Chapter One

61 14 8
                                    

Nagtilian lahat ng istudyante ng marinig ang maingay na sasakyan. Napalingon ako kung san galing iyon. Hindi na ako magugulat ng makita ang apat na lamborghini na dumating papasok ng university.

Nagtutulakan naman ang mga istudyante ng makapark ang apat na sasakyan.

Unang lumabas sa kanyang sasakyan ay si Frankie Usher Casanova . Sya ang namama-ari ng kulay pulang lamborghini. Kilala sya bilang pinaka hottest sa kanilang barkada. Laging maingay as in sobrang ingay. Sya raw ang pinakagwapong nilikha sa lahat. Sya ang pinakasikat na playboy sa buong university.

Hindi naman magpapahuli si Austin David Marquez. Sya naman ang may-ari ng kukay dilaw na lamborghini. Mabait, matalino, masipag, mayaman at gwapo. Sya ang kadalasang linalapitan ng apat tuwing may problema sila. Kilala sya bilang good boy sa kanilang barkada.

Sumunod din agad palabas si Harris Frost Frederickson III. Sya ang may-ari ng kulay blue na lamborghini. Sya ang pinakagwapo sa kanilang lahat ngunit kagaya ng second name nya mamimilog ka sa sobrang cold nya. Wala syang paki sa mga tao at mga nagaganap sa palagid nya o sabihin na natin na wala syang paki sa mundo kasi may sarili syang mundo. Wala syang itinuturing na kaibigan kahit na isa. Basta ang alam nya ay nabubuhay sya.

Huling lumabas si Cross Louchas Zukolski. Sya ang nagmamay-ari ng kulay itim. Favorite color nya is black. Wala syang araw na hindi nakablack. Sya lang naman ang pinakamasungit at mainitin ang ulo. At ang higit na ayaw nya ay ang babae. Hindi naman sa ayaw nya ng babae sadyang ayaw nya lang may nakikitang babaeng nagpapansin sa kanya.

Nagsilapitan naman ang mga babae sabay abot ng mga kanila kanilang regalo para sa mga eto.

"Hi, Frankie para sayo nga pala." Inabot ng nerd na babae kay Frankie ang isang boxs na kulay red. "Ahmm. Sana magustohan mo." Ngumiti sya at sumilay ang kulay pink nyang braces.

Tinignan iyon ni Frankie at ngumiti na tinanggap iyon. "Thank you." Nginitian nya ito kaya naman ay napatili ang babae na patalon talon habang hawak ang kanyang pisngi.

Nagaabot narin lahat ng mga regalo ang mga babae doon kina Austin, Harris, at Cross.

"I said stop giving me those trash!, Why are you all still insistent?". Nagalit si Cross ng magsilapitan ang mga babae sa kanya para bigyan sya ng regalo. "Wala naman saming may birthday ah. Bakit kayo lagi bigay ng bigay samin ng regalo?." Tinitignan nya lahat ng babae dun habang sinasabi iyon.

"Because..." napatingin ang ilan sa babaeng nagsalita "ahm... we love you.. I mean I love you." At ngumiti sya. "Ginagawa ko lang to para maipakita ko sayo na mahal kita Cross." Pag-aamin ng babaeng may kakapalan ang make-up.

"Hell I care about that," inirapan nya ang babae at tinuro ito. "You. Kayong lahat" tinuro nya lahat doon. "Umalis na kayong lahat sa pangin ko dahil kapag di pa kayo umalis." Bumugtong hininga sya "I will kick you all out on this school!" Sumisigaw sya sa inis dahil sa mga babae. At nagsipagtakbohan nalang palayo ang mga babaeng naroon.

Halos araw-araw ganun ang buhay ng apat ba magbabarkada. Normal na sa kanila na pinapalibutan ng mga babae sa tuwing pupunta sila kung saan. Mula nong bata pala sila nagkakasama sila dahil parehong nag-iinvest ang kanilang pamilya sa iisang company. Hanggang nagcollege sila ganun parin ang kanilang buhay.

"Anong oras pa pasok nyo?" Tanong ni Austin habang umiinom ng Milktea nya.

Nasa cafeteria sila kumakain habang nagpapalipas ng kanilang oras.

"Nope. Mamaya pang 12 p.m. pasok namin sa major subject ko." Sagot naman ni Frankie at nagbugtong hininga. "Badtrip nga eh kasi 12 p.m. to 4 p.m. pasok namin. Tsk. Namiss ko tuloy maging highschool student." Nagmamaktol na sabi nya habang tinutusok tusok ng tinidor ang carbonara.

WE MEET AGAIN, LOVEWhere stories live. Discover now