Episode 8

18 1 0
                                    

Days and Weeks passed sinubukan kong bumangon, sinubukan kong magpatuloy paunti unti. Mas hassle nga lang dahil pinagsasabay ko ang studies ko then personal problems pero kaya naman... Madalas kaming namamasyal nila Pao kapag mag oras kami. Lagi kaming kumakain sa labas minsan naman nanonood kaming Cine pampaaliw.

Madalas din kaming mag review ng sabay kahit pa ang ending namin magkwekwentuhan nalang.

I focused sa studies ko para maintain yung grades ko. And also may mga kaklase nadin akong nagiging kaclose ko.

Like Clio nag approach siya saakin isang beses kasi hindi niya nagets yung lesson and wala din naman akong ginagawa kaya tinulungan kona din siya. Isa nadin sila Mei, Clifford and Ian Nagkakilala kami sa org na sinalihan naman that's why we're friends now. Nakakatuwang isipin na akala ko kila Pao and Aries nalang iikot yung circle of friends ko pero ngayon may mga kaclose nadin ako at kaklase ko pa.

"Iaannn!!!," Sigaw ko sakanya

Binelatan lang ako ng siraulo paano kinuha niya yung baby pic ko.

"Ang cute naman niyan patingin nga!!," Lapit nila Mei kay Ian

"Anong cute? Mukhang dugyutin nga!," Tanggi ko

"Sus ang pahumble mo po," tawa ni Clio

"Amina na ngaaa kasiii!!," Habol ko sakanila

Mukha kaming tanga dito sa School na nag hahabulan. Wala manlang pake tong mga kasama ko kahit pinag titinginan na kami. May iba pang masama ang tingin tsk dukutin ko mata nila ih charrr

"Hoy! Dito na tayo sa tabi," hila ko sakanila

"Ayaw nga namin kukunin mo lang to ih," wagayway niya sa picture ko

"Hindi nga," irap ko

"Promise?!,"

"Oo nga hindi na bilisan niyo na pinagtitinginan na tayo ih!," I hissed

Umupo kami sa tabi at dun kami nag usap usap. Bumili naman sila Ian at Mei ng pagkain namin since gutom na kami.

"Sooo Ayos kana??," Pagpag niya sa upuan

"Ha?? What do you mean?," Kumunot noo ni Clio

"Yung kay Avi?,"

"Ahh HAHAHAH ayos na ako," nag thumbs up ako

"Ayos yan,"

"Bakit mo naman natanong?,"

"Kasi hindi kana madalas sumimangot sa tabi," kuha niya sa bag niya

Nabigla ako sa sinabi ni Clio "Talaga??"

"Oo ah? Di mo ba napapansin madalas kanang makipag kulitan samin. Parang nung unang pasukan palang ih napaka tahimik mo pa takot pa nga kaming lumapit sayo," tawa niya

Hindi ko na siguro napansin sarili ko basta ang alam ko nag momove on ako. I'm happy kahit ganto lang,Yung paunti unti kasi sa pag heheal naman daw hindi yun minamadali. Kapag ready kana mag heal at pakawalan yung noon tska ka lang makakabangon. Bigay ni Clio sa baunan ko

"Kain na tayo?,"

"Anong ulam mo Ian?," Silip ko sa baunan niya

"Wala," layo niya sakin

"Problema mo? Tingin ako!," Pangungulit ko Dahil katabi ni Mei si Ian mabilis na kinuha ni Mei yung lagayan ng ulam ni Ian

"Here! Ginataang Hipon!," Sigaw niya

"Aaaaa! Pengee!," Natutuwa kong sigaw Tumango si Clio

"Kaya pala tinatago ni Ian,"

"Kasi paborito ni Pisces malamang manghihingi yan," kamot niya sa ulo niya

Sumimangot ako "Hmmp!,"

Sabay sabay kaming nag pray bago kumain tapos nagkukukitan na kami dahil dun sa Ginataang Hipon kasi ang sarap. Di ko naman sinasabing di masarap yung luto ko pero iba yung lasa nung kay Ian that's why nagustuhan ko. In the end nag swap kami at sakin napapunta yung ulam ni Ian.

