Capitulo Tres

2 0 0
                                    

Gray’s POV

“I’m home! Dad? Ash? Where are you two?” sigaw ko nang makapasok sa sala ng bahay habang tinatanggal ang butones ng polo ko.

“Daddy! Kuya’s here na! Halika na!” narinig ko namang sigaw ng kapatid ko gamit ang all time cute nyang boses.

Binaba ko ang bag ko sa sofa at ang polong kakatanggal ko lang at sinalubong ng yakap ang kapatid kong all smiles habang inaakay ang Dad.

“Hmm.. how’s your day Ashley ko?Sorry medyo hinapon ang kuya. Natraffic si Manong eh.” Sabi ko sa kanya habang nakahalf kneel ako at yakap yakap sya.

“It’s alright po kuya. My day went like this!” sagot naman nya sa akin at tsaka ipinakita ang likod ng kamay nya na mayroong tatak na very good, ang dami nga eh.

Nilingon ko at nginitian si Dad na sinagot nya naman ng tango na syang nagsilbing hudyat at sabay kaming tatlo na umupo sa sofa. Nagsimula naman si Ashley na magkwento
about her day. It be our routine everyday pag uuwi ako. Kaya ko nagawa ang ‘Be home before 5’ ko na laging pinang-aasar sa akin nung dalawa.

Minsan kasi ang haba ng kwento nya and everything, minsan inabot kami ng past 7. I did this dahil home schooled ang kapatid kong
mayroong congenital heart disease. Hindi na namin pinilit na ipasok sya sa regular na paaralan dahil na rin sa sinabi ng doktor at si Ashley na din mismo.

“Kuya, I’ve been here na lang lagi sa hospital.. nagsasawa na ako dito eh. At tsaka yung money natin narinig kong sabi ng Daddy, paubos na daw dahil sa pabalik-balik ako dito tapos
yung gamot ko pa daw.. kuya, pwede bang sa bahay na lang po ako? Wala din naman akong friends sa school eh. Lagi nila akong inaaway dahil lampa daw po ako at mahina. Kuya sa bahay na lang ako kasama si Daddy.” Yan ang sabi nya sa akin one time noong 8 years old siya at nasa hospital kami dahil inatake na naman sya.

Hindi ko alam kung bakit napakatalino ng batang ito, well, mana mana lang naman siguro. Si Dad, nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Business Ad noong college sya. While si Mom, Magna Cum Laude din naman sa kursong Technical Engineering. Ako? Well, tamad ako, oo but it’s because I have my reasons. And still, I think I’m doing good on it.

“Tapos, tinanong ako ni Teacher Anna kung ano daw yung sagot dun sa problem, pinakita ko naman sa kanya yung papel ko na may laman nung solving ko. Ayun, correct daw. Hehe. Ang galing galing ko na kuya, parang ikaw!” pagpapatuloy naman nya sa kwento nya at nilakihan ko lang ang mata ko na parang gulat na gulat at tsaka pinisil ang pisngi nyang apakachubby.

“Taposh binyigyan nya ako ulit ng ishtar. Taposh kumain kami ni Daddy ng pisha. Ansharap. Meron ka don sa rep kuya.” Tuloy nya pa din kahit na nakapisil pa din ako sa kanyang
dalawang pisngi. Apakacute.

Binitawan ko ang pagkakapisil ko sa kanya at tsaka pinupog sya ng halik. Tawa naman sya ng tawa dahil nakikiliti.

“Tapos na po ba ang story telling ha mahal kong abo?” tanong ko sa kanya at tsaka naman sya tumango. Ginulo ko na lang ang buhok nya at tsaka tumayo.

“Dad, how’s your condition? Did you took your medicines?” baling ko kay Dad na nilalaro din si Ash.

Napalingon naman sya sa akin at ngumiti. “Well, I think it’s getting better kahit paunti-unti lang. Magaling din itong nurse ko magpaalala ng time ng pag-inom ko ng meds ko, pati ng kanya. Magaling na bumasa ng orasan eh.” Sagot nya sa akin at nginitian ko naman silang
dalawa.

Kinuha ko na ang bag at polo ko sa sofa at nagpaalam. “Punta muna po ako sa taas, shower lang ako tapos pagbaba ko I’ll cook for dinner na din po.” Tumango naman si Dad at
umakyat na ako.

---

“Dinner’s ready! Come here na!” sigaw ko sa kanilang dalawa sa sala. Ngunit nakailang tawag ako ay hindi sila sumasagot kaya nagsimula akong puntahan sila doon.

Di pa man ako nakakalapit sa kanila ay narinig ko ang isang sigaw. Boses iyon ng Dad. Napatakbo ako ng wala sa oras at nakita ko si Dad na kalong si Ashley na nahihirapan na naman
huminga. Dinaluhan ko ang Dad at tsaka dali daling pumunta sa intercom ng bahay at tinawag si Manong at si Manang.

“Manong andyan po ba kayo? Manang? Inaatake po si Ashley, pakihanda po ang kotse at ipunta po natin sya agad sa hospital, Manang, pakipack na lang po ang niluto ko at
pababalikan ko na lang po mamaya.” Nagmamadali kong sabi sa kanila.

“Sige anak, andoon na si Felipe. Papunta na din ako dyan.” Rinig kng sagot ni Manang Ester sa kabilang linya habang buhat ko na ang emergency bag namin at kinuha ko na si Ashley kay Dad na mabilis na ding tumayo gamit ang saklay nya at sumunod na sa akin.

“Ano na namang nangyari sa batang ito jusko.” Usal ni Manong habang tinutulungan kami ni Dad na isakay si Ashley at ang mga gamit. Nang maipwesto na ang lahat, pumunta na kami sa hospital ni Ashley.

---

Ilang beses nang nangyari ito pero kahit anong sabihin ko, hindi ko maiwasan na maging kabado ng sobra tuwing andito kami ni Dad sa waiting area ng hospital, at syempre ganoon din sya. Di nagtagal, nakita naming bumukas ang pinto ng emergency room at bumungad sa amin ang doktor ni Ashley.

“Oh, andyan po pala kayo Mr. Guevarra. Stable na po ang lagay ni Ashley. Nasobrahan lang po sya ng intake ng oxygen kaya nahirapan magfunction ang heart at lungs nya. Pwede nyo na po syang puntahan sa loob. And by the way, the usual routine po ng days nya dito sa hospital. Mauuna na po ako. May rounds pa po ako e, take care of her.” Sabi nya at tsaka kami nginitian at umalis na.

Pagpasok pa lang namin ay bumungad sa akin ang Ashley ko na nakaswero na naman at may mga aparato sa katawan na nakakonekta. I really hate seeing her like this, of all things.
Tulog na tulog ang pinakamagandang abo na nakita ko sa buong buhay ko.

---

UNO por UNOWhere stories live. Discover now