Cursed: Two

1 1 0
                                    

Sigh.


I was so excited to finally see Sasa after a long time. I'd expected her would be so happy when we finally saw each other but it was the other way around. At that moment, I saw sadness and full of pain in her eyes staring at me. Her wistful voice seeking for help was still lingering on my ears.


Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang muli naming pagkikita. Pagkatapos ng araw na iyon ay marami na akong naririnig tungkol sa sinasabi nila na kanyang sumpa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung paano at bakit sya nagkaroon ng ganoon kung totoo man ito.


Wae?

Why is everyone calling her Cursed Lady?


"Because she's a witch!" alala kong sabi ni Oxynn.


Witches, for others they were the lowest being that had been ever created. Hindi kasi matukoy kung saang lahi o mundo sila nararapat o nanggaling. Kung katulad ba sila ng mga Demis o sa mga Uer.

Uer, in the world where I came from, they were called Homos. In history, they were also the first beings that had ever been created. Sa kanila rin binase ang kaanyuhan ng iba pang sumunod na mga nilalang.

Demis, were the top class of Demons. Maihahantulad ang kanilang kaanyuhan sa Uer ngunit sila ay may mga katangian at abilidad na wala sa mga ito. They were also called as Demiuers. Vampire and Lycans were on this class of beings.

Saang lahi o mundo man ay hindi matanggap ang mga Witches. Mahina ang turing sa kanila ng mga Demis at isa namang peste para sa mga Uer.


Kahit ko hindi pa masyadong alam ang totoo ay nalulungkot na ako para kay Sasa. Nasasaktan ako na ganito na pala ang turing sa kanya. Hindi ko rin maatim na isipin ang mga naranasan nya habang wala ako at hindi pa nagbabalik.


But witches were supposed to be the one who give curses, right?

Kaya paanong sya mismo ay may sumpa?


"Save me..."


Sa tuwing naaalala ko ang sinabi nya ng mga oras na iyon ay nakakaramdam ako ng kirot dito sa puso ko. Gusto ko syang tulungan. Gusto kong ibalik ang kislap sa kanyang mga mata. At gagawin ko ang lahat para mawala na ang lungkot na nagpapahirap sa kanya.



"Saphire!"


Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang pagtawag na iyon. Agad kong hinanap kung saan at kanino galing ang boses na tumawag sa napakapamilyar na pangalan na iyon. Kasabay nito ay may bumangon na pag-asa sa aking dibdib na makikita ko na ring muli ang alam kong nag-iisang nagmamay-ari ng napakagandang pangalan na iyon.

Ang pangalan na marinig ko pa lamang ay nagiging sobrang alerto na agad ng aking buong sistema. Lalo na ang puso ko na makakaramdam ng parang muling pagkabuhay at kauna-unahang pagtibok kapag nakita na ng mga mata ko ang nagmamay-ari nito.


Una kong nakita ang isang hindi pamilyar na babae na kakalabas pa lamang sa isang silid-aralan. Agad itong lumapit at humawak sa braso ng isang babae na alam kong sya ang nagmamay-ari ng pangalang aking narinig kanina. Sa kanya na napako ang aking mga pagtitig.

Cursed Lady (#BeginOne)Where stories live. Discover now