19 ¦ nineteen

650 48 43
                                    

JISOO'S POV

I slid my phone back inside my pocket after chatting with my friends. Agad akong na-upo sa medyo di kalayuang upuan mula kay Eunwoo. Tanaw ko sya mula dito at kita kong abala sya sa pagkalikot sa phone nya.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba habang palihim na tinitignan ang mala-anghel nyang mukha na dati kong minahal.

Hindi ko parin ma-tanggap hanggang ngayon na niloko ako ni Eunwoo habang magkarelasyon pa kami noon. We were together for almost 2 years at hindi ko naisip na magagawa nya saakin ito.

Akala ko sigurado at kuntento na sya saakin dahil ganon din ako sa kanya. Well, akala ko lang pala.

I instantly looked away when he put his phone down to the table. Panatag ang loob ko na hindi nya ako mamumukaan dahil naka-suot ako ngayon ng black facemask, naka-ponytail rin ang buhok ko, at hindi ako nakasuot ng uniform dahil bago ako pumunta dito ay umuwi muna ako sa amin.

Besides, puno rin ng tao ang milktea shop na ito kaya impossibleng makita pa nya ako dito.

After a few minutes, a girl walked passed beside me. Kaagad napatayo si Eunwoo sa kinauupuan nya at nilapitan ito saka bumeso sa pisngi ng babae.

Shit, ang sakit parin pala.

I feel like my tears are gonna stream down on my face any minute now kaya agad akong nag-iwas tingin sa kanila.

Muli kong nilabas ang phone ko para i-chat sana ang mga kaibigan ko pero tumingin na lang ako ulit sa direksyon nila para itinuon sa babae ang tingin.

May paka-brown ang kulay ng buhok nito na lagpas balikat ang haba. I also noticed that her skin color is much whiter than mine. Hindi ko alam kung anong itsura nya dahil nakatalikod sya saakin. But one thing's for sure, alam kong estudyante sya ng JYP University dahil sa uniform na suot nya.

I gathered all the strength that I need bago ako tumayo para komprontahin silang dalawa sa panloloko nila saakin.

Napahingang malalim pa ako bago tinuluyang tumayo. Susugurin ko na sana sila pero agad akong natigilan nung may isang pamilyar na lalaki ang biglang umupo sa upuang kaharap ko.

"Phew, ang init." Aniya at pinay-payan ang sarili gamit ang suot nyang t-shirt.

Nagtama ang mga mata namin nung tumingin sya saakin. "Ikaw pala Jisoo." sabi pa nya kaya kumunot na ang noo ko.

Muli akong na-upo at na-iiritang tinanggal ang suot kong facemask. "What do you think your doing right now?" Mahina ngunit galit kong sabi.

"Relax ka lang, okay?" Ngumisi ito at sinandal ang likod sa upuan. "I won't disturb you."

"You won't disturb me?" I scoffed and rolled my eyes. "Alam mo bang dahil sayo natigilan ako sa mga balak ko?" Matalim ko syang tinignan.

"Bakit? Ano bang balak mo?" Tanong nya pabalik.

Lumingon sya sa likuran nya kung saan tinitigan nya ng mabilisan si Eunwoo at yung kasama nyang babae.

Muli syang humarap saakin at sinabing "Mag i-iskandalo ka dito. Yun ba yung balak mo?"

Inirapan ko sya at binuksan ang phone ko.

Pakielamerong 'to! Anong karapatan nyang kwestyunin ang mga gusto kong gawin sa buhay ko?! We're not even that close to be sitting next to each other like this!

"Seokjin Kim, right?" Maldita kong tanong.

He dramatically held his chest. "Na-alala mo."

Of course I remembered him. Ikaw ba naman kindatan ng walang dahilan at sabihan ng "see you tomorrow" kahit hindi naman kayo close. Besides, kilala ko naman na sya mula noong sumikat ang pangalan nya sa YGU because of his looks and skills at playing basketball.

"Pwede bang lumayas ka na dito sa harapan ko? You're ruining my plans."

