CHAPTER 5

0 0 0
                                    

SWU. CHAPTER 5

    " Dan hija gising na, nagluto ako ng ginisang ampalaya " pag-gising ni manang kay Dan mula sa labas ng pinto.

    Agad naman nagising si Dan sa sinabi ni manang Rosie.  " pababa na ho! " pasigaw na sagot ni Dan.

   " Kumain kanaat ng makapasok ka na sa school mo. " sabi ni manang habang naghahain.

    "sabay na tayong kumain manang " aya ng dalaga sa kanya.

    Sumunod naman ang ginang, pagkatapos maghain ay umupo na ito para sabayan si Dan sa almusal.

    " kamusta na ang ang puso ni Danissa, ang utak ni Danissa, at ang katawan ni Danissa ? " tanong nito na parang nakikipag kulitan lang.

   " 98% functioning pa lang po " pag-amin ng dalaga sabay buntong hininga.

    " bawal bumuntong hininga sa harap ng pagkain hija, baka magtampo ang grasya " pangangaral ng ginang na pinakingan naman ni Dan.

   " hindi talaga madaling lumimot hija, lalo na't masyado mong minahal 'yung tao, pero hindi din maganda na puro ka na lang pag-iisip nung mga bagay na nagdudulot ng sakit sayo "  paalala ni manang.

   " tama ka d'yan manang, kung gaano ako kabilis mainlove sa isang tao, ganun naman ka tagal bago ko s'ya makalimutan " nanlulumong kwento ni Dan.

   Lumapit sa kanya si manang Rosie at hinawakan ang kamay ng dalaga para mapanatag ito.

    " tandaan mo hija, walang relasyon na puro saya lang.  Kinakailangan n'yong dumaan sa mga pagsubok para mas lalo kayong tumatag. " naging emosyonal ns naman si Dan dahil sa pinagsasabi ni manang Rosie pero dahil don namulat s'ya sa mga bagay-bagay.

    " kailan ko po ba kasi mahahanap si Mr. Right ko, saka saan " tanong ng dalaga na ikinatawa ni manang.

    " hija, hindi hinahanap ang lalaking para sa'yo. Hahaha, ang mga bagay na iyan ay kusang dumadating at kailangan lang antayin.   Kaya nasasaktan ang isang tao ehh, kasi 'yung pinili nilang pag-alayan ng oras at pagmamahal eh maling tao. Ilag hija, baka matamaan ka " sabi ni manang Rosie na tumatawa-tawa pa.

   " manang naman ehh, nasapol ako " pag-amin ni Dan kaya mas lalong natawa ang ginang.

   " pinagtritripan n'yo lang ako manang ehh " reklamo ni Dan.

    " hahahaha, bilisan muna d'yan hija baka malate ka " pananakot ni manang.

   Agad naman na kumilos si Dan at inayos ang sarili saka pumunta sa school.

   Nasa tapat pa lang sya ng gate ng makita ng makita nya ng gurong si Mr. Kevin Lucia na astig na astig kung maglakad, nakauniporme ng pang guro, may dala-dalang mga gamit para sa discussions at may shades.

   " ang cool ng teacher na 'to " komento ni Dan habang pinagmamasdan ang guro na prenteng-prente kung maglakad.

   " hi sir! " bati ng mga studyante, binaba ng guro ang shades nya ng slight saka tumango.

    " ay ghorl peymus " sarkastikong sabi ni Dan sa sarili.

   Napailing-iling na lang si Dan sa nakita at saka dumiretso sa room nila.

    " wassap bruh! " bati ni Kae.

   " sup! " tugon ni Dan.

    " yow morning bruh " bati ng bagong dating na si Li.

   " oh, bakit naka busangot ka? " tanong ni Dan.

   " si ermat at erpat ayaw mag cease fire " napipikon na kwento nito.

She was unlovedWhere stories live. Discover now