Kapitulo Dos

27 3 0
                                    

Alapaap

"Ayos 'yan." tumatango tangong ani Diana habang tinitignan ang suot ko. I wore crop tank top na kulay asul at shorts. I am usually wearing this kapag nasa bahay lang naman. Ewan ko at bakit ang big deal sa kanila ng suot ko.

"Ano ba 'yang suot mo? Masyadong expose." kumento ni Carole saka kami tinalikuran. Lumapit naman sa akin si Diana at hinapit ang braso ko.

"Hayaan mo yan si Ate. Naiinggit lang 'yan dahil mas sexy ka at mukha ka nang dalaga kumpara sa amin. Ilang taon ka na ulit? Eighteen?" bulong nito at nagsimula na kaming maglakad papuntang harap ng bahay. Andoon ang tatlong bike.

It is five in the morning at medyo maliwanag na. Madalas ay tanghali na akong nagigising lalo na kapag bakasyon. Mga early birds ata ang mga tao dito. Lalo na si Tita Barbara na alas quatro pa lang ata ay naririnig ko na ang ingay sa sala galing sa phonograph. Pagkita ko ay nagpupunas siya ng mga litrato sa tukador.

"Oo... And kasi mga college students 'yung mga nakakasama ko kaya alam mo na, adapted lang ba." sabi ko at tinitigan ang mga bike. Tumango naman siya na parang na picture out ang paliwanag ko.

"Kita mo, si ate nineteen na tapos wala pang jowa." anito at humagalpak ng tawa. Ngumiti lang ako at tinitigan ang likod ni Carole na nakasakay na sa bike.

"Ito 'yung gamitin mo, Luna. Bike ko 'yan. Ingatan mo 'yan. Aangkas ako kay Herman." ani Diana saka hinampas si Herman sa likod na nakasakay na din sa bisikleta.

"Aangkas ka sa akin e, ang bigat mo!" angal ni Herman at pinaandar bigla ito. Sisigaw sigaw naman si Diana habang hinabol ang papalayong si Herman.

Natawa na lang ako sa naisip ko na bagay silang dalawa kung hindi sila magpinsan.

"Luna..."

Napalingon ako kay Carole na nakatitig sa akin.

"Bakit?" tanong ko habang sumasakay sa bike.

Hindi siya sumagot.

Tinignan ko siyang muli. Nakakunot ang kaniyang noo at nakatingin lamang ng diretso sa daan.

"Ano 'yon Carole?" tanong kong muli.

"Dito ka sa buong bakasyon?"

"Hindi lang bakasyon. Ang plano ko talaga ay dito na din mag-aaral ng Senior High. Hindi ko pa nakakausap si Lola regarding to this pero ang sabi naman ni Mommy ay pwede kayaㅡ"

"Ayoko sa'yo." nabigla ako sa sinabi niya kaya agad akong naputol sa sinasabi ko.

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Imihip ang malakas na hangin at nilipad ang mahaba niyang buhok.

The people who knew me back in Manila always said na magaling akong makipagkaibigan. Mapalalaki or babae. They said na magaling akong makipagsabayan depende sa taong makikilala ko.

Pero madami ding may ayaw sa akin.

Maski ang mga pinsan ko sa father side ay hindi ako gusto. Wala akong ginagawang masama sa kanila pero grabe ang pagkadisgusto sa akin. Kaya, wala din akong ginawang paraan para gustuhin nila ako. I didn't do anything para maging maayos kami. Para maging close kami.

Pero ngayon. I really want to change. Big time.

I smiled.

"Hindi ko alam kung ano 'yung ikinadisgusto mo sa akin... But, I want to prove myself to you Carole. Na hindi ako tulad ng kung ano ang iniisip mo." hinawakan ko ang manibela ng bike.

"I won't please you. Hindi ko hihingiin na gustuhin mo ako agad-agad. Because I am proud to say na magugustuhan mo din ako, soon." dagdag ko at sinimulan nang paandarin ang bisikleta at tinahak ang dinaanan nila Diana.

Luna That Shines At NightWhere stories live. Discover now