CHAPTER 3

130 41 1
                                    

Eren

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay kaagad akong napalingon sa bintana at nakitang mataas na rin ang sikat ng araw. Bumangon ako sa aking kama at tumingin sa orasan, alas-sais na pala. 


Dumiretso ako sa loob ng banyo upang maghilamos at mag unat-unat. Bahagya kong itinapat ang kaliwa kong hintuturo sa ilalim ng gripo upang malaman kung masyado bang malamig ang tubig na nagmumula rito. Nang maramdaman kong sakto na ang temperatura ay naghilamos na ako. 


Maya-maya pa ay bigla ko na lamang naalala ang nangyari kagabi. Siguro nga panaginip lang lahat 'yon. Sapagkat napaka-imposible naman na may kumatok, diba? 


Pagkatapos kong maghilamos ay pinunasan ko na ng puting tuwalya ang aking mukha at tuluyan nang dumiretso sa baba habang pahikab-hikab pa.


"Renerie," tawag sa akin ni mom habang umiinom ako ng tubig. "Yes, mom?" I answered.


"Did you eat the liver last night?" napahinto ako sa sinabi ni Mom at napa-isip. I don't have a memory of me eating it at midnight.


"Of course, not. " napahinto ako upang uminom pa ng tubig. "Why would I even eat liver?" tugon ko at inubos na ang natitira pang tubig.


"Kung gayon, bakit wala na itong laman?" napakunot ng kilay si Mom at ipinakita sa akin ang pinaglagyan ng atay. "What I mean is yung plastic nito ay nakita ko na lamang na nakakalat sa sahig pagkababa ngayong umaga." dagdag pa niya. What the fudge! So it's all real na may nangyari nga kagabi.


"Maybe there's some cat or rat na nanloob sa ref natin." palusot ko. Halangan namang sabihin kong may na-meet akong misteryosong nilalang kagabi. Hindi naman siguro siya maniniwala kung kaya't minabuti na lamang na hindi ko na lamang sinabi.


"Mukha bang abot ng pusa at daga 'yang ref?" kitang-kita ko sa mukha ni Mom ngayon na parang pati siya ay hindi makapaniwala.


"Malay mo, Mom. Nilabas mo pala ito pero nakalimutan mo namang ibalik sa ref." pagpapaliwanag ko pa.


"Nevermind," napahinto siya at inilapag na lamang ang ulam na kaniyang iniluto sa ibabaw ng lamesa. "Dalian mo nalang kumain." wala na akong nagawa pa at kumain na lamang. 


Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na muli ako sa taas upang maligo at magbihis. Pagkaraan ng ilang minutong pagligo ay lumabas na ako sa banyo na nakabihis na at kinuha na lamang ang eyeglasses ko na nasa tabi ng aking higaan at kaagad itong isinuot.


"Much better" mahina kong bulong nang bigla na lamang may kumalabog sa ilalim ng aking kama. Lumapit ako rito at yumuko.

In the Arms of the Cursed VampireWhere stories live. Discover now