CHAPTER THREE

7 3 0
                                    

Sya yung lalaking nakabangga ko sa may hagdanan.

Bigla akong natuod sa kinakatayuan ko. Piling ko hindi ko magalaw ang lahat ng parti ng katawan ko. Nakatuon lamang ang aking mga mata sa lalaking nakabangga ko kanina.

"Kawawa naman ang anak ni Criza." Ani ng dalawang babae nag-uusap sa aking likod.

"Oo nga. Maagang syang nawala."
Tugon naman ng babae kasama nya.

S-sino ba yung sinasabi nilang anak ni Tita Criza? Yung walang emosyon na lalaki o yung lalaking nakabangga ko sa may hagdanan?

Nilingon ko ang dalawang nag-uusap sa likod. Nagulat naman sila sakin nung lumapit ako sa kanila. Kailangan kong malaman kung sino sa kanila.

"Ahm. P-pwe-pwede po bang magta-tanong?" Nauutal kong sabi. Liningon naman nila ang isa't isa bago ulit bumaling sakin.

"Ano yun?" Sagot ng isang babae sakin

"Ahm." Tinapik tapik ko ang aking bibig dahil sa kaba. "S-sino po d-dyang yung anak ni tita C-Criza?" Nauutal kong tanong. Ewan ko kung bakit kinakabahan ako. Hindi maari to.

"Ah si Cross ba?." Tanong nya at nangunot naman ang aking noo pagkarinig ng pamilyar na pangalan. "Sya yung nangungunang bumaba sa kanilang apat. Yung nasa gitna at pinakamatangkad sa kanilang apat." Pagpapaliwanag ng babae sakin. Hindi pwede.

Nangangatug ang aking mga tuhod habang dahan dahan kong tinignan ang apat na lalaking pababa ng hagdan. Napatakip ako ng aking bibig na makumperma kong na sya nga talaga ang anak ni tita Criza na sinasabi nila. Yung lalaking nakabangga ko sa hagdanan.

Pinagsasabihan ko pa naman sya ng kung ano ano kanina. Hindi ko alam na anak pala sya ni tita. At ang masaklap pa ay ginugulo ko pa sya pauwi kanina siguro baka gusto nyang puntahan ang kanyang ina ng mga oras na yun. Hindi ko man lang inalam yung sitwasyon nya. Napakainutil ko.

Tinabunan ko ng aking palad ang aking mukha sa sobrang inis ko sa aking sarili. Nakakahiya yung ginawa ko sa kanya kanina. Sobrang nagui-guilty ako at parang gusto ko tumakbo palabas nang masyon dahil don. Ngunit parang ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"Sav? Kanina ka pa hinahanap namin." Narinig kong sabi ni mommy. Di ko pa rin tinatananggal ang kamay sa mukha ko. Para akong maiiyak sa katangahan ko.

"Umiiyak kaba Sav?" Rinig kong sabi ni ulit ni mommy. Hinawakan nya ang kamay na nakatabon sa aking mukha at tinanggal iyon. Napayuko naman ako. "Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong nya sakin.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. "Ahm-mom u-uuwi na po ako. M-may pasok pa po ako bukas eh." Nauutal kong sabi sabay kagat ng aking labi. Napabugtong-hininga naman si mommy.

"Akala ko napano ka na." At ngumiti sya sakin. "Sige magpapaalam na rin kami kay Tito Loren mo. Sabay na tayong umuwi." At hinila nya ako papalapit sa kinalalagyan nina daddy. Hindi ko inaangat ang aking mukha baka makita ako ng lalaking nakabangga ko. At baka mapahiya ako. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni mommy dahil sa kaba.

"Loren." Tawag ni mommy kay Tito Loren at lumingon naman si tito. "Uuwi na kami ha. Be strong Loren alam namin na kaya mo yan." Binitawan ni mommy ang kamay ko at yinakap si Tito Loren.

Unti-unti kong inangat ang aking mukha at hinanap kong nasan ang kinatatayuan ng lalaking nakabangga ko. Nakita ko syang nakatayo sa harap ng kabaong ni tita. Nandun naman sa likod nya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin din sa kabaong ni tita. Di ko marinig yung pinagsasabi nila kasi may kalayuan ang pwesto namin sa kanila.

"Sav? Let's go?" Aya sakin ni mommy na kasunod na si daddy. Tumango naman ako at sumunod na lumabas sa kanila. Pero bago pa ako lumabas ng pinto napahinto ako at tinanaw sya. Hindi parin mawala ang mga tingin nya sa kabaong ng kanyang ina. Napayuko nalang ako dahil sa sobrang guilty na ginawa ko kaninang hapon sa kanya.

WE MEET AGAIN, LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon