Prologue

5.6K 88 0
                                    

"Once upon a time there's a young handsome prince who live on a beautiful castle. Although he has everything he ever wanted, the prince's heart is full of selfishness. "




"The prince loves attention from his beautiful people. He loves balls, dancing and music.  One night, in the middle of the prince's party. An unexpected intruder arrived at the castle hoping that she will found herself a shelter for the bitter storm."



Naputol ang pagkukwento sakin ni Papa nang marinig niya akong humikab. He chuckled at saka banayad niyang ginulo ang aking buhok.





"Anak, kakaumpisa ko palang magkuwento inaantok ka na?" Natatawa niyang sabi.




"Sige na Pa, ituloy mo na yung kwento." Gabi gabi na lang niya akong kinukwentuhan tungkol sa prinsipeng sinumpa ng isang diwata.



Who would never know the great story entitled Beauty and the Beast. Patuloy ako sa paghikab habang nakikinig ako sa kwentong paulit ulit na  kinkwento  ng tatay kong sugarol at lasenggo.




"In return, the intruder offered a single rose. But, looking at the intruder's appearance, the prince accepted it and throws it in face of an old woman and the whole ball room filled with the prince and the guest's laughter. "





Napahinto siyang muli at saka uminom sa boteng gin na hawak nya. Kahit kaylan ang tatay ko hindi na nagbago sugarol at lasenggo parin. Since my mother died naging ganito na sya, gabi gabi lasing at paulit ulit nagkukwento.





"When the princes dismiss the old lady, she said." The beauty is found from within." As she stud, lights are coming out from her cape and reveal a beautiful enchantress."




"The prince tried to ask for forgiveness but it's too late. The enchantress cast the spell and each and everyone in the castle and the prince -"



"She transforms him into a beast."  Bagot na sabay ko sa kanya.




"Bakit mo alam yung kwento?" Manghang tanong ni Papa sa akin. I sighed.




"Pa, gabi gabi nalang ganyan ang kwento mo sa akin." I rolled my eyes secretly. Lasing na nga. Dali dali akong umakyat  sa kwarto at hinayaan ko syang makatulog sa sala.




My mom used to read some princess's stories before and beauty and the beast is my favorite. Kaya kahit noong namatay na si Mama, si Papa na ang nagbabasa sakin ng kwento niyon kahit na lasing na lasing siya.




Nang makapasok ako ng  kwarto ay agad ko itong nilock at dali daling akong tumalon sa bintana. Gawain ko namang tumakas sa gabi para makapag lakad lakad at magpahangin ako sa labas.


Habang naglalakad ako ay hindi ko na napansing nasa harap na pa ako ng convenient store kaya naman kibit balikat na lamang akong tumawid sa highway at dahil likas na may pagka clumsy ako, nadulas ako sa may ginagawang daan at alam kong babagsak ako sa kanal na punong puno ng tubig. But someone immediately grab me. Nabigla ako dahil sa nangyari dahil hindi ko inaasahang may sasalo sa akin. Magpapasalamat na sana ako ngunit mabilis niya akong tinalikuran at naglakad papalayo. 




"Thank you!" Masiglang sigaw ko sa kanya ngunit hindi man lang siya tumigil sa paglalakad maski lingunin ako ay hindi niya rin ginawa. Ngumuso ako at muling humakbang ngunit hindi ko tuluyang maitapak ng maayos ang aking paa dahil may kung anong bagay akong naapakan. Yumuko ako upang tignan kung ano iyon.



"Isang pulang rosas?"

Caged By The Monstrous Beast (Fairy Tale Series #1)Where stories live. Discover now