Chapter 19

1.7K 52 1
                                    

I am smiling from ear to ear while I’m staring at his face. Tulog na tulog parin siya kahit magtatanghaling tapat na. I pulled the sheet more to cover my half naked body.

I can’t stop myself from smiling, remembering we had a great midnight. Pagkatapos kong basahin ang schedule ko ay nauwi kami sa halikan. We make out and we almost did it but luckily he manage to stop himself.

He groaned at unti unti siyang gumalaw. He was hugging me and he put his upper body on my top. Naglapat ang aming walang saplot na dibdib habang isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

“Good morning.” Ngiting bati ko sa kanya habang sinusuklay suklay ko ang kanyang buhok. Hindi siya sumagot at naramdaman ko nalang na lumapat ang kanyang labi sa aking leeg. He was planting a small kisses there when I felt he gently bit it.

“Don’t mark it, idiot.” A small laugh came out of my mouth when I heard him groaned. Inangat niya ang kanyang ulo at nag-pantay ang aming mga mukha. Sobrang gulo ng kanyang buhok at hindi ko mapigilang hindi ito hawiin papunta sa likod.

“How’s your sleep?” He asked.

“It’s fine. Ikaw?” Ngiti kong tugon sa kanya.

“Better.” Muli niyang isinubsub ang kanyang mukha sa aking leeg. Hindi ko napigilang hindi humagikhik nang maramdaman kong gumapang ang kanyang labi sa collarbone ko. Shit! Napakalandi mo na talaga Ellie!



Napapitlag kami ng biglang tumunog ang alarm ng penthouse. Panay rin ang patay sindi ng pulang ilaw.  Habang paulit ulit na nagsasalita si Alpha.


“Warning! Warning! Warning! Unidentified person is approaching.” Paulit ulit na paalala ni Alpha na rinig na rinig sa buong penthouse.


“Shit! Alpha! Tighten the security to level number five!” Nang maiusal niya iyon ay may mga bakal ang unti unting bumababa sa bawat bintana ng buong penthouse. What the hell is happening?! Is he locking our ass here?!

Maliksi siyang tumalon sa kama at agad niyang pinulot ang kanyang puting polo. Isinuot niya ito sa akin at mabilis niya akong hinila papasok sa kanyang walk in closet. Nang makapasok kami roon ay mabilis niyang hinawi ang mga polo niyang nakasabit sa bandang kaliwa namin.

“Unidentified person is getting closer.” Alpha reminded. Hindi na ko muling nagtanong pa sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang nangyayari. Bahagya niyang itinulak ang pader at nagulat nalang ako nang may lumabas roong isang finger print scanner.

Mabilis niyang  inilagay ang kanyang hinlalaking daliri at agad namang bumukas ang pinto. Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Kusa ring nagbukas ang mga ilaw at pati na rin ang naglalakihang mga computers sa loob.


Agad kong iginala ang mga mata ko sa buong kwarto, nakakamangha. My jaw really drops when my eyes landed on the other side of the room. I saw a lot of different high end guns there.


Isang buwan akong nandito sa loob ng penthouse niya pero kahit kaylan ay hindi ko naiisip na may tinatago siyang ganitong kwarto at ganyan mga bagay. Bakit ang pakiramdam ko ay hindi lang siya isang ordinaryong negosyante? Sino ka ba talaga Damon Telemor Thorn?


Hindi ko na namalayan na wala na siya sa aking tabi, nakita ko siyang nakaupo sa harap ng malaking computer at mabilis na siyang tumitipa sa keyboard. Hindi rin naalis ang kanyang mga mata sa harap ng isang screen, kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon ng mga cctv camera.

Lumapit ako sa likod niya at saka pinanuod ko kung anong pinapanuod niya.

“Who are you?” Mahinang tanong niya sa sarili niya. Binabantayan niya ang taong lalabas ngayon sa elevator. Maya maya pa lamang ay tumunog ang elevator at unti unti itong bumukas. Ilang segundo ang nakalipas ay iniluwa niyon ang isang lalaki. Nakasuot ito ng puting tuxedo, makapal ang kanyang buhok pati na rin ang kanyang bigote at balbas.

Caged By The Monstrous Beast (Fairy Tale Series #1)Where stories live. Discover now