Capitulo Dos

0 0 0
                                    


Gray's POV

Nagising ako dahil sa narinig kong ingay. Nagkalantugan ang mga yero na nakatambak sa bandang gilid ng hideout namin.

Iminulat ko ang mata ko at hinanap ko ang pinanggalingan ng ingay. At tama nga ako, sa gilid lang ng duyan ni Sean kanina, andun silang dalawa ni Xcill, kasama ang isang lalaking siguro mas bata ng isang taon sa amin, ewan. Mukhang binubugbog nila ito at kasalukuyan na nga syang nakadapa sa sahig.

"Ano? Uulitin mo pang tangina ka!?" Bulalas ni Sean kasama ng isang sipa sa lalaki na nagpaigtad pa lalo dito.

"H-Hin.. d-di .. n-n ..n-na.. p-please.. t-ta..t-tama n-na.. " pakiusap ng lalaking iiyak na yata sa lagay nya ngayon.

"Tangina subukan mo lang talagang kantiin ulit kapatid ko. Mas matindi pa dyan ang aabutin mo. Puta sinabi na nga nya sa'yo na ayaw ka nya diba!? Anong ginawa mo? You even tricked her para makadate mo! What the.. pre ano na!? Tangina wala ka bang nanay? Kapatid na babae!? Pota naman oh."

Kaya naman pala parang toro na nakakita ng pulang tela 'tong si Sean. Tungkol naman pala kay Nikka eh, kapatid nyang babae. Ahead kami sa kanya ng 2 years, mas matanda sya kay Ashley ko ng 6 years.

Tumayo na ako sa pagkakahiga at tsaka sila pinuntahang dalawa.

"Hoy. Ano meron?" Bungad na tanong ko sa kanila na naging sanhi para mapalingon sila, kasama ang lalaking bugbog na, sa akin.

"Oy pri, buti nagising ka na. Eh wala, nakita ni Sean 'tong hinayupak na 'to. Ayan. Sinunggaban agad. Di ko na napigilan eh. May pamangkin din naman akong babae, alam ko pakiramdam." Paliwanag sa akin ni Xcill na pilit na inaawat ang dambuhalang si Sean. Imagine, bubwit papahintuin si Sean? Uhuh. Not a good scene.

"Sean, tama na yan. Mamamatay na yan oh. Ikaw den. Di din naman magugustuhan ni Nikka kung may mapapatay ka." Payo ko at tsaka ako nagkibit-balikat na parang nangongosensya.

"Puta. Pasalamat kang gago ka. Kung wala 'tong mga 'to, patay ka na sana ngayon. Layas!" Sabi nya sabay sipa sa lalaki.

Sya namang dali-daling kinuha ng lalaki ang pagkakataon para makatakbo, kahit nanghihina. Pero bago pa sya tuluyang makatayo at makatakbo, lumingon sya sa akin dahilan para magkatitigan kami kahit sandali lang.

At nagulat ako nang makilala ko ang mukhang 'yon. Yung lalaking nasa panaginip ko. Totoong tao sya?

"Sandali." Sambit ko at hinawakan ang braso nya dahilan para mapalingon sya ulit sa akin.

"B-ba.. bakit?" Nanginginig nyang tugon.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero walang lumabas ng salita. Baka isipin pa nila na nababaliw na ako.

"Ah. ID mo. Naiwan mo." Palusot ko at inabot sa kanya ang naiwan nya.

"A-Ah.. salamat. Una na ko." Sabi nya at tsaka dali-daling tumakbo palayo.

"Huy. Akala ko ba kaaway ng isa, kaaway ng lahat? Aba parang lumambot ka yata for a second don Mr. Ingay nyo?" Tanong sa akin ni Sean at saka nya ako inikot paharap sa kanya.

"Oo nga pri. Wag mong sabihing.." sambit naman nitong bubwit at saka mukhang alalang alala pa.

"Ano?" Tanong ko sabay kunot ng noo at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. Pero di sila natinang at patuloy na tumitig sa akin na para bang huhugutin na yung kaluluwa ko sa katawang-tao ko.

"Hoy pota ano nga!?" Ngayon lang yata ako naging uncomfortable sa silence.










"Pot--"

"BAKLA KA!?" Tangina. Anong nasa isip ng mga gagong 'to?


