CHAPTER TWO

17 6 0
                                    

KRIZALOUIS SAVANNAH CASANOVA (SAV)

"Hannah?" Bulong kong tawag sa kaibigan kong si Hannah. Binuksan ko ng kunti ang pintuan para makasilip ako sa nangyayari sa loob. Nag-uumpisa na yung klasi ng dumating ako sa room namin.

Walang hiya kasi yung lalaki nayon. Inabuso yung oras ko. Tsk.

Napalingon naman si Hannah sa akin at biglang namilog ang kanyang mata sa pagkagulat.

"Si sir?" Bulong ko ulit na tanong sa kanya.

Nakita ko syang ngumuso sa may gilid ko. Hindi ko makita iyon kasi kunti lang ang bukas ng pintuan. Nangunot naman ang aking noo kasi di ko maintindihan yung kanyang ginagawa.

"Nasan?" Tanong ko sa kanya.

Napahawak sya sa kanyang noo. Bakit? Anong meron.

"Nandito ako. Ms. Casanova." Sabi ng isang matang lalaki galing sa gilid ng pinto. Putek na sa gilid pala ng pinto si sir. Napahawak ako sa mukha ko bilang pagkahiya. "Your late again." Napabugtong hininga sya at napahawak sa noo.

Tumayo na ako at ngumiting nakatingin sa kanya. "Hi sir, Sorry po at nalate po yung maganda nyong student. Hahaha. May nadaanan kasi akong ..."

"I don't need your excuses Ms. Casanova. Go to the guidance office, right now." At isasarado na nya sana ang pinto ng pinigilan ko sya.

"Sir, sorry po sir, promise di ko na uulitin." Nakangiting tinaas ko ang kanang kamay ko. Napabugtong hininga si sir sa sobrang stress dahil sakin.

"Hindi pwedeng ganito ka lagi Ms. Casanova. 2 weeks of class palang eh ganyan na yung mga perfomances mo sa class. You should be responsible with your actions. College kana." Napatango naman ako habang nakapikit habang nakikinig sa sinabi ni sir.

"Okay po sir. Just give me another chance sir." Ngumiti ako sakanya habang sinasabi ang mga yon. Baka maakit si sir.

"How many chance do you want Ms. Casanova?" Inayos nya ang kanyang salamin habang nakatingin sakin.

"It's up to you sir. Hehehe" peke kong tawa.

Napailing nalang sya. At binuksan ng malawak ang pintuan. Lumiwanag naman ang mukha ko dahil dun.

"This will be your last chance ,Ms. Casanova. Ayaw ko na ulit na makitang late ka sa class ko"

"Thank you so much sir." Patalon talon kong sabi.

"Your wasting our time Ms. Casanova." Naiiritang sabi ni sir.

Napahinto ako sa pagtalon at inayos ang sarili ko at umawrang pumasok sa loob ng classroom namin. Napatingin naman ang lahat ng kaklasi ko sa likod. Sa exit kasi ako dumaan.

"Ano ba guys ako lang to. Hello" Napahawak naman ako sa bibig ko. Alam ko maganda ako pero wag namang ganyan. Napakagat ako ng labi at umupo ako sa tabi ni Hannah.

"Late ka naman gurl." Erap ng kaibigan kong bakla sakin na si Axl.

" Ganon talaga yung magaganda. Ano ba kayo." Napatingin ako sa taas habang nilagay sa tenga ang mga buhok kong nakakalat sa mukha ko.

"Ano ba ang nangyari?" Lumapit naman si Hannah samin.

"You know what guys?" Sabay lapit ng mukha nila sakin para marinig ang sinabi ko. Napanabungisngis naman ako. "I met a guy na gwapo pero sobrang sungit nya at alam mo ba..." di ko natuloy ang sinasabi ko ng marinig ang pagtikhim ni sir.

"Anong ginagawa nyo?" Umayos naman kaming tatlo sa pagkakaupo nang malaman na nasa likod pala naming tatlo si sir.

"Wala po sir. Humihingi lang po ako ng wamport kay sir." Nakangiti namang sabi ni Axl sa kanya. Napalingon naman ako sa kanya. Anong wamport sinasabi nya?

WE MEET AGAIN, LOVEWhere stories live. Discover now