Prologo

2 0 0
                                    


Third person's POV

Isang malakas na kalabog ang narinig sa likod ng isang lumang silid ng paaralan.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo ha? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah!"

Sigaw ng lalaking ang puting puti at plantsadong uniporme kanina ay kakikitaan na ng bahid ng dumi at gusot pa.

Nagpagpag sya at saka pinunasan ang gilid ng labi na pumutok at ngayo'y nagdurugo dahil sa suntok na binigay ng lalaking nasa harap nya ngayon. Hindi ito kakikitaan ng pagaatubili man lamang sa kanyang ginagawa.

Hindi sumagot ang lalaki sa harap niya at saka nagpakawala na naman ng isang suntok na tumama sa tyan ng biktima, sanhi ng pagkatumba niya sa pangalawang pagkakataon.

"Put-- ah!"

Bago pa man makapagsalita ay muling sinuntok ito ng lalaki at nagpatuloy sa pagbugbog dito.

"Huy pre, awat na yan. Baka mamaya mapatay mo na yan, mag 18 ka pa naman na, pwede na makulong haha."

Maririnig na pag-awat ng isa sa dalawang lalaking kararating lamang sa lugar na iyon na tila ba'y sanay na din sa mga pangyayari at kilalang-kilala na ang lalaking nambugbog.

Kakikitaan ito ng tila ba'y anghel na itsura na maglilito sa mga makakakita sa totoo nyang pagkatao. Mahabang pilikmata, singkit na mata, matangos na ilong, punong labi. Matipuno, hindi gaanong matangkad, maputing balat. Maayos ang pagkakabutones ng polo nito. Listonado ang pantalon, kumikinang ang sapatos at wari ba'y nadilaan ng isang dinasour ang buhok nito.

"Lul. Yan pa? Mapapahinto mo? Tanda mo yung lalaking nakasalubong natin na nambubully ng bata, 50/50 na yata yun nung nakuha ng ambulansya, buti nabuhay pa at buti di nakita mukha nyang hay** na yan kung di, may naghihintay nang orange na damit dyan saka malamig na selda. Haha."
Sabat naman ng isa pang lalaki.

Kabaliktaran ito ng nauna. Sya nama'y tila tambay sa kanto na naghihintay ng biyaya. Mahahabang pilikmata, makakapal na kilay, bilugang mata, katamtamang taas ng ilong, maninipis na labi, hindi kaputiang balat at isang hikaw na kumikinang kung masikatan ng araw. Matangkad, ngunit may pagkapayat ang katawan na di aakalaing magaling sa rambulan. Bukas ang unang butones ng polo nito at makikita ang puting damit sa loob. Di uso ang plantsa at Kiwi dito.

"Tigilan nyo kong dalawa kung ayaw nyong kayo isunod ko dito."

Tipid na sabi naman ng lalaking kagagaling lamang sa pambubugbog.
Describe pa ba? Ah sige.

Masasabing sanay na sa ganto ang isang ito. Mapupungay na singkit na mga mata, matangos na ilong, at pulang mga labi. Dalawang hikaw sa kaliwa at isa sa kanan. Katamtamang tangkad, maayos na polo na nakabutones hanggang taas, di din uso plantsa. Pero Kiwi oo.

"Tapang mo na ah haha."

"Ewan ko sa inyo. Tara na. By this time papunta na yun sa tanda dito."

"Out of all the things you said, yan ang pinakamatino. Tara na."

At lumarga sila papunta sa kanilang silid, hindi alintana ang lalaking wala nang malay na nakasiksik sa likod ng lumang silid.

---

Kala nyo totoong seryoso narration no? Hindi ako ganon kaseryoso, baliw din ako kaya pasensya na. Huehe. Enjoy!

UNO por UNOWhere stories live. Discover now