Promises are there to make us feel better, that's all.Walking in the midst of green trees made me feel at ease. I have never thought that those green trees and fresh air here in Province of Nueva Ecija can also be my therapy.
I will always love the comfort of city lights but it can never be compared to the fresh soothing air of this Province.
Pagkapasok ko ng room sinalubong ako ni Collene isa sa mga naging kaibigan ko rito sa bagong University na pinapasukan ko.
"Wala pa si Engr. Quivas, usually naman pumapasok 'yon 5 minutes bago mag start ang klase." Ani Collenne, nagkibit balikat siya at pumunta na sa labas para itapon ang pinagkainan niya. Sa halos isang linggong pagkakakilala ko sakanila halos alam ko na ang usual routine nila kapag nasa loob ng room o nasa labas at nag aaya kumain.
"Sana nga wala siya," pag sang ayon naman ni Aubree isa sa mga naging kaibigan ko na kaugali ni Savannah.
Naabutan ko namang nagkukwentuhan si Anjeilla at Maevve. Nginitian naman nila akong dalawa noong lumingon ako sakanila.
Hindi pa ganoon katagal ang samahan naming lima pero alam ko na totoo sila sa'kin. That is all I need few but real one.
Mahirap ang unang apat na araw ko rito ngunit dahil sakanila naging madali ito sa mga sumunod na araw.
I've been crying since day one, naabutan ako minsan ni Aubree na umiiyak. She didn't asked me anything, nandoon lang siya sa tabi ko habang umiiyak ako. The least thing I want is someone who is nosy.
Tahimik ako at ilap sa lahat noong unang araw ng paglipat ko rito. Wala rin akong ibang ginawa kung hindi umiyak sa bawat gabing nag iisa ako sa kwarto.
I didn't lost a communication with Savannah, halos araw araw niya akong tinatawagan. Siya ang kasama ko noong una at pangalawang gabing umiiyak ako. Alam niya lahat kaya naintindihan niya rin noong nagpasya akong lumipat at manirahan dito.
"Tingin ko hindi naman mahirap ang quiz sa integral kanina, baka hindi ka lang nag aral ng maayos kaya ka umiiyak ngayon." Nasa student center ako ngayon kanina pa uwian pero nagpasya akong dumito na lang muna dahil walang tao kaso nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko.
Dahil sa sinabi niya mas naiyak lang ako, not because of our quiz today but because he reminds me of someone.
"Ako na ang aalis at mas mabuti kung umuwi ka na rin kasi dumidilim na." His usual cold baritone voice echoed. Nakita ko namang nilapag niya ang panyo sa mesa, kinuha ko iyon at nagpatuloy na umiyak.
I've never felt this terrifying pain before. It felt like end of the world to me, everything hurts me. I always crave for freedom, now I have it. I never thought that it'll be this lonely.
Halos buong taon na pananatili ko rito ay wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak pero sa ngayon dahil na sa mahihirap na subjects. Slow progress is still a progress, the pain of the truth that revealed, left a scar. Nandito parin lahat ng sakit, ngunit pinili kong sumaya, pinilit kong sumaya. I am still in the process of healing, and I am proud of that.
I will probably get lost in the middle of my pain without my friends.
Matagal din bago ko naibahagi ang pahina ng buhay kong matagal ko nang isinara. My first try lead me to my loud painful sobs, umiyak muna ako sa harap nila bago ko tuluyang naibahagi ang lahat. Hindi nila ako pinilit pero gusto kong sabihin sakanila gusto kong mabawasan ang bigat na dinadala ko.
I am so grateful for having them, Collene who never forget to remind me to pray. Anjeilla who never get tired of listening. Maevve who is always there to accompany me when I feel lonely and Aubree the one who always remind me to fight, to make my life worth living.
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
General FictionHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.