Chapter 24

1.5K 46 4
                                    

Wala sa sarili akong nakatitig sa singsing na nasa daliri ko. Hindi ako makapaniwalang engaged ako sa lalaking mahal ko. I am so happy and contented on what I have right now.



"Singsing o ako?" He said out of nowhere and I automatically look at him with full of confusion in my face.



"Sinasabi mo diyan?"



"Tss stop staring at it, I'm jealous." Napahalakhak ko dahil sa sinabi niya, ultimo singsing ay pagseselosan niya. Parang gago lang tsk tsk. Tumayo ako sa pag kakaupo ko at lumapit sa kanya.


"Are you done?" Tumango lang siya sa akin at inakay ako palabas ng penthouse. Magkahawak kamay kaming naglalakad habang ang isang kamay niya ay hila hila ang maletang naglalaman ng mga damit namin.




We have our vacation on Coron Palawan, it was one of Wyatt's famous resort. We will stay there for two weeks and I am hella excited about it. Balak ko sanang mag apply bilang instructor sa pampublikong unibersidad sa kabilang bayan iyon ang plano ko pero hindi ko pa siya nakakausap tungkol dito.



Nang tuluyan kaming makababa sa groundfloor ng gusali ay sinalubong na kami ng limang galunggong kasama si Chantal. Hindi ko alam kung bakit kapag may mga lakad ay dito ang meeting place namin. Pribado rin ang area na ito at hindi kagaya ng parking space ng ibang hotel. Tanging kotse lang na pag aari ni Damon ang nakaparada rito at may space na para naman sa kotse ng limang galunggong.



"Sissy." Bati ko kay Chantal nang magkita kami, agad niya akong niyakap ng mahigpit at ganun rin ang ginawa ko sa kanya.





"Let's go." Anyaya ni Damon at pinagbuksan niya ako ng pinto. Si Chantal naman ay sumabay kay Ross habang ang ibang galunggong ay lulan nanaman ang kanilang mamahaling sasakyan. Kagaya ng dati ay dumeretso kami sa airport, mabuti na lamang at hindi na naulit ang habulang naganap sa amin noon sa pagitan ng hindi ko kilalang mga tao.




Sumakay na kami sa private plane at nang maramdaman ko nanamang unti unti ng umaangat sa ere ang eroplano ay napapikit ako at awtomatikong napakapit ako sa braso niya. Sumimangot ako nang marinig ko ng kanyang munting tawa tss.




Kusa lang rin akong bumitaw nang maramdaman kong stable na ang takbo ng eroplano. Narinig ko silang nagkukwentuhan at nagtatawanan, sa huli at isa na rin akong nakikitawa at nakikiasar sa kanila.




Ang unang punterya palagi ni Wyatt ay si Damon dahil siya raw ang unang lumandi at unang gustong mag-settle down. Napangiti ako dahil sa kadahilanang sa akin lang raw ito nagpakita na gusto niyang ma-settle down, wala na kong mahihiling pa dahil masaya akong kasama ko silang mga kaibigan ko at ang taong mahal ko. I am grateful to have them in my life.



"Sissy what's your regalo to Damon?" Ngiting tanong niya sa akin agad namang nangunot ang noo ko sa tanong niya. Anong regalo naman ang pinagsasabi niya wala namang okasyon para magregalo ako.



"Anong regalo? Hindi ba at tayo dapat ang nireregaluhan dahil tayo yung nakapagtapos?" Tatawa tawa kong tanong sa kanya, bahagya siyang nagulat sa tanong ko at nagtataka rin akong tinignan ng limang galunggong. As if they known something that I don't tss.




"You didn't tell her?" Takang tanong ni Wyatt.



"I told her."


"Then why it seems like she know nothing?"


"Ano ba kasi yun?" Inis kong tanong sa kanila. Nakangiwi silang tumingin sa sakin bago pa ako sagutin ni Ross.



"Today is his birthday Ellie." Napangiwi ako dahil sa narinig ko at unti unti ko siyang nilingon. Siguro naman ay hindi siya galit sa akin no dahil hindi ko alam na ngayon pala ang birthday niya.



Caged By The Monstrous Beast (Fairy Tale Series #1)Where stories live. Discover now