26

5 0 0
                                    


In my whole stay in Province of Nueva Ecija the thought of coming back to where I belong never left me. How am I going to face everyone after leaving without saying goodbye. I consider myself young and is not capable enough to handle what I have found out that day.

"Of course I will come back here, Nanay." I hugged Nanay Geia.

I never really plan on staying here for good, nagtrabaho lamang ako rito para maging handa kapag babalik na ako. I left my life there in Manila, I need to come back now and face what I left years ago.

"Oo, isama mo rin ang pamilya mo kapag balik mo rito, pati na rin sana ang mapapangasawa mo." Biro pa ni Nanay

"Hindi ako sure sa huling request mo, Nay." Nagtawanan naman kami

"Kung bakit ba kasi ayaw mo rito kay Cleme e,"

"Oo nga po Nay, ayaw po sa pogi e." Pang gagatong pa ni Cleme

"You have my blessing already, sabihin mo lang anak at mabuting tao naman itong si Cleme." Nanay Eia giggled

"Mabuting aso." I murmured

"What?" The good dog asked

"Sabi ko miss ko na si Treasure." Nabanggit ko rin sakanya si Tres na pansamantala kong iniwan kay Sav. Sinabi ni Sav na dadalawin niya ako ngunit hindi naman nakapunta ni minsan, sabi niya ay busy siya masyado at ngayon naman naghahanda para sa NMAT niya.

"O siya sige tumulak na kayo at para hindi maabutan ng traffic," I hugged Nanay one more time bago tuluyang umalis

"Tulog ka muna, gisingin na lang kita" nagkibit balikat ako at tumingin sa bintana

"Gusto mo ba mag unli wings muna?"

"Alam mo bang konti na lang lilipad na ako sa kaka-unli wings?" Umirap lang ako saka tumingin na lang ulit sa bintana. Pinili naming pareho na umaga magbyahe ewan ko ba kung bakit.

"Are you okay? Ready to face everyone?" I nodded

"I can't run or hide from it forever, I don't have a choice but to face it."

Looking back that night made my heart throb. The day after the incident in the hospital, I went to his place. Buong gabi inisip ko kung ano ang gagawin, kung paano ko haharapin si Wranz.

Nagdesisyon ako na puntahan siya sakanila, I can't lose him, I will say sorry. Hindi ko alam na gano'n, kaya siguro ayaw niyang ipakilala ko siya sa parents ko? All along he knew but he didn't tell me. How am I supposed to do something if in the very first place he really didn't want to tell me?

Wala akong ibang naisip kung hindi ang puntahan siya at humingi ng tawad. Gusto kong lumaban, I want to save us, our relationship. He told me to fight no matter how hard, ang mga salitang binitawan niya ang nag udyok sa'kin na lumaban.

Pagkarating ko sa bahay nila nakita ko itong medyo bukas, tinulak ko iyon ng kaunti. At first I heard him crying, ang sakit marinig. Noong nakita ko na ng buo dahil sa unti unting pag bukas ng pinto ay nanlumo ako ng husto. I only saw his back, kaharap ko si Ela, magkayakap sila.

"Ang hirap...ang hirap mahalin at abutin ni Jaione." Ela saw me, I ran away. Sinabi ko na lamang kay Manong na ipunta ako sa condo ni Sav.

Hindi ko na sinabi kay Sav, dahil puro na lang iyak ang ginawa ko sa loob ng sasakyan nag aalala na rin si Manong pero hindi ko na pinansin. I am too drown. It hurts.

I saw him, hugging Ela instead of me. It hurts me to see him cry and crumble like that. But what hurts me more is the fact that he can tell me and open up to me, I should be the one he is hugging right now. We should be talking on how to fix things between us, but he choose not to.

Embracing the UncertaintiesWhere stories live. Discover now