Episode 6

21 1 0
                                    

"Uy? Alam mo ba?," Dungaw ni Pao sa kwarto ko

"Di ko alam," pamimilosopo ko HAHAHAHA

"Kaya nga sasabihin ko para malaman mo tsk!," Irap niya sabay pasok sa kwarto ko

"Alin ba yon?,"

"Kasi nga may sabi sabi na si GC na bumalik na siLilah,"

Owww i didn't expect Pao to say that. Nakatira na kasi Lilah sa U.S which means di na kami masyadong nagkakasalubong, And i think di ko pa siguro kayang makita si Lilah.

"Totoo ba yan?," Lingon ko kay Pao

"Mukha ba akong nagbibiro,?" Taas kilay nitong pahayag

"Asan daw siya ngayon?," I as

"Are you sure you want to know?,"

"Just say it," Nagmamadali kong tanong dahil kabado ako

"She's here, at manila," lapit niya sakin

Simula nung usapan namin ni Pao kahapon ay hindi na ako mapakali dito sa condo. Gusto kong lumabas pero pinipilit kong huwag nalang. I know may chance na mag kita kami ni  Lilah somewhere and i don't want that to happen. I'm not yet ready, Natatakot ako sa maari naming mapag usapan or worst mapag awayan.

Tumikhim si Pao at padabog na inilagay ang baso sa tapat ko.

"Shit!," Napatayo ako

"Why? Chill," lapit niya sakin

"Nang gugulat ka kasi!," Singhal ko

"Oww, I didn't mean to," kunot noo nitong sabi

"I'm Sorry Pao, Punta lang akong kwarto," lapit ko kay pao at humingi nang tawad.

Of course nakonsensya dahil nasigawan ko si Pao, It's just kinakabahan ako and I don't know what to do. Hindi ko alam kung posible bang magkita kami ni Avi. Kung maayos ba kaming magkikita. Fuck it! Bat ba ganto nararamdaman ko.

I didn't eat breakfast pati narin ang lunch inubos ko ang oras ko sa kakaisip ng mga scenario na pwedeng mangyari. Nag sulat ako para hindi masyadong maisip si Lilah . Naisip kong mag sorry kay Pao dahil sa nangyari kanina kaya ngayon magluluto ako for Pao.

"Hmmm ano kayang maluto ngayon?," Bulong ko sa sarili ko habang tumitingin ng sangkap sa ref.

"Siguro Chop Suey nalang since lagi kaming meat," pagdidisisyon ko.

Sinilip ko saglit si Pao sa kwarto niya pero may nakasabit sa DoorKnob na papel...


"Give me a while to think. I'M IN HERE AND YOU'RE OUT THERE. LET'S KEEP IT THAT WAY FOR A MINUTE."


"Tae sumama talaga loob ni Pao.." inintay ko nalang na matapos muna akong magluto tska ko siya kakatukin.

Like other Friends nag aaway din naman kami paminsan kagaya ngayon. Syempre wala namang perfect diba? Alam ko naman na kasalanan ko. Pao didn't mean na maging masama yung dating sakin nung actions niya. Maayos na sana agad.

Natapos akong mag luto tapos natapos ko nang ayusin lamesa. Nilagay kona sa gitna yung kanin tska yung ulam na Chop Suey. Nag add din ako ng letter para sa pag hingi ng tawad.

Ilang minuto na siguro akong asa labas ng kwarto ni pao para tyumempo ng pagkatok ko... Eto na talaga. 1...2... hooo tae isa pa.

1...2...3...

Kakatok na sana ako kaso biglang bumakas na yung pinto kaya bigla akong nanigas. Di ko alam gagawin ko tae di ko inaasahan yon. Sa huli tiningnan ko nalang yung kusino tska tumingin din don si Pao na parang gets na niya na gestures ko.

"Kain na tayo," Basag niya sa katahimikan

"Sge," Tango ko at nag pray na kami.

Nagsimula na ako sa speech ko HAHA charr I mean humingi na ako nang pasensya tas ganon din siya. Tas non bati na kami nagtatawanan na kami"

"Ano ba kasi yon?," Tanong niya sa gitna ng tawanan namin.

"Alen?," Pahid ko ng luha ko kakatawa

"Yung iniisip mo," kain niya

"Ahhh ayon HAHA wala?" Saad ko

"Sge di tayo bati pag di mo sinabi," panakot niya

"Kasi iniisip ko yung sinabi mo sakin na nandito si Lilah," Nakaramdam na naman akong kaba

"Andito ako oh," Turo niya sa sarili

"Alam ko naman..."

"Alam mo naman pala ih bat ka nagkakaganyan?," tanong niya

"Medyo kinakabahan kasi ako. Alam mona kasi baka mag away lang kami kung magkita kami," Patuloy ko

"Ay nako Pieces. Kapag ginawa niya yon? Pinatunayan niya lang na ang immature niya,"

"Di naman siguro," depensa ko

"Oh tas ngayon kakampihan mo? Isipin mo nga ilang years na nakalipas simula nung nangyari sainyo. Ano yon? May galit padin siya? Anong pinag huhugutan niya don? Na iniwan siya? Na lahat susukuan siya na hindi ka/tayo tunay na kaibigan?"

Napayuko nalang ako sa sinabi ni Pao. Tama naman siya... Pero kasi... hayst.

Nag kwentuhan pa kami ni Pao sa lamesa tas pinangaralan niya din ako na kung magkikita man kami edi mag kita. Ihanda ko nalang daw sarili ko sa mga posibleng mangyari. Kasi di naman namin hawak ang oras. Kung mag kikita kami edi magkita kung hindi edi hindi. Basta dapat lagi akong handa kung ano man.

•••

It's Our First Day Of School Year. Hindi kona medyo naiisip siLilah  tsaka lagi kong pinapaalala sa sarili yung mga sinabi ni Pao sakin. For now gusto kong mag focus sa Studies ko. Kailangan kong matapos ang Grade 12 para makatungtong akong college. Then i will take my course and I'm gonna make sure to pass the Bar kasama si Pao.

Naghiwalay na kami ni Pao kasi syempre magkaiba ng sched.

Maagang Natapos ang araw pero sobrang daming nangyari. May pa recitation agad tas may mga homeworks agad. In short ang hassle na agad. Tipong nakakabigla kasi naman bagong pasok.

"Kamusta araw naten?," Tanong ko kay Pao na nagbabasa ng libro

Sumenyas si Pao na "Shhh," kasi nag babasa siya

"Ay HAHAHAH " upo ko sa tabi niya

"Aaa!! Dun ka Pisces!! Baka mademonyo mo na naman ako," Taboy niya sakin

"Ayaw," tipid kong asar

"Argh!," Sabay tayo niya at lumipat sa kusina

"Uyyy," pangungulit ko

"Wala kabang aaralin?," saad niya pero nakatuon padin sa libro

"Tinatamad ako," sabay kain kong kendi

"Ahh... so asan na yung papasa tayo? Yung mag cocollege tayo? Yung magiging lawyer kapa?," Sabay baba niya sa libro

"Fine!," Alis ko sabay kuha ng libro sa bag at naupo sa sala

Magkahiwalay kaming nag rereview ni Pao pero nagtutulungan kapag may hindi maintindihan. Maybe you're wondering bat di kami sa kwarto mag basa? Well kagaya niyo inaakit kami ng kama. In short di kami makakapag review at matutulog nalang pag nangyaring nasa kwarto kami.

Kinakapa ko yung bowl na katabi ko pero wala kong makapa sa loob kaya ibinaba ko libro ko at tiningnan.

"Ubos na agad," Reklamo ko

"Kuha nga ako uli," bulong ko

GoodThing at madami kaming stocks ng chips dahil kay Mama at Tita. Puno na talaga halos mga cabinet dito, di na mapagkasya yung chips

"Gusto mo?," Alok ko kay Pao

"Nahh, Candies gusto ko," saad niya

"Okii kuha kita," prisinta ko

"Eto na po Madam," sabay yuko ko sa harap ni Pao

"Loko to!," Hampas niya sakin

"HAHAHA wag kasi masyadong seryoso," asar ko

"Oo na, Alis na!," Taboy niya

"Ay ang harsh," Tawa ko

Bumalik ako sa sala para naman gawin mga Homeworks ko habang ngumunguya ng chips. Napaka dami naman kasi. Pwede namang second day mag bigay hayst.

Gustong gusto kona lumapit kay pao para sabay kaming mag review pero nag pipigil ako. Argh!

Kung lalapit kasi ako hindi kami makapag rereview or matatapos gawain namin. Siguradong mag dadaldalan lang kami non pag nagkatabi. Mahirap na parehas kaming babagsak agad.

Medyo natapos na kami ang itinira nalang namin yung mga matagal pa deadline para naman di kami madrain masyado. Dumeretso na kami sa kwarto para mag pahinga. Di nadin kami nagluto at nag order nalang.

"GoodNight," sabay naming sabi bago isara ang pinto.

•••

Guess What!? Dito ako sa Coffee Shop... With Lilah .


She texted me. Gusto niya daw akong makita. And then we are here.

"I just to clarify things," panimula niya.

" I'm Sorry," saad ko ay yumuko

"Talaga?," Ngisi niya

Tumango ako

"Gusto ko nang tanggalin ang namamagitan satin natin," Diin niya

"Bakit?," Tanong ko

"Kasi ikaw naman may kasalanan kung bakit namatay kapatid ko diba? Ano pang dahilan?," Balik niyang tanong

"Look, ayusin natin to," sabi ko

"HAHAHA are you serious? Wala na si Avi! I mean sinira mo kami and now sasabihin mo ayusin?," Paliwanag niya

"Hindi ko naman sinasadya yung nangyari, kung alam ko lang sana hindi na kami nag away pa," Depensa ko

"What's up with you? Don't tell wala kang kasalanan? ikaw ang huling kasama ng kapatid ko," Lapit niya "

Nawalan ako nang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng impact ng mga sinabi niya. Kasi totoo naman may kasalanan ako.

"Kasi hindi niyo naman ako naintindihan," Yun lang lumabas sa bibig ko

"Napakinggan na namin,"

"Oo nga, napakinggan. Pero naintindihan niyo ba,"

Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas loob para masabi yung mga katagang yon.

"Ahhh," simple niyang sabi

"Siguro tama ka!," Tango ko

"Na? Na wala kang kwentang kaibigan?!," Sagot nito

" Oo na sge na! mali ako na nag away kami nung mga panahong yon. Pero hindi ko naman ginusto ang nangyari," Singhal ko

Nabigla siya sa pagsagot ko. Kasi never ko siyang sinigawan ng ganon. Never ko siyang pinagtaasan ng tono.

"Sorry," Dugtong ko

"Sumuko ka... Napagod ka,"

"Robot ba ako? Hindi ba ako pwedeng mapagod?," Tanong ko

"Pwede ka namang mag pahinga!," Depensa niya

"Wala namang may gusto sa nangyari," Balik ko

"Babalik ko nalang mga gamit mo na nasa bahay. Siguro pag naibilik ko na makakapag move on na ako ng tuluyan" bigay niya sa isang box na naglalaman ng mga gamit ko

"You don't have to," tanggi ko

"I insist. Please. Just take it,"

Tumango lang ako

Tatayo na si Lilah nang makabangga siya ng waiter na may dalang 2 glasses of juice. Kaya natapon iyon sa sahig at nabasag. Napatayo ako para tumulong pero pinigilan ako nung lalake na kukuha nalang daw siyang panlinis.

"Tagal naman non," reklamo ni Lilah

"Antayin mo nalang," saad ko

"Huwag na, ako na mag lilinis," tayo niya

Habang pinupilot ni Lilah isa isa ang mga nabasag na piraso ng baso ay nasagi siya ng isang costumer na papasok palamang ng cafe.

"Sorry miss!," Paghingi ng pasensya nito

"No, It's okay," ngiti ni Lilah

Dumugo ang kamay ni Lilah kaya medyo umiwas ako nang tingin. Pero ang malas ko ata ngayon kasi may sumagi din saakin kaya bigla akong napatingin sa duguaang kamay ni Lilah.



Then suddenly.... My vision went black.



"Pisces!!," Rinig kong yugyog ni Aries saakin

Iminulat ko mata ko tska ko nilibot ang paligid. I guess nasa bahay ako ni Aries. Kasi puro black ang paligid at siya ang una kong nakita.

"Hmmm"

"Are you okay?," Tanong nito

"I'm fine," upo ko

"Hey.. Careful," saad nito

"Ayos lang ako,"

"Ano bang nangyari? Buti nandon ako at nakita ka,"

"Asan si Lilah?," Tanong ko

"Yung kasama mo ba?," paninigurado niya

"Oo,"

"Kaalis lang niya. May flight daw siya pabalik U.S ikaw lang daw talaga pinunta niya dito sabi,"

"I have a phobia. Fear of blood, kapag nakakakita ako ng blood may something saakin na nag tritrigger para mawalan akong malay. As much as possible iniiwasan kong makakita non kasi masama para sakin na nawawalan ng malay. Btw thank you kasi nandyan ka" paliwanag ko sakanya

"You're Always Welcome! It's Hematophobia?"

Tumango lang ako habang inaantay si Pao.


~So close your eyes
And create yourself a better life
Let the wind blow through your hair
Let the music take you there
And make a better life

A Memory With YouWhere stories live. Discover now