CHAPTER 7

0 0 0
                                    

Kinabukasan ay nagising sila na wala na si Li sa loob ng kwarto kaya nag-alala sina Kae at Dan.

   " nagtext sakin si Li, Dan. Umuwi daw s'ya sa kanila kanina, sorry daw at 'di n'ya na tayo inantay " pag-iimporma ni Kae kay Dan.

    " sabihin mo na kung kailangan n'ya  ng tulong andito lang tayo " sabi ni Dan, tumango lang si Kae saka nagreply sa kaibigan.

    " naaawa ako kay Li, Dan " malungkot na saad ni Kae.

   " ako din Kae, pero sa ngayon tingin ko kailangan muna natin siyang bigyan ng space tsaka time. Andito tayo para sa kanya, pero kailangan n'ya ding magkaroon ng sariling spasyo para mag-isip. Hayaan na muna natin s'ya " komento ni Dan.

   " tingin ko ay tama ka Dan, pero 'di pa din ako mapalagay ehh, kinakabahan ako para kay Li, Dan " komento din ni Kae.

   " kumain na muna kayo mga hija " napa-ayos sila ng upo sa kama ng pumasok si manang Rosie.

   Sumunod sa dining area sina Dan at Kae.

   " alam kung may hindi magandang nangyari kay Li, Dan at Kae. Nagkwento kanina si Li bago s'ya umalis dito, umiiyak at nasasaktan, naawa ako sa batang iyon, kay bata-bata n'ya pa ang dami ng problema na kinaharap n'ya. "seryosong kwento ni manang Rosie.

    " matatag si Li manang, panigurado malalampasan n'ya rin ito " malungkot na wika ni Kae.

    " kahit ang pinakamatatag na puno ay napapadapa din ng bagyo mga hija, at sa kaso ni Li, ito ang isa sa mga bagyo sa buhay n'ya na ipapadapa s'ya, huwag niyo s'yang iiwan mag-isa, kailangan kayo nu'n " paalala ni manang.

    " opo manang, pero sa ngayon po tingin ko kailangan ni Li ng space at oras para makapag-isip " sabi ni Dan habang nakatitig sa pagkain n'ya.

    " natutuwa ako sa grupo n'yo, ilang taon na nga ba kayong magkaibigan? Ang problema ng isa ay problema ng lahat, maswerte kayo sa isa't-isa " madamdaming komento ni manang Rosie.
  
    " 'di ko na nga po mabilang manang ehh, mga ilan na ba Dan? Simula pa ata grade one magkasama na tayo ehh, hahaha " natatawang sagot ni Kae.

    " oo, mula pa grade one tayo na nina Li ang magkasama. Natatandaan ko pa nung nadapa si Kae hahahaa! Doon po kami nagkakilala, grade one kaming tatlo nun, iisang classroom, recess time nung madapa si Kae, potchi nakakatawa Kae sorry hahahahaha! " natatawang kwento ni Dan, nakatangap tuloy s'ya ng batok galing kay Kae.

    " loko ka ahh " reklamo ni Kae.

    " ang ganda ng pagkakadapa ko nun hoy bruh, naka pose ako " dagdag ni Kae.

   " ganto ohh, parang model " dagdag ulit ni Kae saka pinakita pa kung paano s'ya nadapa, nakatukod ang braso n'ya para suportahan ang ulo n'ya na parang pang model talaga.

    " hahaha! Ang ganda pala ng pagkakadapa mo hija "  biro ni manang na sinang ayunan naman ni Kae.

   " Dan! " masiglang tawag ni Kae sa kanya.

   " oh? " sagot ni Dan.

   " ayain natin si Li, gala tayo para mawala ang stress at sakit na nararamdaman n'ya " suhestyon ni Kae.

    " alright! Saan tayo pupunta? " excited na tanong ni Dan.

   " 'Yun ang 'di ko alam Dan, may ma-e-rerecommend ka ba? " baling ng dalaga sa kaibigan.

   " tara mall na lang tayo, daan tayo ktv kanta-kanta lang, tapos gala-gala " sagot nito kay Kae.

   " pwede nga 'yan, pero how about pumunta tayo sa isang auction ng mga paintings. May kakilala ako, organizer s'ya sa event, pwede tayong bumili ng mga art works kasi ang perang kikitain daw nila ay gagamitin para sa isang orphanage. On the other hand, pwede ding magdonate ng paintings dun at sila na ang bahalang mag-benta. Amazing right? " komento din ni Kae, tumango-tango si Dan bilang sagot.

She was unlovedWhere stories live. Discover now