CHAPTER FOUR

2 0 0
                                    

"WAG KAYONG MAINGAY" sita ko kanina Axl at Hannah kanina pa kasi sila tili ng tili simula ng dumating si Cross.

"Ang gwapo nya my goooosh." Impit na tili ni Axl.

"Akala ko ba si Harris gusto mo besh?" Tanong sa kanya ni Hannah.

"Wala kasi dito si sweetheart Harris ko kaya si Papa Cross muna." Kinikilig nyang tawa.

"Guys please, maawa naman kayo sakin oh. Baka makita nya ako. Please." Pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. Kasi sa dami ng nagtitilian sa kanilang dalawa yung pinakamalakas. Ayaw ko makita ako ngayon ng lalaking yan. Di pa ako handa.

"My gossh Savannah, inaano ka ba dyan ah. epal ka girl, alam mo yun?." Inirapan ako ni Axl.

"Kasi ano.." napakagat ako ng aking labi.

"Ano?" Tanong ni Hannah sakin ngunit di sakin yung paningin kundi sa lalaki nayon.

"Sya yung sinasabi ko sa inyo na anak ni Tita yung namatay. Na nakabangga ko kahapon." Napakagat ako ng mariin sa aking labi pagkatapos kong sabihin iyon.

"Ano kaba Sav, I don't care if sya yung nakabangga mo kahapon my gosh." Iniirapan nya ako at bumaling kay Cross. "W-what did you just say?" Napahawak sya sa kanyang bibig at namimilog ang matang napatingin sakin. Napanguso naman ako.

"Sya yung sinasabi ko sa inyo na nakabangga ko kahapon." Nakayuko kong sabi.

"Really? Sav?." Natutuwang tanong ni Hannah sakin at tumango naman ako. "My god." Anong nakakatuwa naman dun?

"Si Cross yan girls, Si Cross!." Pasigaw nyang sabi sakin ni Axl. Tinakpan ko naman ka agad ang bibig nya.

"Ano ka ba baks, hinaan mo nga yung boses mo baka makita nya ako." Tinapik tapik nya naman yung kamay ko na nakatabon sa bibig nya kaya nabitawan ko ito. "Oo nga si Cross sya. Okay? Ayaw kong makita nya ako ngayon kasi alam nyo na di pa ako ready na harapin sya." Malungkot kong sabi.

"Sige, ako nalang magsasabi sa kanya," kinikilig na sabi ni Axl "Pagkakataon ko na to para mapansin ako ni Cross. Pagtapos ipapakilala nya ako kay Sweetheart Harris ko." Kinikilig nyang sabi at tumayo. Pinigilan ko naman sya agad at pinaupo ulit.

"Ano kaba baks? Diba sabi mo sakin don't use other people to fulfill my mistakes? Eh anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

" Sige besh, Ako nalang bahala magsabi tutal si Axl naman may sabi nun diba?." Tumayo si Hannah na ikinabigla ko. Hinila ko naman ang buhok nya pabalik sa kinauupuan namin "Aray Sav. Stop it, ano ba." Angil nya sakin hanggang sa nakaupo kami.

"Isa ka pa. Mag-isip nga kayo mga bakla. May pinagdadaanan yung tao oh. Ako na yung magsasabi sa kanya, okay?" Umirap naman silang dalawa sakin. "Pero di muna ngayon." Nilingon ko yung lalaking nakabangga ko. Nakatalikod sya samin magkakaibigan habang iniintay ang inorder nyang foods. Napabugtong hininga naman akong nilingon ang mga kaibigan ko. "Ayaw ko muna syang kulitin lalong lalo na ngayon may pinagdadaanan pa sya. Ayaw kong makadagdag pa." Malungkot kong sabi.

"Eh kailan mo naman balak humingi ng tawad sa kanya aber?" Mataray na tanong ni Axl sakin.

"Maybe after libing ni tita." Mahinahon kong sabi habang iniinom ang juice.

Hindi naman ako sinagot ni Axl at nakita kong napabugtong-hininga nalang sya.

"Guys!" Napalingon kaming dalawa ni Axl kay Hannah na taratang tarata nakatingin sa relo nya. "Malilate na tayo sa next sub natin." Tumayo na sya at inayos ang mga gamit nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WE MEET AGAIN, LOVEWhere stories live. Discover now