Kapitulo Tres

27 2 0
                                    

Alas Onse

Pag ahon ay ramdam ko ang tigtig niya sa aking likod. Umikot ako at tama nga ang aking hinala. Nakatitig siya sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa bewang.

Ginaya ko siya ng tayo at sinibangutan.

Napailing siya habang nangingiti. Kagat labing ginulo na naman ang buhok at nagsimulang humakbang palapit. Nanlaki ang mata ko kaya't mabilis akong sumisid at lumangoy.

Mabilis ang aking pag ahon. Napunta ako sa lalim na hanggang leeg kaya medyo nag struggle ako kung paano makakabalik sa kaninang pwesto.

"Malulunod ka sa ginagawa mo." ani Gio saka hinawakan ang braso ko at dinala ako sa hanggang tiyan ang lalim.

"Abot ko pa naman doon!" giit ko. Medyo may pagkatangkadan siya katulad ni Herman kaya't kailangan niya pang yumuko ng konti upang magpantay ang mga mata namin. Ngumiti siya at lumapit pa. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

Gulat na gulat ako nang tampalin niya ang aking noo.

Hindi ako nakagalaw agad sa gulat dahil sa ginawa niya. Siya naman ay nakahawak pa sa tiyan habang tuwang tuwa na pinagmamasdan ako.

"Ano ba!" sigaw ko at pinaghahampas siya sa braso. Patuloy pa din siya sa pagtawa kaya't tinulak ko siya dahilan ng pagtaob niya.

Marahas niyang pinunasan ang kaniyang mukha nang umahon. Hindi ako nakakibo.

Nawala ang kaniyang ngisi. Umigting ang kaniyang panga at aakmang tatalikod at maglalakad palayo.

"Hey... Look, I am sorry." tinapik ko ang kaniyang braso. Patuloy siyang lumakad patungong malalim at patuloy din ako sa pagsunod. Malaki ang kaniyang mga hakbang at tuloy tuloy.

"Hindi ko naman sinasadyaㅡ" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang bumulalas siya ng tawa. Humarap siya sa akin at tinuro pa ang mukha ko na nakasibangot habang siya ay tumatawa.

Nakakainis tong lalaking to!

"Akala ko naman galit ka! Bwisit ka!" sigaw ko at akmang lalangoy na pabalik ngunit hinapit niya ako sa bewang.

"Hoy!" bulyaw ko at nagpapalag sa kaniya. Patuloy lang siya sa paghila sa akin nang marating namin ang part na hindi na abot ng mga paa ko ang buhangin. Agad akong napakapit sa balikat niya.

"Try mo nga kung abot mo." aniya saka naglaro ang ngisi sa labi. Hinigpitan ko pa ang kapit sa kaniyang braso hanggang sa mapunta ang hawak ko sa kaniya leeg.

"H-Hoy! Papatayin mo ba ko?!" aniya. Tinitigan ko lang siya ng masama. Ako dapat ang nagsasabi niyan! Hindi ko na abot 'tong part na to! masyado nang malayo! Nararamdaman ko na din ang mga isda na dumadaan sa paa ko.

"Teka lang naman!" piglas niya ngunit mas hinigpitan ko pa ang kapit. Pinalupot ko ang aking paa sa kaniyang bewang.

"Ganiyan ba kaagresibo ang mga taga Maynila!" aniya at hinawakan ako sa balakang at itinaas ng bahagya. Dahan dahan siyang lumangoy papunta sa mababaw.

Tinitigan ko siya. Hindi ko mapredict itong ugali niya. Nakakaloko masyado! Napunta ang mga mata ko sa kaniyang kilay na nakakunot at masyadong seryoso. Napairap ako nang nagtaas siya ng kilay at nakangising nakatingin sa akin.

Hindi ko naman namalayan na nakalapit na kami sa pwesto nila Herman.

Agad naman akong kumalas. Hinampas ko muna siya sa braso bago lumapit kay Diana.

"Close agad kayo ni Gio? Wow!" ani Diana saka pinagbabasa ako ng tubig dagat. Napailing agad ako at bumawi sa pag wisik. Tawa kami nang tawa ni Diana.

Luna That Shines At NightМесто, где живут истории. Откройте их для себя