Kapitulo Quatro

32 2 2
                                    

Luna

Pagpasok ng kwarto ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Mariin ito dahilan ng panlalambot ng aking tuhod.

Agad niya akong hinapit sa balakang. Napahawak ako sa kaniyang batok at saka niya ako binuhat. Patuloy kami sa paghalik at hindi bumibitaw. Sabik at nalulunod sa nararamdaman.

Malutong na nagmura si Gio dahilan ng pag ungol ko. Sinandal niya ako sa dingding at pinaulanan ng mga halik sa labi, panga at pababa ng leeg.

"Gio..." I moaned. Ibinaba niya ako ng bahagya at itinaas muli. Ramdam na ramdam ko ang ang kaniya sa gitna ng aking mga hita.

Naglakad siya papuntang kama at inihiniga ako.

Agad siyang sumampa sa akin. He grind his arousal in me dahilan ng pag uga ng kama.

"Luna!" napangiwi ako nang bahagya akong sampalin ni Diana sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Nasapok ko ang aking noo nang maalala ang panaginip.

What the hell?

Ano 'yon Luna? Ano na naman 'yang pantasya mo?

Napakamot ako sa ulo at inalala ang gabing nagpunta si Gio dito, ilang araw na ang nakakaraan. Simula noon ay ilang gabi na siyang laman ng panaginip ko.

"Hoy! Gabing gabi na!" sabi ko at nagpupumiglas sa kaniya. Ngunit patuloy pa rin siya sa paghila sa akin palabas ng daan.

"Saglit lang 'to! Makikita mo sarili mo, promise!" aniya at patuloy akong hinila. Hinigit ko ang braso ko. Di niya naman ako kailangang hilahin!

"Oo na. 'Di mo naman kailangang hila hilahin ako!" sigaw ko. Natawa lang siya saka tumango habang kumakamot sa ulo.

Dumiretso kami sa harap ng kanila bahay at doon ay may bike na may angkasan sa gilid. may nakalagay na basket doon sa upuan ng side car.

"Sakay! Baka makita tayo ni Inang! Dali!" mabilis akong sumakay at kinandong ang basket. Nagmadali siyang nagpapadyak saka lumiko sa katapat na kantong nilikuan namin papuntang dagat.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong saka inilagay sa loob ng basket ang dala dalang libro.

"Basta! Tignan mo diyan sa basket ang flashlight." aniya. Mabilis ko namang nakapa ang flashlight sa basket at inilawan ang daan na tinatahak namin.

I don't know him that much. Kanina ko lang siya nakilala at hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kaniya. Ang bilis kong nagtiwala!

Nilibot ng aking paningin ang daan na tinutungo namin.

Kumpara sa daang papuntang dagat ay mas makitid ang daan na ito. Sakto lang ang lapad ng bike sa daan. Sa kaliwa't kanan din ay puro bukid ang matatanaw.

Madilim ang paligid. Puro lumilipad na gamo-gamo at mga insekto ang makikita sa bawat matapatan ng ilaw galing flashlight.

"Sinasabi ko lang talaga sa'yo Gio! Lagot ka sa akin kapag kung saan mo ako dinala!" banta ko at tinitigan siya ng masama.

Diretso lang ang kaniyang tingin ngunit 'di nakawala sa mata ko ang kaniyang ngiti. Napailing pa siya sa sinabi ko.

Ilang minuto pa ang binyahe namin hanggang sa makarating kami sa mapunong lugar. Huminto siya at bumaba. Hindi ko alam kung sa paligid ba ako matatakot dahil madilim o kay Gio na dinala ako sa liblib na lugar!

"Tara!" aniya at kinuha ang basket sa kamay ko. Ang kanan niyang kamay ay lumandas sa aking likod. Nagsimula kaming maglakad hanggang sa marinig ko ang malakas na agos ng tubig.

Nanlaki ang mata ko sa narinig kaya agad kong sinundan ang ingay ng rumaragasang tubig. Nauna ako kay Gio. Nagtatakbo ako hanggang sa matanaw ko ang ilog at ang mahabang foot bridge papunta sa kabilang lugar.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Luna That Shines At NightWhere stories live. Discover now