CHAPTER 3

0 0 0
                                    

     " mga hija, gising na kayo baka malate kayo sa school niyo " sabi ni manang Rosie habang niyuyogyog ang tatlo.

     Sa kanilang lahat si Dan ang tulog mantika, s'ya ang pinaka mahirap gisingin dahil masyado nitong mahal ang pagtulog.

    " ahh " nag-inat-inat sila Kae at Li habang patuloy pa din na ginigising si Dan.

" hoy Dan, kapag ikaw 'di pa gigising 'di mo masasagutan ang short test, yare ka. " pananakot ni Li. Wala sa sariling napabangun si Dan at saka pumasok sa c.r kaya natawa sila ni Kae.

     " ampupu wala pa pala tayong review Li! " kabadong wika ni Kae.

    " kalma ka lang, madadaan yan sa stock knowledge " puno ng kompyansang wika ni Li.

    " anak ng tupa, sabagay never pa tayong pinahiya ng stock knowledge natin " pagmamayabang ni Kae.

    " maligo na kayo, dala nyo naman siguro nga uniform n'yo 'di ba? " tanong ni Dan pagkalabas na pagkalabas nito mula sa banyo. Tumango lang ang dalawa bilang sagot.

     " manang aalis na ho kami, mamaya po pwede po bang mag request ng shanghai mamaya " ani Dan, tumango naman si manang bilang sagot.

    " manang pwede din po mag request, gusto ko po ng  buko salad hehehe " dagdag ni Li.

    " kapal ng mukha ng bruha nakuha pang mag request. Ako din po sana manang, pwede po ba ng grilled liempo " nahihiyang sabi ni Kae.

     " wow huh, kapal ng mukha ko sa salad. Ano ka? 'sing kapal ng encyclopedia ang mukha mo sa grilled liempo heh " pagsusungit ni Li.

     " tsk ano pa 'yung salad mo. Gusto mo ata sumakit tyan natin mamayang bagi ehh " banat naman ni Kae.

     " heh sino ba may sabing bibigyan kita? " pambabara ni Li pero inirapan lang sya ni Kae.

    " mag tatalo pa ba kayo oh pupunta na tayong school, kasi kung 'di kayo nakakalimot may exam tayo " paalala ni Dan.

    " 'wag kayong mag-alala lulutuin ko ang mga request nyo. " paninigurado ni manang kaya nagningning ang mata ng dalawa.

    " kapag andito kami ni Li talagang ubos ang pagkain, nahihiya na tuloy ako kila tito at tita " taos pusong wika ni Kae.
 
    " nag text pala sakin si mommy kanina Dan, magbibigay s'ya sakin ng pera para daw pambili ng pagkain dito para sa isang lingo. Mahiya daw ako sa parents mo hahaha, mamaya ko ibibigay 'yung parte ko. 'Yan huh Kae magbibigay ako ng ambag, ano galaw galaw " pang aasar ni Li.

     " s'ya manghihingi nako kay daddy. " sabi ni Kae.

    " ano arat na " aya ni Dan.

    Pagkarating nila sa classroom ay agad na nagbigay ang teacher nila ng mga test papers, ng mabasa nila ang laman nun ay agad na kumonot ang noo ni Li  at Kae.

    " takte Li! Naalala mo pa ba 'tong topic na 'to ? " pabulong na tanong ni Kae kay Li.

    " anak ng tupa konti nalang naalala ko dito. Langya! Stock knowledge 'wag moko ipahiya " pabulong din na sabi nito.

     " stock knowledge panga " pang aasar ni Dan na tatawa-tawa habang dire-diretsong nagsasagot.

    " hoy nag review ka ba kagabi? " pang uusyoso ni Kae kay Dan.

    " hindi " sagot nito habang nakatuon pa din sa test paper ang tingin.

     " ba't parang 'di ka nahihirapan huh? " si Li ang nagtanong.

    " stock knowledge " sagot ni Dan at tinawanan pa ang dalawa.

    Wala ng nagawa sina Kae at Li kungdi ang titigan ang mga papel nila at alalahanin ang previous lesson nila para makasagot sila sa mga tanong.  Hindi naman ganun ka hirap ang test kaya nasagutan din nila Kae at Li 'yon.

She was unlovedWhere stories live. Discover now