Capitulo Uno

0 0 0
                                    

Gray's POV

Ang ingay. Bwisit na classroom 'to. Di ako makatulog ng maayos. Maigi pa yatang lumabas ako kanina.

"Hoy pre, antok na antok ka dyan ah, nanuod ka kagabi no? Naku, wag mo naman sagadin baka mamaya maubusan ka. Haha." Bulong sakin ng manyakis na katabi kong akala mo santo kung tingnan.

"Potaena mo alam mo yon? Tumahimik ka dyan kung ayaw mong isubsob kita ngayon din." Bulong ko naman pabalik sa kanya.

"Ano kasi pre, wag ka na dumukdok dyan, mamaya tawagin ka ni Sir Pilapil oh. Naghahanap ng magrerecite. Pre.." sagot nya naman.

Dali-dali akong nagtaas ng ulo nang marinig kong si sakahan pala ang teacher sa harap. Hindi sa takot ako. Sadyang bwisit ako dyan. Baka anong masabi ko pag tinawag ako.

Pero kung minamalas ka nga naman, dahil bigla akong nagtaas ng ulo, ako ang nasulyapan ng gago.

"Mr. Asunscion and Mr. Guevarra, please answer the questions on the board." Sabi nya sabay turo sa chalkboard.

"Alam mo, putaena mo talaga." Angal ko sa bwisit at ang hinayupak, ngumisi lang.

"Mr. Asunscion? Mr. Guevarra?" Ulit ni sakahan sa apelyido naming dalawa.

"Yes, sir." Ang nasambit ko na lang bago tinatamad na pumunta sa harapan kasunod ng bubwit at sinagot ang tanong.

......

"Wooo~" hiyawan ng mga kaklase ko matapos kong sagutan ng pagkahaba-habang solution ang problem ni sakahan.

Pati ang isang tukmol sa likod at bubwit sa gilid ko ayan. Kala mo nakakita ng multo.

"Good job, Mr. Guevarra. And Mr. Asunscion, you're obviously wrong." Sambit ni sakahan habang nakangiti sa akin at saka naman umiling-iling sa nakangisi na bubwit na =1 lang ang naisulat sa chalkboard.

"Oooh~ epekto ba 'to ng nakabugbog kanina? Aba, inaantok ka't kagigising mo lang non pota tas minani mo lang na isolve sa harap, bwisit ka?" Bungad sa akin ni tukmol.

"Mas bwisit ka wag ka papatalo." Balik ko naman sa kanya.

Nangiti na lang sya sa sinabi ko at binalingan naman ang bubwit.

"Gago, pinapahiya mo tropa natin boy. Ano yung =1 mo? San utak mo bro talampakan?" Pagbibiro nya.

"Tangenuh pri? Nangongopya ka nga lang sa akin sa Physics eh aba." Sagot naman netong bubwit.

"Ah basta nasolve ko yung problem na yun bleh." At binelatan pa nga nya yung isa.

"Ingay nyong dalawa, kung pumupunta na kaya tayo sa canteen ano? Galit na tyan ko." Singit ko naman sa kanila.

"Maygad kala ko sa baba lang nagagalit, tyan din pala pri?" Tanginang manyakis na bubwit to.

Sinamaan ko na lang sya ng tingin at tsaka sinukbit ang bag ko at lumabas na, sumunod naman sila.

---

"Ano sa'yo?" Tanong ng tukmol sa akin.

"The usual." Sagot ko naman. Tumayo na sya dahil sya ang nakaassign na bumili ngayong araw.

Habang naghihintay, napansin kong punong puno ang canteen, palagi naman yata. Ang ingay, naiirita ako.

"Hoy bubwit, pagkabili ni tukmol sunod na lang kayo sa hideout ah, una na ako. Ang ingay." Paalam ko at tumango naman sya habang nakatitig lang sa cellphone nya.

Naglakad na ako palabas ng canteen pero bigla na lang may nakabangga akong tao. To be exact, babae.

"Aray.." rinig kong inda nya.

UNO por UNOWhere stories live. Discover now