"Alam nyo? Eto kayo." Sagot ko sabay taas ng dalawa kong gitnang daliri sa dalawang gagong 'to.

Tinalikuran ko ang dalawa at tsaka pumunta sa mesang kawayan na nasa gitnang puno sa tatlong punong nandito. Nandito kasi ang mga gamit namin. Kinuha ko ang bag ko saka lumingon sa kanila.

"Mga gago, tinutunganga nyo dyan? Alas kwatro na pasado uy." Paggising ko sa diwa ng dalawang unggoy at dinutdot ang relo ko sa kaliwang kamay.

"Oh. Oo nga pala. Ang 'Be home before 5' ni dakilang Corol. Arat funduck." Sabi si Sean-daldal. Sabay hinila na nya si bubwit na nakanguso na ngayon dahil sa itinawag sa kanya ni Sean-dal. Cute sana, gago lang.

"Hilahin ko nguso mo dyan eh. Bilisin nyo nga." Pagpapabilis ko sa kanila. Kakukupad.

"Heh!" Pagsinghal naman ni bubwit.

---

"Pri, ayan na pala sundo ko. A dios!" Pagpapaalam ni Xcill-iit. At ayun. Akala mo penguin na nagwawaddle, laki laki pa ng pwet. Mukha syang ewan putek.

"Tangina mo, ingat chong, baka lalong lumiit yan si bubwit." Paalala namin ni Sean sa driver nila bubwit.

Ngumiti lang ito sa amin saka sumaludo, samantalang si bubwit naman ayan. Nakanguso na naman pota.

Sumaludo din kami at tsaka tinapik ni Sean ang kotse kaya umalis na sila.

"Antagal ni Manong amp. Magaalas singko na oh." Inis kong sambit at tsaka ginulo gulo pa ang buhok ko.

"Darating din yan ano ka ba, alam naman nun yang 'Be home before 5' mo eh. Kaya chill. Judge ka muna." Tsaka nag-abot pa nga talaga sa akin ng judge 'tong tukmol na to. Taeres boy scout.

"Gagu to. Amin na nga yan." Sabi ko naman sa kanya.

At sakto, dumating si manong. Binaba nya agad ang bintana sa shotgun seat para makita kami.

"Pasensya na Gray ha, traffic eh." Paghingi ng tawad ni Manong sa akin.

"Ayos lang po. Basta wag lalagpas ng 6 nandun na ako sa bahay. Kaya tara na po." Sabi ko naman at tsaka sumakay na sa shotgun seat. Btw, di ako sumasakay sa likod.

"Sige Sean-dal. Una na kami." Paalam ko kay Sean at tsaka sumaludo sa kanya at itinaas na ang bintana.

Pero bago tuluyang maitaas ito, nasulyapan ko na naman yung lalaki. Yung lalaki sa panaginip ko.

"Ingat 'nong!" Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang sigaw ni Sean.

---

"Hulaan ko, ganun pa din gawain nyo ano?" Tanong bigla ni Manong sa akin.

"Manong, alam mo naman diba. Mula ng mawala si mama, nawala na din passion ko sa pag-aaral. Para bang, si mama, nakalink sa pag-aaral ko. Sya naging una kong teacher. Sya ang nagturo ng kung anong alam ko ngayon. Kaya nung nawala sya, wala na. Ayoko na. Tsaka, manong naman, naipapasa ko naman lahat ng kailangan kong ipasa. Nakakasagot naman ako sa test. Anong problema? Ayos na yun." Mahaba kong litanya sa kanya.

"Hayy nako Gray. Naiintindihan naman kita e. Ang akin lang, given yung sitwasyon nyo ngayon, better na mag-aral ka para sa future nyo ng daddy mo at ni Ash. Sa'yo din naman yan eh. Ang hirap ng walang natapos at napag-aralan. Tingnan mo ako, hirap na hirap ngayon. Ayoko lang na magaya ka pa sa akin." Payo naman ni manong.

"Hayy. Manong. Bahala na. Haha." Sabi ko na lang at humarap na uli sa daan.

---

Enjoying it? Yiiii. Nasa simula pa lang, wala pa tayo sa kalahati. Hold on hold on. HAHA.

Vote and comment pleaseu ♡

UNO por UNOWhere stories live. Discover now