Episode 9

12 2 0
                                    

Pao's POV

Four months na nakakalipas simula nung accident na nangyari kay Pisces sa Café. Una palang subaybay na ako sakanya kung pano niya dalhin yung problema sa araw araw. Si Pisces kasi yung tipo na kapag may nagalit sakanya dadalhin na niya yon hanggat hindi siya nagkakaron ng sagot kung bakit galit yung isang tao sakanya.

Siya yung tipo na kapag hindi mo siya sinagot yung mga tanong niya gagawa siya ng sarili niyang sagot at dun siya mag sisimulang mag Overthink. Nakita ko kung paano niya pinipilit ihandle yung sarili niya. Yung mga gabing wala hindi siya makatulog kakaisip kung anong mali sa nasabi niya nung araw na nakipag usap siya kay Avi.

Minsan nakakapagtampo na kasi wala na siyang ibang inisip kung hindi si Avi. Ang iniisip na niya lang kung paano niya ma plplease si Avi na wag nang magalit sakanya. Which is wrong, Why? Hindi mo mapipilit ang isang tao na hindi magalit sayo. Kung galit siya, so be it. Pero syempre dadating talaga yung araw na kailangan niyang harapin yung problema. I'm thankful kasi ang laki ng improvement ni Pisces. 

Hindi na niya binabase yung kaligayahan niya sa iba which is good. In life you have to learn to be happy even though your alone. Kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong paa. Kung nadapa ka bumangon ka wag kang umiyak lang sa tabi at maghihintay ng kung sino mang tutulong sayo.

Pisces have her own circle of friends now. Andyan sila Mei mababait at tska maasahan. And about Aries boto ako sakanya para kay Pisces HHAAHHA nadadalas na nga yung paglabas nila ih. Pero pag tinanong ko naman kung anong score between them ang sinasabi wala lang. We're happy now tska kontento na kami. Kasi si Pisces lagi na siyang nakangiti yung ngiting masaya at makikita yon sa mata niya. Ang tagal na nung huling ngumiti siya ng ganun.

minamahal na niya sarili niya ngayon hindi na niya inaasa sa iba yung kaligayahan niya. She deserves someone who will treat her like a Diamond yung iingatan siya.

"Pao!!! Tara na!," Sigaw ni Pisces

"Masarap ba yang clubhouse na gawa mo?," Pagdududa ko

"Abaa!! Kelan pa naging panget ang lasa ng gawa ko?," Kabit balikat nito

"Oo nga bat mo ba inaaway si Pisces, Pao,?" Singit ni Aries

"Ay may taga pag tanggol," tumatawa kong sabi

Inirapan naman ako ni Pisces

Sinusundot ko siya sa tagiliran "Nagtatampo kaba?,"

"Hindi ba halata?," Iwas nito

"Oy tulungan mo naman akong makipag ayos kay Pisces, Aries!," Hampas ko

"Eto magpapatulong nalang may hampas pa!," Saway niya

Inirapan ko siya "Tsk! Bat ba?!,"

"Magkaibigan nga talaga kayo ni Pisces parehas toyoin," sigaw niya

"Aba! Inaaway mo ako?," Galit na sigaw ni Pisces kay Aries

"Hihi joke lang eto naman," suyo niya

"Wag mo akong kakausapin ha! Wag kang lalapit sakin!," Banta nito

Nag paawa si naman si Aries "Ihhh Sorry na ngaa kasiii!!,"

"Tsk! Tabi nga! Kami lang ang bati ni Pisces," asar ko

Niyakap ko si Pisces tas Sumabay na din siya sa trip ko kaya niyakap niya nadin ako pabalik kaya ang resulta kay Aries na siya galit HAHAHAHA. Nakasimangot na si Aries habang nag aasaran kami.

"Hmmm ang sarap naman netong tinapay!," Arte ko

"Patikim nga ako penge ako Pao!," Kuhit niya sakin

A Memory With YouWhere stories live. Discover now