"Don't worry, aalis rin ako pag nakuha ko na yung order ko. Pa-upo muna. Puno na yung shop oh." Sagot nya.

Wala akong nagawa kundi pabayaan sya.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin dahil nandito sya sa harap ko. Siguro kung wala sya, kanina ko pa nasugod yung ex ko.

"Si Eunwoo yun diba?"

Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Alam mo ba in the first place na andito yang ex mo at yung pinalit nya sayo?" Casual nyang tanong as if magka-barkada lang kami.

"Feeling close." Bulong ko pero sapat para madinig nya.

"Alam ko." Ngumisi sya kaya napa-irap ako.

"Paano mo naman nalamang ex ko sya?"

"Halos lahat kaya sa YGU alam na magka-realasyon kayo—dati." Mapang-asar syang ngumiti. "Ano nga ulit yung tawag nila sa inyo? Wait, alam ko yun eh..."

"Visual couple." Sagot ko.

"Ayun! Tama!" He exclaimed.

"That's bullshit."

"Hala, bakit ka nag-mumura?"

"Hindi na ako bata. I can curse whenever I want to."

"Cursing doesn't suit you. Alam mo kung anong mas bagay sayo?" Tanong nya kaya tumaas ang isa kong kilay.

"Ako." Aniya.

I saw how his lips smirked while looking at my blank and dead reaction at his lame pick-up line.

"Yun na yon?"

"Bakit? Gusto mo pa ba?"

Napa-singhap ako sa tinuran nya.

"The last time I checked, we are not close and we also didn't know each other personally. So bakit parang komportableng-komportable ka saakin?"

"Hindi nga tayo close pero ramdam kong malungkot ka kaya andito ako para pasayahin ka kahit konti."

"Clown ka ba?"

Napalakas sya ng tawa kaya napatingin sa gawi namin yung ibang customers dito sa milktea shop.

May nakakatawa ba sa sinabi ko? It was not even a joke. That was a damn question.

"Sarap mo tropahin. Ang laughtrip mo kausap." Sabi pa nya ng naka-ngiti.

Inismiran ko na lang sya.

"Jisoo?"

Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki sa gilid ko.

"E-eunwoo." I even stutter.

Matalim ang tingin nya saakin pero hindi iyon nag-tagal dahil lumipat ito sa kaharap ko.

"Sino ka naman? Bakit kasama mo ang girlfriend ko?" Maangas nyang tanong kaya napa-harap ako kay Seokjin.

"Boyfriend nya ako, bakit?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya kay Eunwoo. Tumingin pa sya saakin at ngumisi nang makita ang reaksyon ko. "Joke lang, tropa ko si Jisoo."

"Tropa?" Galit nyang sabi. "Ni-hindi nga kita nakikita noon na kinakausap mo sya tapos magpapakilala ka bilang tropa nya?" Tanong pa nya rito.

Hindi naka-sagot si Seokjin kaya ako na ang sumagot para sa kanya. "Ano bang pake mo? You shouldn't interfere with my life, Eunwoo. Break na tayo, remember? You cheated on me with some other girl behind my back!"

Narinig at nakita ko ang ibang reaksyon ng mga nandito sa loob kaya medyo nakaramdam ako ng hiya but at the same time, gumagaan ang pakiramdam ko.

"Jisoo." Inawat pa ako ni Seokjin pero di ko sya pinansin.

"Oh, bakit natahimik ka? Nang-gugulo ka dito sa aming dalawa eh kayo nga nung babae mo hindi ko ginugulo." Sabi ko pa saka tumayo na sa kina-uupuan ko.

"Jisoo wait! Let me explain." He held onto my arm so I was taken a back.

"Don't touch me." Inalis ko ang kamay nya at dire-direchong lumabas ng shop.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng dahil sa ginawa ko.

Blessing in disguise pala na dumating ang Seokjin Kim na yon kanina para magawa ko ang akala kong hindi na matutuloy.

I should thank him later on.

Wrong Goodbyes Where stories live. Discover now