Kapitulo Uno

37 3 3
                                    

Araw

Hinubad ko agad ang suot na stilettos pagkaakyat sa hagdan nang makarating sa bahay ni Lola Romana. Inabot ako ng kulang limang oras ang byahe dahil sa matinding traffic mula Maynila patungo dito sa probinsya. Mabuti na lamang at madaling ipagtanong itong bahay.

I think I should have a good start in here. No pollutions. No stress. No issue. Ang tanging poproblemahin ko lang ngayon ay kung paano ko ipapaliwanag kay Lola na dito na ako titira at ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Inikot ko ang paningin sa malaking bahay na bato ni Lola Romana. Its been a decade o higit pa bago ako muling makatungtong ulit dito. Hindi ko na alam kung may pinagbago.

Hindi ko na matandaan. Wala akong maalala.

Lumapit ako sa isang ventanilla na may disenyo na capiz shell at binuksan ito. Mabilis na pumasok ang malakas na hangin at tinangay ang puting kurtina na nakasabit dito.

Sa gitna nitong dalawang ventanillas ay nakasabit ang malaking painting na may bukid at mga magsasaka. I smiled. I really admire this simplicity. Kung alam ko lang na mas magandang manirahan dito sa probinsya ay dati ko pang kinumbinsi sila Daddy na dito tumira.

I thought the city lights, late night stroll and mall hopping are ideal. But having a fresh air, quiet place and simple living is much better.

"Andito ka na pala Luna..." nilingon ko ang nagsalita na nasa late 30s. Sa itsura pa lang ay matutukoy ko nang siya si Tita Barbara. Suot niya ang puting apron at may hawak na sandok. Napalunok ako sa suot niyang pulang vintage '50s swing dress at itim na stilettos.

I really appreciate that style!

"Tita...Gusto ko po sanang-" itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay na ipinapahiwatig na tumigil akong magsalita.

Mommy always telling stories about her siblings. Lalo na kay Tita Barbara. She's the youngest. Ang prinsesa ng Delgado. The woman who makes the boys fall for her just in one glance in town when they were teens.

She's more like a strict living Paraluman with a raven wavy long hair for me! I can even sense her high class by standing in front of her.

"Tanghali na. Kakain na tayo." aniya at tinalikuran ako. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang iniisip na parang inaasahan nilang darating ako.

Sumunod ako sa kaniya. Nadaanan muna namin ang sala bago makarating ng kusina. Andoon si Lola Romana at nagsasalin ng tubig sa kaniyang baso. Namilog ang kaniyang mata nang nakita ako. Agad niyang hinubad ang suot na salakot at mabilis na lumapit sa akin at sinalubong ako ng yakap.

"Luna! Apo! Dalagang dalaga ka na! Kamukhang kamukha mo si Lorraine! 'Di mapagkakailang Delgado." tuwang tuwa si Lola na kumalas sa yakap at pinisil pisil ang pisngi ko.

"Limang taon ka lang noong napunta ka dito! Tignan mo ngayon at magkasinlaki na kayo ni Barbara! Baka maunahan mo pa siyang mag-asawa." ani Lola at humalakhak. Napakamot na lang ako sa batok. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pag-ismid ni Tita Barbara sa sinabi ni Lola.

"Enough na Ma. Kumain na tayo. Dito ka umupo Lunara." napangiwi ako nang banggitin ni Tita Barbara ang buong Lunara. Luna is much better. Pinapahirapan lang ang buhay natin dahil sa mahahabang pangalan.

Nagsimula kaming kamain. Tuwang tuwa si Lola Romana na magkwento ng buhay nila dito sa probinsya. Malayong malayo sa buhay namin doon sa Maynila.

"Galit na galit si Lorraine noon nakita ba namang basang basa si Barbara sa poso dahil kay aling Loretta! Bago pa man ako makalapit sa kanila e, binuhusan na din ng mama mo si Aling Loretta ng tubig. Nako! Matapobre kasi 'yon. Nakaangat-angat lang ng konti sa buhay yumabang na. Kita mo ngayon at puro apo niya ang trabahante ko sa bukid. Antaas kasi ng lipad." napapailing na sabi ni Lola.

Luna That Shines At NightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt