CHAPTER THREE - The Mage's Curse

9 0 0
                                    


The Mage's Curse

Unti-unting idinilat ni Avery ang kanyang mga mata. She waited for a few seconds to make her vision clear. May mga naririnig din siyang nag-uusap sa may dulong bahagi ng kanyang hinihigaan.

Sinubukan niyang bumangon kahit nanghihina pa siya upang makita at malaman niya kung nasaan siya ngayon.

"Ughh..", napaungol siya sabay hawak sa kanyang ulo dahil biglang parang may tumusok dito.

Napatingin naman siya agad nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanya. It's her uncle Dito and her professor. 'Bakit sila nandito? at bakit ba ang sakit ng ulo ko?" Napayuko siya dahil nahihilo ulit siya.

"Are you fine Estena?", tanong ni Artor. Avery didn't notice the bulky guy earlier because she was distracted by the pain. Napatingala siya agad at tiningnan ang taong nagsalita.

She creased her forehead when she saw the weird looking guy at her uncle's side. 'Oh, is he a foreigner? But what could be his race? I haven't encountered a person having those kind of eyes that he has.', naguguluhan at the same time na-a-amazed na tanong ni Avery sa kanyang sarili.

"Uhh..Are you asking me sir? My name is not Estena, I am Avery.", nalilito pa rin si Avery kaya tinignan niya ang kanyang uncle Dito na parang nanghihingi siya ng paliwanag.

Nakita niya ang kanyang uncle Dito na pinandilatan ang weirdung lalaki bago bumalik ang tingin nito sa kanya. She heard him cleared his throat. She also noticed that he is acting strange because he couldn't look her in the eyes.

Tumikhim ulit ito bago nagsalita, "Don't mind the name he called you earlier...uhh. Are you okay now, Avery? May masakit pa ba sa iyo?" Hinawakan siya ng kanyang uncle Dito sa kanyang dalawang balikat habang chine-check ang kanyang kabuuan na parang naghahanap kung may pasa ba siya.

"I feel a little bit better now uncle. May kaunting kirot na lang akong nararamdaman sa ulo ko.", malumanay na sagot ni Avery sa uncle niya. Alam niya kasi na medyo exaggerated ito kung mag-alala sa kanya.

"What was the last thing you remembered Avery before you passed out?",nabigla naman siya sa tanong ng professor niya. 'Bakit nandito si Prof. Lin?' tanong niya sa kanyang sarili.

Akala niya ay nasa room siya ng kanilang dormitory kaya nang nilibot niya ang kanyang paningin ay nagtaka siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang kwarto. Kahit medyo madilim dahil ang apoy lang mula sa fireplace ang nagbibigay liwanag sa paligid nila ay alam niya na hindi ito ang bahay ng kanyang uncle.

Napatingin naman siya ulit sa harapan niya nang marinig niya na nagbubulungan ang kanyang uncle at propesor na parang nagtatalo ulit.

"Gel, please this is not the right time to tell her everything right away. Hayaan mong maipaliwanag ko sa kanya ng paunti-unti ang lahat.",pabulong pero may diin na wika ng kanyang uncle sa kanyang propesor habang ang malaking lalaki naman ay tahimik na nakatingin lang sa kanya.

"There you go again Dito. Kung hindi ngayon, when will it be? We are running out of time and I'm sure she is smart and strong enough to handle the things that we will tell her today.", she heard Ms. Lin hissed while looking so annoyed with his uncle.

"Uhh,. excuse me. What is going on and why am I here? Nasaan po ba tayo ngayon at sino po siya?, hindi mapigilan na mga tanong niya habang tinuro ang malaking tao sa gilid ng kanyang uncle na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya.

Natahimik naman ang dalawang nagtatalo at napatingin ang kanyang uncle sa taong tinuturo niya.

"Hey fucktard! Stop staring at her. You look like a psycho looking at your victim.", napipikon na wika ni Dito kay Artor.

BoundlessWhere stories live. Discover now