34 ¦ thirty-four

570 46 18
                                    

JIN'S POV

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa clinic at agad kong nakita si Jisoo na naka-upo sa kama habang naka-kunot ang noo at abala sa pagsi-cellphone.

I cleared my throat as I come inside. Gulat syang napa-tingin saakin saka tinago sa ilalim ng unan ang cellphone nya at umayos ng upo.

"Kumain ka na. Gutom at kulang sa tulog daw yung rason ng pagkaka-himatay mo kanina." Sabi ko at nilapag ang dala kong tray sa ibabaw ng kama nya.

"What are you doing here?"

I glanced at her. Medyo namumutla parin sya hanggang ngayon pero as usual, maganda parin sya.

"Your friends sent me here." Sagot ko.

She scoffed and laid her back at the headboard of the bed. "Since kailan ka pa naging close sa mga kaibigan ko?"

"Kani-kanina lang." Ngumiti ako at hinila ang isang upuan at tinabi iyon sa gilid nya.

"Kumain ka na. Hindi rin ako magtatagal dito. Baka bumalik yung nurse dito tapos isipin non girlfriend kita." Umupo ako sa upuan at kinuha ang bowl of soup sa tray saka hinipan iyon.

"Ahh" I gestured her to open her mouth but she just raised her brows at me.

"May kamay ako okay?" Masungit na saad nito.

"Alam ko."

Inirapan pa nya ako at kinuha ang hawak kong bowl at kutsara. Kumain na sya ng sarili nya kaya napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sya.

"Nahihilo ka parin ba?" Tanong ko at iniling lang nya ang ulo nya.

Nilabas ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at chinat na ang mga kaibigan nya para sabihing kumakain na ito.

Biglang nabilaukan si Jisoo kaya agad kong kinuha yung bottled water sa tray at binuksan iyon saka pina-inom sa kanya.

"Dahan-dahan lang kasi. Wala ka namang kaagaw dyan." Sabi ko pa habang hinahagod ang likuran nya.

Napahinto ako sa ginagawa ko nung tinitigan nya ako sa mga mata. "Bakit mo ba ginagawa 'to?" She asked.

Umatras ako at muling na-upo sa upuan. Hindi nya parin iniiwas ang tingin nya saakin kaya napalunok ako sa sarili kong laway.

"I heard about what you did earlier. I'm thankful for your help and concern pero pwede bang tama na yun? Pangalawang beses ka nang nadadawit sa pangalan ko at ayokong nadadamay ka sa issues ko." Sabi pa nya.

"Wala naman akong pake kung anong sabihin nila. Hindi naman totoong magkarelasyon tayo diba? Hindi rin totoo na ikaw yung nagloko sa relasyon nyo ng ex mo kaya wag kang ma-stress dyan. Hayaan mo na sila." Sabi ko na lang.

Hindi na sya nakasagot sa sinabi ko. Kumain na lang ulit sya at nabalot kami ng katahimikan na sinamahan pa ng awkward tension sa aming dalawa.

Nang maka-recieve ako ng reply sa mga kaibigan nya. Tumayo na ako agad at nagpaalam sa kanya.

"Papunta na sila Lisa dito. Alis na'ko." I didn't bother to look at her as I walk towards the door.

"Jin!"

Humarap ako sa kanya at itinaas ang isa kong kilay.

"Thank you again for earlier." Aniya.

Ngumiti na lang ako at tumango. Bubuksan ko na sana yung pinto pero nagsalita nanaman sya kaya natigilan ako.

"Tungkol sa laro namin kanina, anong nangyari? Nanalo ba kami or laglag na kami sa ranking?"

"Don't worry, pasok kayo sa finals." I answered her while smiling.

"Mabuti naman." She looked relieved as she clenched her chest.

"Sige, pagaling ka. Una na'ko." Saad ko pa pero natigilan nanaman ako sa huli nyang sinabi.

"C-can we be friends?"

Awit, na friend-zone ako kaagad.

Ayaw ba nya ng more than friends?

"Oo naman." Natutuwang sabi ko.

Nagulat ako nung bigla syang tumayo at lumakad papunta sa pwesto ko at naglahad ng kamay sa harap ko. "Hi, I'm Jisoo Kim. Nice to meet you. Ako nga pala yung bago mong kaibigan."

Hindi ko alam kung pinag-lalaruan nya lang ako o talagang seryoso sya dito sa ginagawa nya. Tinaasan nya ako ng kilay kaya wala akong nagawa kundi sabayan na lang ang trip nya.

"Hi, I'm Seokjin Kim. Future boyfriend mo."

Wrong Goodbyes Where stories live. Discover now