"Wranz!""Kuya may tatawag po sa'yo" nauutal na sambit ng kapatid ko. May autism siya kaya nauutal parin siya kahit 13 years old na siya.
May mga oras na hinihiling ko na sana ako na lang 'yong namatay hindi na si Mama. Mahirap makipagsapalaran dito sa mundong ibabaw. Araw araw gusto kong sukuan ang lahat pero tuwing numingiti sa'kin ang kapatid ko nagiging okay ako.
Lumabas naman ako at nakitang si Kuya Ayke 'yon. Ang kapatid ni Mama na tumulong sa'min mula noong nawala siya.
"Wala ka bang gagawin mamaya? May kailangan kasi akong lakarin mamaya, walang mag da-drive kay Miss Agustin at may pupuntahan siyang party, pwede ka ba mamaya?"
Agad naman akong sumang ayon. Iiwan ko na lang ulit si Wreign kay Ate Mirra gaya ng dati kong ginagawa kapag may raket. Asawa ni Kuya Ayke, sobrang bait din no'n.
Pamilyar na sa'kin ang mga Agustin, sakanila kasi nagtatrabaho si Kuya Ayke ng ilang taon.
Naka white t-shirt at maong pants ako. Nakakuha na ako ng driver's license noong nakaraang buwan ako rin minsan ang nagpapasada ng taxi ni Kuya Ayke.
"Papuntahin mo siya rito," sabi ni Miss Agustin saka binaba ang phone niya.
"You can roam around if you want, tatawagan na lang kita," sabi niya sa'kin. Binigay din sa'kin ni Kuya Ayke ang numero ni Miss Agustin. Tumango naman ako. Wala naman akong plano lumabas at makihalubilo sa mayayaman.
Lalabas na sana ako para pagbuksan siya kaso lumabas na siya
"What? I'm sorry I don't really like you as a girl so please—" narinig ko ang boses ng lalaki mula sa labas, dahil hindi pa sinasara ni Miss Agustin ang pintuan ng sasakyan.
"Your sister's here right? I want to—" naputol agad ang litanya ni Miss Agustin dahil sa galit na sigaw ng lalaki.
"No! What do you want?!" Hindi ko na narinig ang mga sumusunod dahil sinara na si Miss Agustin at umalis na sila
Hindi ko na inisip ang narinig na usapan at sa huli nangpasyang lumabas na lang.
Hindi na ako masyadong lumayo at nagliwaliw na lang sa malapit.
Buti na lang dala ko ang lumang camera na bigay ni Kuya Ayke.
Dinala ko kasi baka may makita akong magandang larawan na pwede kunan ng litrato at maibenta.
Napadpad ako sa isang mini play ground.
Tinitignan ko ang mga bituin nang aksidente kong mapindot ang camera naka flash pa, nagulat ako dahil may nakita akong babae na di kalayuan sa'kin.
Pinagkamalan pa niya akong stalker.
Gaya ng mga bituin kumikinang din siya. Mukha siyang inosente, para siyang paro paro na masarap titigan.
Totoong nakuha niya ang atensyon ko..
Kinabukasan balak ko maghanap ulit ng ibang raket kasi malapit na ang pasukan.
"Wranz ito na 'yong mga hinihingi mo sa'kin na impormasyon" bungad sa'kin ng kaibigan kong si Cleeve. May ari sila ng computer shop dito sa'min kaya sakanya ako lumapit.
Binuksan ko ang laman at tinignan ang litrato
Nanlumo ako sa nakita ko. Sa dinami rami ng tao sa mundo, bakit siya pa? Masyado ata akong nahibang kagabi, oo nga pala't ang pinuntahan namin kagabi ay teritoryo ng mga mayayamang tao..
Pero bakit siya pa?
Ang kauna-unahang babae na nakakuha ng atensyon ko... ay isang Villezca.
Ang anak ng Doktor na 'yon. Ang dahilan kung bakit hindi naisalba si Mama.
Kaya naman labis ang gulat ko nang makitang kaklase ko pala siya.
Iyon ang pinaka unang araw na nakita ko siyang umiyak.
Dahil ba sa quiz namin? Tama lang naman ang mga sinabi ko, dapat masanay siya sa gano'n bawal ang mahina sa kolehiyo.
Nasaktan siya sa mga sinabi ko? 'yon ang katotohanan.
Gusto ko siyang puntahan... pero pinilit kong isaksak sa isipan ko na hindi pwede, siya ang dahilan kung bakit namatay ang mama ko. Hindi pwede..
Ako na siguro ang pinaka tangang tao sa oras na 'to.
Hindi ko namalayan na palapit na ako sakanya
Gusto kong bawiin lahat ng masasakit na nasabi ko, gusto kong pagaanin ang loob niya..
Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong lalaki sa likod niya..Kilala ko siya, sining hindi? Siya ang lead vocalist sa sikat na bandang sixteen by five.
Ngunit nagulat ako nang makita na tumalikod siya at tumakbo paalis.
Nagising ako sa reyalidad..
We aren't bound for each other.
Umalis ako, hindi ko dapat 'to maramdaman. Bakit parang gusto ko siyang alagaan? Gusto kong punasan ang mga luha niya na walang tigil sa pagpatak, ngunit mas magugustuhan ko sana na hindi siya umiiyak.
Nasasaktan ako... Bakit?
Unti-unting nawawala ang isip ko sa paghihiganti.. hindi pwede.
Tumungo ako sa restaurant kung saan ako namamasukan bilang waiter, night shift ito.
Kailangan kong magtrabaho para sa'min ng kapatid ko. Ipapagamot ko pa siya, hindi dapat mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay.
"Oh Wranz, andito ka na pala! Buti naman at may pupuntahan pa ako," ani Ate Mavy. Sa ilang araw na kasama ko si Ate Mavy hindi ko maiwasang isipin na may kamukha siyang nakita ko na dati? Hindi ko na maalala pero parang nakita ko na siya dati.
Nagmamadali na siyang umalis, gaya ko marami rin siyang trabaho. Working student din.
Nilapag ko ang order nila akala ko ititigil nila ang pag uusap kasi mukhang masisinsinan 'yon..
"Why can't we just stop? We'll lose her if we tell the truth,"
"I want my daughter back, Gilbert. No one can stop me, even you"
Umalis na ako at napailing sa narinig, nakarinig ata ako ng hindi dapat?
Nanatili ako buong gabi at umuwi ng alas tres ng madaling araw, lulutuan ko pa ng pagkain ang kapatid ko. Paborito pa naman no'n ang luto ko!
Wala akong tulog at maaga pang pumasok sa paaralan.
"Your mere existence. You. Just you. I hate everything about you. Seeing you in front of me is sickening," Napalunok ako nang sabihin ko 'yon.
Hindi ako madalas mag english, kasi pakiramdam ko hindi bagay sa'kin.
Ang galing ko doon... pero pakiramdam ko ang tanga tanga ko parin.
Sinaktan ko na naman siya, nakumpirma ko na gusto ko nga siya noong araw na 'yon.
Sana pala hindi na lang ako lumabas noong araw na 'yon. Sana nanatili na lang ako sa kotse.
Eh 'di sana walang problema.
Nahuhulog na ako.
Nahulog na ako.
Ma, patawad. Pwede ko ba siyang mahalin?
Bumalik ang galit ko nang sumama siya sa bokalistang 'yon.
Noong araw na 'yon sinabi ko sa sarili ko na hindi talaga, na dapat tigilan ko na ang kahibangang ito. Mali 'to.
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
General FictionHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.