Sumigaw ako habang namimilipit ako sa sakit ng puson ko

"Aries!!!,"

"Whattt!!!," Takbo nito

"Ang sakit ng puson ko!," Pikit ko

"Ha? E anong gagawin ko? The fuck?!," Taranta niyang tanong

Binato ko siya ng unan "Get me a hot compress you fool!,"

"Fine! Wait here,"

Inantay ko si Aries na kumukuha ng hot compress. Wala kasi si Pao nasa school pa kasi may ginagawa pa sila. Usually si Pao kasi ang nag aalaga sakin pag nagkakaron ako kasi alam niya kung kelan ako dadatnan. Ipinaubaya niya muna ako kay Aries pero nakalimutan niya atang sabihin kay Aries na meron ako ngayon.

"Fuck! Here," bigay niya

"Thanks," "Yun lang?

Thanks?,"

Reklamo niya "Anong gusto mo? Tagalog? Salamat!," Galit kong sabi

"What's wrong with you?," Lapit niya

"Wala! Alis na," taboy ko

"Tsk! Dito lang ako," pagmamatigas niya

Dumating si Pao sa condo 6:45 pm may sinaing na naman kasi pinagsaing ko si Aries kanina kaya ngalang walang ulam kasi hindi marunong si aries at masakit naman ang puson ko. Nagluto ng ulam si Pao pagkadating niya tska niya ako hinatiran sa kwarto tska kami kumain don sabay sabay.

"Kamusta school?," Uminom ng tubig si Pao

"Okay naman konti nalang tapos na yung thesis,"

"Ahhh,"

"Kamusta Puson mo?," Sabi ni Pao

"Okay na di na masyado masakit,"

"Aries?," tawag ni Pao

"Oh?," Lingon niya

"Bat parang gutom na gutom ka?," Nagtatakang tanong ni Pao

"Pano ba naman di ko malaman gagawin ko kanina dahil masakit daw puson niyan," turo sakin ni Aries

"HAHAHAH ay sorry nalimutan kong sabihin sayo," tawa niya

"Ayos lang, Masarap naman yung luto mong ulam,"

Naging Routine na namin sa Araw araw yung ganon. Tapos minsan kapag gusto kong mapag isa napunta ako dun sa Café tas nag babasa akong mga libro. Kapag binibigyan naman akong sobrang allowance ni mama bumibili akong libro pang collection.

Sila Tita naman bumibisita na samin kada weekend tapos may mga dalang pasalubong tska mga Damit na bago. Pinakilala kona din kila mama at papa si Aries tapos nagkwekwentuhan kami kada nandon sila tas madalas kaming namamasyal.

"What's this??," Turo ko sa box Lumapit si Aries

"Buksan mo, "

Hala e hindi ko naman birthday," hampas ko

"Bakit pag birthday lang ba pwedeng mag regalo?,"

"Hindi naman, e para san ba to?," Tanong ko

"Let's just say dahil unti unti kanang nakakawala sa past mo," hawi niya sa buhok ko

"Awww, Thank you!," Niyakap ko siya

Binukasan ko yung box na bigay ni Aries. The moment i opened that box nag uunahan nang tumulo yung luha ko dahil sa tuwa. It's a Puppy! Alam ni aries na matagal ko nang gustong mag ka Puppy dahil gusto kong mag alaga. Brown yung color nung puppy tas meron siyang black sa paligid nung bibig niya. Tapos medyo chubby and bubbly.

"Awwww! Ang cute niya Aries," buhat ko sa Puppy

"Alagaan mo yan ha?," Paalala niya

Tumango lang ako habang maiyak iyak. I didn't expect someone na mag bibigay sakin. I thought ako mismo ang bibili para sa sarili ko but then nandyan si Aries. Sa sobrang tuwa ko sa Puppy lagi ko siyang kinukuhanan ng picture. I don't know maybe because gusto ko siyang itressure ng buong buo. Since lalaki yung Puppy pinangalanan ko siyang "Brownie" ang simple diba? Like my old Puppy. But I don't care it suits to him.

A/N: Pinublish ko to the day na namatay yung dog naming si Brownie dahil sa Virus.

A Memory With YouWhere stories live. Discover now