CHAPTER 4

66 25 0
                                    

Palabas na ako ng classroom namin ngayon since it's lunch time. As usual, I prefer to eat alone. Tumungo ako sa cafeteria ng school at luminya para bumili ng pagkain.


"Isa nga pong burger with apple juice, less ice." tugon ko sa cashier lady. "That would be 129 pesos." sambit nito kaya kinapa ko ang pitaka ko na nasa aking bulsa upang makapagbayad.


NOT AGAIN.


Nakalimutan ko nanaman sa room. Palingon-lingon ako sa cashier lady habang ngumingiti-ngiti. "Uh--ano, pakitabi nalang po, I'll be back in a-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may kamay akong nakita na nag-aabot sa cashier lady ng eksaktong 129 pesos.


Pagkalingon ko rito, ay isang pamilyar na lalaki ang aking naaninag. 


"Rimson?" sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Siya pala ang kasunod ko sa pila.


"Hi, Eren." kinuha ng cashier lady ang perang iniabot niya. Pinigilan ko pa nga siya at sinabing babalik nalang ako para kunin ang pitaka ko pero mapilit siya.


"Wala pa akong ibang kaibigan maliban sa 'yo, is it okay with you if we eat our lunch together?" tugon niya habang hawak-hawak ko na ang tray ng pagkain na ini-order ko.


"...okay?" nag-order na rin siya ng pagkain niya bago kami umupo sa isang empty table and seat sa bandang gitna. Medyo maingay rito sa loob ng cafeteria ngayon, lalo na't nandito rin ang iba pang grade levels. 


Sinimulan ko nang kainin ang burger na ini-order ko kanina habang tumitingin-tingin kay Rimson.


Napatigil ako sa pagkain nang bigla rin siyang tumingin sa gawi ko, dahilan para mapainom ako ng kaunting tubig. Sumulyap pa ako sa kaniya at mahina itong tumatawa.


"Hindi kita tinitingnan.." pagtatanggi ko.


"Wala naman akong sinabi na tinitingnan mo ako ah" hindi ko na siya pinatapos na magsalita.


"Then, why are you laughing?" I asked.


"Wala lang" parang kanina lang tumatawa siya, ngayon seryoso na.


"Pwede ba 'yon?" tanong ko. Uminom ito ng tubig at napatawa ulit nang mahina, sana ayos lang siya.


"You're kinda funny, Renerie." Mukha ba akong nagbibiro? Parang hindi naman.

In the Arms of the Cursed VampireWhere stories live. Discover now