CHAPTER 6

0 0 0
                                    

  " anong ginagawa natin dito sa park tas may dala-dala pa tayong painting materials? " takang tanong ni Li.

   " magpa-paint tayo " sagot ni Dan.

   " ano?! " gulat na tanong ni Kae, si Li naman ay abot tenga na ang ngiti.

   " wala tayong artistic powers Dan alam mo 'yan, sating tatlo si Li lang ang magaling dito sa larangan na 'to " malungkot na reklamo ni Kae.

   " malungkot si Li, ano ka ba Kae, dapat pasayahin natin s'ya.  Kung dito s'ya sasaya edi susuportahan natin s'ya " magiliw na pagpapaliwanag ni Dan, agad naman s'yang niyakap ni Li at nagpasalamat.

   " ayoko, kakantahan ko na lang  kayo, kayo na lang ni Li ang mag paint " angal ni Kae.

   " okay fine, tara na Dan! " masiglang aya ni Li.

    Nagsimula na silang magpaint, habang nakatitig sa papalubog na araw ay hindi maipinta ang saya ni Li, samantalang ang kaibigan na si Dan ay abot langit ang kunot sa nuo dahil hindi n'ya maintindihan ang ginagawa.

   " goodluck Dan " natatawang asar ni Kae habang kumakanta.

   " loko ka " sabi n'ya dito.

     " Nang isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo~ " pagsisimula ulit ni Kae ng panibagong kanta.

   " woah Mr. Freddie Aguilar, is that you? " manghang tanong ni Dan, malupet talaga sa pag kanta si Kae.

   " At ang kamay nila ang iyong ilaw,
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin,
Minamasdan pati pagtulog mo.~ " masaya silang tatlo, habang kumakanta si Kae ay panay naman ang pagpinta ni Li, at si Dan? Todo effort kung pano gumawa ng painting.

    " At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo,
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo~ " napapatingin ang mga tao sa paligid sa kanilang tatlo kaya naiilang tuloy sila.

    " 'wag mong galingan bruh! Nakakahiya oh, ano 'to concert? " natatawang bulong ni Dan.

   " lupet talaga ni Kae, idoll! " sigaw ni Li na ikinailing ng dalawa.

    " iba namang kanta " request nung babae sa kabilang bench na ikinagulat nilang tatlo.

   Napatingin si Kae kina Li at Dan upang manghingi ng permiso, tumango lang ang dalawa saka nagpatuloy sa ginagawa.

   " Oh, thinkin' about all our younger years,
There was only you and me
We were young and wild and free~ " pagsisimula ni Kae, nagpalakpakan at hiyawan sina Li at Dan.

    " go! kae! Go! Go! Kae! Go! Go! Go! " sigaw ni Dan na  nagchecheer pa.

    " idolll!!!! " gatong ni Li.

   Kumaway pa si Kae sa kanila na animo'y isa s'yang singer na binabati ang mga fans n'ya.
 
  " Now nothin' can take you away from me,
We've been down that road before
But that's over now,
You keep me comin' back for more~ " pagkanta ulit ni Kae, this time nakisabay na ang audience n'ya kuno kaya tuwang-tuwa si Kae.

    " may free concert si mayor " natatawang bulong ni Li kay Dan.

   " masaya ako at masaya na kayo pareho ngayon " sabi ni Dan habang nakatingin kay Kae.

   " you're really an awesome bestfriend Dan! " emosyonal na wika ni  Li saka niyakap si Dan.

   " syempre ako si Dan " natatawang sagot ni Dan saka niyakap pabalik si Li.

   " pano ka ba namin mapapasaya ?" malungkot na tanong ni Li, niyakap s'ya ni Dan saka bumulong.

   " masaya akong makita kayong masaya, at itong kalikasan din ang nagpapasaya sa'kin. Masaya tayong tatlo ngayong araw, nakapag paint ka, kumanta si Kae, nakita ko na naman ang ganda ng kalikasan, awesome. " masayang sagot ni Dan.

She was unlovedWhere stories live. Discover now