kaya yun Ba. Napamahal na ako sayo." Sambit ni Ella at sumiksik ng yakap kay Gia. Dinurog mo ako ng sobra Ella. Winasak mo ako. Ang sakit sakit.

" I love you Baba." Sambit ni Gia at hinawakab sa chin si Ella, At dahan dahang hinalikan. nakita ko namang gumanti si Ella. kaya naghalikan sila.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit sobrang wasak na wasak na ako. Pinatay ko ang pagkuha ng video. At umalis, sumakay ako ulit sa motor ko at nagpatakbo.

Ella's P.O.V

Naputol ang paghahalikan namin ni Gia, dahil parang may napansin kaming anino na tumakbo. kaya napatingin ako dun sa direksyon ng anino.

" Wag mo na pansinan yun Ba. baka pusa lang yun." Sambit ni Gia

Bumalik na ako kay Gia at nagpasyang mamasyal dun.

Hapon na nang umuwi ako sa bahay.

" Ate Lei, umalis si Gabb?." Pagtatanong ko

" Ayy akala ko magkasama kayo. eh halos sabay lang kayo umalis nun eh." Sambit ni Ate Lei

" Ha? Hindi kami magkasama ate." So umalis pala si Gabb, san kaya sya.

Mag aalas nuwebe na wala pa rin si Gabb. hanggang sa may marinig akong ingay sa baba. agad akong lumabas sa kwarto at bumaba.

MY HEART WENT OOOPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon