Chapter 24: The Engagement

643 43 4
                                    


Sela's P.O.V

Nandito na kami ngayon sa venue. gandang ganda talaga ako sa look ni Ella, Syempre pinili ni Gabb yan eh. At masayang masaya ako para sa dalawang ito, kasi Finally! After this ayy kasalan na.

" Love, Bakit wala pa si Gabb?." Pagtatanong bi Abby

" Tinext ko siya love, papunta na daw. naeexcite ako sa magiging reaction ni Gabb sa look ng Future Bride nya." Sambit ko

" Ako rin love, grabe noh? matapos ng mga pinagdaanan nila, konting konti nalang ikakasal na ang mag akin." Sambit ni Abby

" Kaya nga love eh. Mas mauuna pa silang ikasal kesa saten hahahaha." Sambit ko

" Asus, nagpaparinig yan si Marsela sayo Abby. Hahaha." Pang-aasar ni Sheki

" Huy! hindi ah. Pero Sheki, crush mo pala si Alice?." Pag ganti ko.

" Ako? Crush ni Sheki?." Gulat na sambit ni Alice

" Ha? Ah eh.. Marsela ha? Ganyanan?." Sambit ni Sheki, di ko naman mapigilang matawa.

" Guys, nakita niyo si Ella?." Pagtatanong ni Brei

"Andito lang yun kanina eh." Sambit ni Belle.

Dumating na rin sina Gabbo at Coco, double engagement kasi ito, kasi double wedding din ang magaganap.

" Ang pretty mo Coco." Sambit ko

" Awweee siyempre, kelan ba naman ako pumili ng pangit, Ate Sela?." Sambit ni Gabbo

" Trot! collection mo nga diba?." Pangaasar ni Ecka.

" Huy! tigilan nyo yan, baka magbago isip ni coleen." Tawang tawang sambit ni Dana

Brei's P.O.V

Inutusan kasi ako ni Ate Lei na hanapin si Ella, kasi tatanungin namin kung ano themesong nila ni Gabb dahil kakantahin namin ni Ate Lei.

Naglalakad ako sa isang garden, Nakita ko si Ella dun nakatayo at si Gia??? Nanlaki ang mata ko nang halikan ni Gia si Ella sa labi niya.
Naknam! May relasyon ang dalawa? eh pano si Gabb???

Tinitingnan ko lang sila at nakita kong umiiyak sila. saka bumitaw si Ella sa yakap at umalis. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. so bakit papakasalan ni Ella si Gabb? kung may relasyon sila ni Gia? Ang gulo naman.

Nakatulala pa rin ako kasi di ako makapaniwala sa nakita ko. Nasilaw ako sa ilaw ng isang kotse na kakapark lang. Nakita kong bumaba si Gabb dito.

" Gabb!." Sambit ko

" Oh Brei, nandito ka?." Sambit niya, naaawa ako kay Gabb.

" Ahh ano nagpapahangin lang." Pagsisinungaling ko

" Ahh ganun ba? Andun na ba sila lahat?." Sambit ni Gabb at naglalakad na kami papasok

" Oo ikaw nalang inaantay." Sambit ko

Sinalubong kami ni Gia

" Gabb, Congrats ha?." Sambit ni Gia, kapal ng mukha, bestfriend kita Gia pero di ko tinotolerate ang pagka ahas mo.

" Salamat, mabuti nandito ka. " Sambit ni Gabb, kawawang Gabb, walang kaalam alam. gusto kong sabihin kay Gabb pero nag-aalala ako sa pinsan ko. siguro mahal na mahal niya talaga si Gabb kaya si Gabb pa rin ang pinili ni Ella.

Dana's P.O.V

" Naku mukhang natalbugan ka yata sa pagkapogi mo Gabbo." Sambit ko kasi nakikita ko si Gabb na naglalakad papunta sa'men.

" Oo nga napakapogi ni Gabrielle!." Sambit ni Jem

" Oo na tanggap ko na hahahaha mas pogi talaga kakambal ko." Sambit ni Gabbo at natawa

MY HEART WENT OOOPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon