66 ¦ sixty-six

473 30 11
                                    

JISOO'S POV

"Ano?! Bigla ka na lang nyang iniwang mag-isa sa kalagitnaan ng date nyong dalawa?!"

Bahagya kong nilayo sa tenga ko ang cellphone ko sa kalakasan ng boses ni Jennie sa kabilang linya.

"Emergency daw eh. Alangan namang pigilan ko pa." Malumanay kong sagot.

"Sinabi ba nya sayo kung anong emergency yung tinutukoy nya? Mamaya dinahilan nya lang yun!" Mas malakas na sumbat ni Lisa sa akin.

"Hindi ko na natanong kung ano dahil mukhang nagmamadali talaga syang umalis. Saka okay lang naman, hindi pa naman eto yung huling date namin no." I answered and chuckled softly.

"Hay nako, Jisoo... Kung ako yung dinitch sa date, I'll make sure that the guy will pay on everything for our next date." Rosé said.

"Nope, that's too easy for Jin... Alam naman nating lahat na marami syang pera, right?" Sabi naman ni Jennie.

"Hoy Jisoo Kim! Basta sa susunod na date nyong dalawa, gantihan mo na lang sya para quits na kayo parehas!" Sabi pa ni Lisa.

"Kayo talaga..." Sabi ko at bahagyang natawa. "Sige na, ibababa ko na. Magda-drive na kasi ako eh. Bye guys!" Paalam ko.

"Okay, see you on monday!"

"Mag ingat ka sa pagda-drive!"

"Take care Jichu!"

I smiled at my phone before ending our group call. Napabuntong hininga na lang ako at pinasok sa loob ng bag ang cellphone ko.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa parking lot ng mall. Malapit nang mag 7:30 ng gabi ngayon pero hindi parin ako nakakapag-dinner dahil balak naming mag dinner date ni Jin kanina pero hindi nga natuloy dahil sa emergency nya.

I know that I may sound selfish because of it but honestly, I was really disappointed on what happened to our supposedly first date tonight.

Wala naman na akong magagawa, naiintindihan ko naman. There's always a next time for everything.

I parked my car in front of a coffee shop near our university. Malamig ang klima ngayong araw kaya nag-crave akong bumili ng favorite coffee drink ko.

Saktong pagbaba ko ng sasakyan, nakita ko si Eunwoo nakakababa lang rin sa sasakyan nyang naka-park sa tabi ko.

Coincidence nga naman...

"Wow, andito ka rin pala."

"Ay hindi, anino ko lang 'to." Pamimilosopo ko sa kanya na syang ikina-ngiti nya.

Sabay kaming pumasok sa loob ng coffee shop. Kahit gabi na ngayon, marami paring naka-dine at naka-pila sa cashier.

Eunwoo is standing in front of me while looking at the menu board. Hindi ko na sya masyadong kinikibo because I already cut ties with him.

He's my ex and we're now civil with it.

"Libre kita ng inumin. Anong gusto mo Jisoo?" He suddenly asked.

"No thanks, I can pay for my own drink." Tipid ko syang nginitian pero hindi natapos duon ang pangungulit nya.

"Hulaan ko order mo. Hmm... Ah,alam ko na... Pumpkin spice latte, no?" Aniya.

"Yup, it's my favorite." Sagot ko naman.

"You mean our favorite?"

Inirapan ko na lang sya at iniwas na ang tingin sa kanya. Narinig ko ang pagtawa nya pero hindi ko na iyon pinansin.

Ilang minuto na ang nakaraan matapos kong makapag-order at naghihintay na lang ako sa inumin ko habang naka-upo sa bakanteng mesa kung saan katapat ko si Eunwoo sa harapan ko.

There's no other available table so he insisted for me to take the other seat in front of him.

Tahimik lang ako habang pinapanuod ang mga barista habang ginagawa ang mga order ng ibang customers nang biglang maalarma ako sa sinabi ni Eunwoo.

"Jisoo, si Seokjin yun diba?"

Agad ko syang nilingon at sinundan ng tingin ang tinitignan nya sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko nga si Jin na may kayakap na babae sa labas nitong coffee shop.

Mukhang sa kabilang exit ng shop sila dumaan kaya hindi ko sya nakita kanina but I don't give a damn about the door that they used.

What is he doing with that girl?!

"Kilala mo ba yang kayakap nya?"

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Eunwoo dahil wala naman akong pake at tanging sa kanilang dalawa lang nakatuon ang atensyon ko.

Para na akong maiiyak sa magkahalong inis, galit, at pagseselos na nararamdaman ko sa nakikita ko ngayon.

Ano yan? Yan ba yung emergency nya?

Nanginginig kong kinuha sa bag ko ang phone ko at agad na tinawagan ang messenger account nya. Muli akong lumingon sa gawi nila at nakita kong pinagbuksan nya ng pintuan ng sasakyan ang babaeng kasama nya. I didn't even get a chance to see her face!

Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis nang makita kong tinignan nya lang ang phone nya at hindi man lang sinagot ang tawag ko.

What the heck?! Is he ignoring me now?!

Agad kong kinuha ang mga gamit ko saka tumayo sa kinauupuan ko at dali-daling lumabas ng shop para puntahan sya.

His eyes widened when he saw me walking towards him. I also saw the trembling of his lips while looking at me.

"Oh hi there..." I sarcastically greeted him.

"J-Jisoo anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw, anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba? Asan na yung emergency mo? Nandyan sya sa loob diba?" Mataray kong sabi.

He gulped down his throat and he quickly rushed to me. "Jisoo please let me explain." He begged.

"Para saan pa? Para makinig sa kasinungalingan mo? Nako wag na, nakakahiya naman sa emergency mo." Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Jisoo please hear me out first. What you're thinking about right is wrong-"

Agad kong pinadampi ang palad ko sa pisngi nya at marahas syang tinulak.

"Paano mo nagawa saakin 'to?! Buong akala ko pa namang iba ka sa lahat ng mga lalaki dyan! Nagtiwala ako sayo pero lolokohin mo lang rin pala ako!" I couldn't stop myself from showing him the anger that I'm feeling.

My tears started to flow down on my checks and I immediately wiped them away.

He was about to touch me but I immediately stepped backwards from him.

"Ayaw na ulit kitang makita at maka-usap pa simula ngayon." Yon ang hiling beses na sinabi ko sa kanya bago ko sya talikuran.

Wrong Goodbyes Where stories live. Discover now