Bakit hindi tumulo ang luha nila?

43 2 0
                                    

Alin nga ba ang masakit? Ang makita mong pumatak ang luha niya o hindi mo malaman ang nararamdaman niya dahil hindi niya pinapakita?

Ang mamatayan ng mahal sa buhay o buhay nga pero wala na sa tabi mo?

Ang magpatuloy pa rin sa relasyon nyong nilipasan na ng panahon o bitawan ito para sa nakita mong pag-ibig na hindi mo inaakala?

Ang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik o ang magmahalan kayo ng hindi sinasabi?

Ang masagot ang mga tanong na bakit at paano kahit masakit o hindi mo malaman ang katotohanan sa lahat ng nangyari?


Bakit nga ba pinili nila na hindi lumuha kahit masakit?

Dahil ba nakuha nila ang sagot na gusto nila o dahil ayaw lang nila magmukhang mahina?

Ikaw? Masaya ka ba talaga?

Totoo ba talaga ang mga ngiti mo na ipinakikita sa iba?

Kailan mo tatanggalin ang iyong maskara?

Bakit hindi tumulo ang luha nila? (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now